Naka-ilang malutong na mura ako sa isipan nang bigla lumuhod si Jarex sa harapan ko. Binuksan niya ang box. Ang laman n'on eh, isang rubber shoes na kulay asul.
Itinaas ng konti ni Jarex ang gown ko para hawakan ang pareho ko paa at palitang ang high heels nung rubber shoes. Pag-palit ni Jarex ng sapatos ko eh saka siya tumayo.
“Enjoy, princess.” Aniya saka umalis.
Habang natatanaw ko pa si Jarex ay tinitignan ko siya. Princess? Eh, ang pangalan ko Zennie?
“Zennie!”
Napatingin ako kay Beverly nang lumapit siya sa akin. Naka witch cotume siya. Ngayon ko na lang ulit nakita si Beverly pagtapos siya kunin ni Sofia last friday.
“Bakit hindi ka pa, pumupunta sa stage?” Tanong ni Beverly sa akin.
“Oh, eh bakit?” Tanong ko.
“Hindi mo ba narinig ikaw ang nanalo ng best in costume.” Masaya wika ni Beverly sa akin.
“Ako?” Turo ko sa sarili ko.
“Oo, ikaw. Kunin mo na ang premyo mong one hundred thousand pesos.”
“O-One hundred thousand pesos?” Hindi makapaniwala ko tanong.
Tinignan ko yung host sa stage na naka-manananggal costume. Nginitian niya ako. Put-a, nanalo nga ako? Hindi ko alam na may pa-premyo pala ganito.
Hinawakan ko ang gown ko saka nag-lakad papunta stage. Kaya naman pala in-spotlight-an kami kanina ni Jarex, nanalo ako. Lintek, hindi ko narinig iyon sa sobra kaba kanina.
Pag-punta sa hagdan ng stage ay napakunot ang noo ko nang naroon si Storm. Naka suot siya ng kulay puting longsleeve na may kung ano kulay gold sa balikat, tapos may belt din sjya kulay gold, may suot na kulay asul na gloves, iyong pants naman niya ay kulay pula at naka black shoes.
“Z-Zennie?”
Hindi ko pinansin si Storm at nag-lakad pa-akyat ng stage. Pag-akyat sa stage eh inabot sa akin nung host ang 100,000 pesos na nasa cheke. Pi-ni-turan muna ako bago bumaba ng stage.
Pag-baba ko ng stage eh naabutan ko nandito pa rin si Storm na nakatitig sa akin. Kung titigan si Storm, mukha siya prinsipe ngayon. Effortless ang pagiging g'wapo eh.
Iniwan ko si Storm sa p'westo niya. Bahala siya matulala.
Habang nag-lalakad sa gitna para hanapin amg table namin eh patago ako napapangiti. Pakiramdam ko kasi ako ang pinaka-maganda ngayong gani na 'to. Habang ang iba ay naka-costume ng pang-manananggal, zombie, witch, mami, skeleton, ako ito naka-suot ng pang-prinsesa.
“Nasaan na ba ang Section Ares?”
Itong paligid naman ay may disenyo ng pang-halloween, may mga naka-sabit na mga skeleton, yung mga ilaw nasa kalabasang peke, may design ding sapot-sapot na may gagamba.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 78
Magsimula sa umpisa