抖阴社区

CHAPTER 73 (new ud)

Magsimula sa umpisa
                                    

  

  

“Mamaya pa sasabihin ni Ma'am Cloudyn yung sa'min.”  Sagot ko.
 
 

“Ako na ang bahala sa gagastusin mo para sa costume mo.”
 

Napatingin ako kay Jarex. “H-Hindi na.” Sagot ko saka tumingin ulit sa daan.
    
 
 

“I insist.”
 

Hindi ako sumagot bagkus eh bumaba agad ako sa kotse nung makarating kami sa parking ng HIS.

 
  

 
    

 
   

*      *           *       *

  
  
   
  
  
 

“Ang theme ninyo para sa halloween party ay fairy-tale,”  Masaya announce ni Ma'am Cloudyn.  “Dahil fairy tale ang theme ninyo nag-handa ako ng maganda thrill.”
 
 

“Thrill?”  Taka naming tanong lahat.
 
 

“Naisip ko dahil nag-iisang babae naman si Zennie dito sa section na ito at fairytale ang theme ninyo. Naisip ko gawin gawan kayo ng surprise!”  Exited na wika ni Ma'am Cloudyn.   

May linabas na dalawang box si Ma'am Cloudyn.

    
    
 


 

“Itong isang box ay magiging costume for boys at itong isang box ay para kay Zennie. Ang costume ay mga prinsipe at character nga fairytales at si Zennie ang magiging prinsesa o reyna ninyo. Isa dito ang magiging partner ni Zennie. Bunot na! AT ISA PA, ang a-attend ng halloween party may dagdag grade ang hindi a-attend may bawas grades bawat subject!”
  
  
   
“Ayoko ng halloween party!”  Biglang sigaw ni Hendery tapos eh tumayo.   “Pero, ako dapat ang magiging prinsipe ni My Labs ko!” Sabay takbo ni Hendery papunta kay Ma'am Cloudyn kaya lang naunahan siya ni Rehan sa pag-bunot.
   
  
   
    

Nung matapos bumunot ang lahat ng Mokong saka lang ako pinabunot ni Ma'am Cloudyn. Pag-bunot ko hindi na ako pina-upo ni Ma'am.
   

 

 
“Ngayon sabay-sabay ninyo buksan ang mga nabunot ninyo, pero wala mag-sasabi kung anong character ang nabunot, pati ikaw Zennie. Ang mag-sabi bawas grade!”
 
 
 

Ang dami pakulo.
 

 

“Buksan n'yo na.”

 
   

Sabay-sabay namin Mokong binuksan ang nabunot namin at ang nabunot ko eh si Cinderella. 
 
 

Ano 'to joke? Kung su-swetehin nga naman oh! Si Cinderella talaga? Ang pinaka-ayoko sa lahat.
 
 
 
 
“Itago ninyo ang mga papel at huwag sasabihin kahit kanino ang character na nabunot. Dismiss!”

    

  
Pag-labas ni Ma'am Cloudyn tumakbo ako palabas ng classroom. Tangna, humihilab ang tiyan ko. Hindi ko alam kung mauutot lang ako o utot na may kasamang sama ng loob.
   
 
   
  
“ZENNIE!”
   
  

 
Huminto ako sa pag-takbo nung makita ko sumunod si Storm sa akin. Leche lalaki 'to kanina pang umaga ako kinukulit, pero atleast nandito siya may mapagtatanungan ako kung saan may malapit na banyo.
     
   
  
  

“Buti naman pinansin mo na ako ngayon, akala ko hin———”
 
 

“Saan may malapit na banyo?”  tanong ko agad. Dami pa sasabihin eh.

 
 

“Banyo?”
  
 

“Banyo, Comfort room, bathroom. Banyo.”

Lintik! Kasalanan 'to nila Rehan, Andrew at Boy Emoji eh. Kung hindi nila ako binigyan ng kung ano-ano pagkain kanina a hundu ko matanggihan edi sana hindi sumasakit tiyan ko.
 
 
  

“Bilis Storm, sumasakit tiyan ko!” Inis ko sabi.
  
  
  

Hinawakan ni Storm ang kamay ko tapos eh hinatak ako kung saan.
 
  
 
  
 

Pag-hinto namin sa tapat ng banyo agad ako pumasok isa sa mga cubicle tapos umutot ako.
  
  

Nakahinga ako ng maluwag nang walang lumabas na sama ng loob ang pag-utot ko.
  
    
   
  

Lumabas ako ng cubicle at tinaggal ang coat kasama ang I.D. ko saka nag-hugas ng kamay at mukha. Namawis ako sa pagtakbo tapos akala ko talaga may lalabas na ng sama ng loob ang pag-utot ko kanina.
 
 
    
 
Pag-hugas ko lumabas na ako ng banyo at pag-labas ko wala na si Storm. Bwisit na lalaki 'yon iniwan ako? Pa'no kung tumae talaga ako tapos wala ako pera pang kuha ng wipes.
  
    
  

Makaalis na nga lang rin baka nasa classroom na ang bwisit na si Storm, pero maya-maya lang eh napahinto ako sa pag-lakad. Lintek, ang at I.D. coat ko naiwan sa banyo.
  
    
    
  
    
  
 
Tumakbo ulit ako papuntang banyo pero nung medyo malapit na'ko eh napatigil ako sa nakita ko at naiwan sa ere ang panga ko.
   
   
  

S-Si Yuta  .    .    .    Gago    .    .     .   Napahawak ako sa bibig ko.
     
  
  
 

Papasok si Ma'am Cloudyn sa banyo at nakasunod sakanya si Yuta. Tapos biglang hinatak ni Yuta si Ma'am Cloudyn at mabilis na hinalikan sa labi.
   
  
  
 
 
Tangna ano nangyayari?
   
   
  
   

May relasyon si Ma'am Cloudyn at Yuta? Pero jowa ni Ma'am Cloudyn si Sir Aron, tapos studyante ni Ma'am Cloudyn si Yuta eh. Pa'no nangyari 'to?
  
   

 
    
  
Naramdaman ko may yabag na papalapit at pag-tingin ko eh si Storm na ngiting-ngiti kumakaway sa akin.
   
  
  

Mabilis ako tumakbo papunta kay Storm at hinatak siya.   
   
  
 


“Yuck, Zennie! Nakapag hugas ka na ba?!”
  
 

  
 
Lintek na Storm na 'to, pero gago Yuta 'yon para ako matatae dahil pagkabigla ko.
  
  







   

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon