“Uy! Good morning Waeil!”
Sabay kami napatingin ni Waeil kay Beverly nung bigla sumulpot sa harapan namin. Akala ko umalis na 'to? Kasabay si Storm.
“Waeil, marumi ba ito? Nakita ko nakakalat sa kama mo.”
Napatingin kaming tatlo kay Manang na tinatanong tungkol sa pulang brief boxer ni Waeil.
Bigla lumapit si Waeil kay Manang tapos tumingin kay Beverly, kaya tumingin din ako kay Beverly. Namumula ang pisng niya.
“A-Ano b-balik lang ako s-sa kwarto mo Z-Zennie, akalimutan ko phone ko.” Utal na wika ni Beverly tapos tumakbo papunta sa kwarto ko.
Ano problema non?
Tumingin ako kina Waeil at Manang. “May ginawa ba 'ko?” Tanong ni Manang sa amin ni Waeil.
Balisa kinuha ni Waeil ang boxerbrief niya. “Malinis 'to.” Sabi ni Waeil saka itinago ang briefboxer at lumabas sa kwarto.
Lumabas sa kwarto at nag-lakad na rin kami pababa ni Manang.
“Ngayon ko lang sila nakita nagkakaganyan,” Natatawa wika ni Manang. “Naging ano sila ano nga ba tawag ron—ah! Conscious nung may babae na rito.” Dagdag na natatawang wika ni Manang.
BABAE?! EH BABAE RIN NAMAN AKO AH?!
“K-Kahit nung dumating ako dito?” Pa-simple ko tanong kay Manang.
“Nung dumating ka naman hindi sila nagka-ganyan.”
Tsss. Mga lalaki talaga pare-pareho.
Pag-baba namin ni Manang eh iniwan ko na siya sa sala at lumabas na ng bahay.
Pag-labas ng bahay eh naabutan ko roon si Jarex na nakasandal pa sa kotse niya. Putek! Parang model, eh nakasandal lang naman sa kotse niya.
“Si Jeffrey?” tanong ko pag-lapit kay Jarex.
“Nauna na.” Sagot ni Jarex habang binubuksan ang pintuan ng front seat.
Pumasok na 'ko sa loob ng kotse tapos sinara ni Jarex ang pintuan saka siya mabilis na pumasok at pinaandar ang kotse.
“Sinabi na ba kung ano kayo sa Halloween party?” Tanong ni Jarex habang nag-dadrive.
Ang tinutukoy ni Jarex eh yung halloween party na gaganapin next week para sa lahat ng studyante ng HIS. Bawat section, bawat grade level may iba't-ibang theme.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 73 (new ud)
Magsimula sa umpisa