“Ba't ayaw mo 'ko kausapin?” Tanong ng Tukmol nung maabutan ako.
“Wala lang.” Wala gana ko sagot saka ininom ang hot choco. Uy! Ang sarap.
“Zennie, ano kasi eh.”
Huminto ako sa pag-lakad saka siya tinignan. “Ano ba gusto mo sabihin?”
“Baka kasi nakakalimutan mo liniligawan kita,” ngiti niya sabi.
Tangin-a.
Muntik ko ibuhos yung hot choco bigay niya saka, tapos supalpalin ng mukha. Ang kapal!
“Bangasan kaya kita diyan!” Inis ko sabi saka siya iniwanan.
“Bakit ba ayaw mo maniwala?”
Hindi ko siya pinansin.
Gag-u, ba't ayaw ko raw maniwala? Gag-o, talaga. Porket wala si Sofia ngayon daw sa Pinas, biglang liniligawan akong tarantad-o.
“Ano gusto mo gawin ko para maniwala ka?”
Hinawakan ko ang knob ng pintuan ng classroom namin. “Lagpasan mo si Rehan sa pagka-rank one this period.” Wala kagana-gana ko sabi.
Alam ko hindi niya kaya 'yon. Simula first prelim namin wala pa ang nakaka-agaw sa pagka-rank one ni Rehan sa batch namin.
“What?! That's nonsense! Hindi ko kaya lagpasan si Rehan ngayon lalo na't lagi siya ang may pinaka mataas na score ang nakuha this period, at isa pa tinigil ko na ang——”
“Dami mo sinasabi, naiiirita ako sa'yo.” Sabi ko at ti-nap ang ID ko sa pintuan saka pumasok sa loob.
Nandito na rin pala ang iba Mokong bukod kina Yuta, Johnny, Alex, Jaylen at Jeffrey. Naalala ko nanaman yung lintik na fiancè ko daw.
Pag-upo ko sa upuan ko sakto ang dating ni Jeaylen na may dalang DSLR na camera.
“Zennie!” Tawag agad sa'kin ni Jaylen saka siya lumapit sa'kin.
“Nag-pi-picture ka na ulit?” Tanong ni Jero.
“Oo.” Sagot ni Jaylen saka niya kinuha ang upuan niya at itinabi 'to sa inuupuan ko. “Na-save ko na sa cellphone yung mga pictures mo sa'kin, ginawa ko na rin na HD.
“HD? Patingin!” Exited ko wika.
Ipinakita ni Jaylen sa akin isa-isa ang mga pictures ko in-edit daw niya. Binigay na ni Jaylen sa akin ang cellphone niya. Bawat litrato ko mas naging malinaw, yung iba naman pinaputi niya ng konti, yung iba naka-zoom pero nasa magandang angulo.
“Wow! Ang ganda mo pa rin kumuha ng picture, Jaylen.” Komento ni James nung magsi-lapitan sila sa amin nila Jero, Gabriel, ABC, Kenneth, Gabriel, Mark, Theo at Johnny.“Salamat!” Sabi ko kay James.
“Sabi ko yung picture, hindi ikaw Zennie!”
Bwisit talaga lalaki 'to. Tinignan ko na lang ulit ang mga picture. Hindi ko alam na p'wede ako maging photogenic na ganito. Salamat sa magaling ko photographer.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 70
Magsimula sa umpisa