抖阴社区

                                    

“Ayoko! Gusto ko tayo magpakasal!”  Angal ni Storm.
      
    
    
“Ayoko sayo! Pangit ka! Mukha ka Tukmol!”
     
     
   
“Hinayupak ka babae ka!”

   
    
   
  
  
  
  
  
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
 

     
     
       
     
 
CHAPTER 81
    
    
    
   
   
ZENNIE ' s POINT OF VIEW

  
  
  
 
HABANG kumakain ako eh hindi ko matanggal tingin ko kay Jaylen. Wla ako kapiranggot na maalala na nakita ko siya noong bata kami. Kaya paano siya ang fiance kuno ko?
   
  
  
  
Hindi ko pa nakakausap si Jaylen tungkol sa nangyari kahapon. Tungkol sa pagiging fiance kuno naming dalawa.
   
  
  
 
“Bakit ganyan ka makatingin?”  Tanong ni Jaylen nang mapatingin sa akin.
   
     
 
Ngumisi ako.  “Ibig sabihin matagal mo na ako linoloko?!” Sigaw ko kay Jaylen.
    
  
  
“What are you talking?”
   
  
  
“Matagal mo na alam at hindi mo man lang sinabi sa akin?!”
   
  
 
“Dahil wala ako pake roon.”
   
  
 
Tumayo ako.  “Kahit na! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!”
   
  

Tumayo din si Jaylen. “Wala nga ako pake roon at hindi ko maalalang ikaw iyon!”
   
  
  
“Oh? Talaga ba?”
  
  
 
“Oo. Talaga!”
      
      
      
      
   
 
Sabay kami napatingin ni Jaylen sa mga Mokong nang mapansin namin na nakatingin sila sa amin.
   
  
  
 
“Close pala kayo dalawa?”
  
“Ano pinag-aawayan ninyo?”
    
“May hindi ba kami alam?”
    
  
  
  
 
Nagtinginan kami dalawa ni Jaylen tapos sabay na umupo. Hindi pa namin nasasabi sa mga Mokong ang nangyari kahapon at wala ako balak sabihin na fiance kuno ko itong si Jaylen.
           
  
  

Pareho kami napatingin ni Jaylen nang hampasin ni Storm gamit ang isa niyang kamay ang lamesang pwesto namin ni Jaylen.
   
  
  
“Anong meron sainyo dalawa?”  Tanong ni Storm sa amin ni Jaylen.
          
            
       
   
   
 
“Z-Zennie  .   .    .  ”
       
     
     
Sabay-sabay kami napatingin lahat kay Andrew nang tawagin niya ako ng parang robot na sira.
     
     
   
   
Kanina pa ganito si Andrew. Kapag kakausapin ko siya o kakausapin niya ako mukha siya robot na sira mag-salita pati nga sa nga pag-lalakad eh.
    
    
   
   
“I-Ito bi-binili kita n-ng pomelo j-juice.”
      
   
     
 

Sabay-sabay namin tinitignan si Andrew habang linalapag niya ng parang robot ang inuming binili daw niya para sa akin.
      
     
    
   
“Ano ba ang nangyayari sa'yo, Andrew?” Tanong ni Rehan sakanya.  “Mas puyat ka ba kay Mikael?”  Dagdag tanong ni Rehan.
    
   
  
 
Sabay-sabay naman kami tumingin kay Mikael na naka-dukdok ang ulo sa lamesa.
      
    
  
 
Kagabi umuwi si Mikael sa boarding house na lasing na lasing eh, tapos ngayon ito bagsak. Ilang linggo na din ganito itogn si Mikael eh.
    
    
     
“Hoy! Mikael, gising. Kumain ka.” Tawag sakanya ni Rehan sabay alog na din.
       
    
    
Bumangon at tumayo si Mikael.  “Hindi ako gutom.” Wala kagana-gana wika ni Mikael saka umalis at lumabas ng canteen.
   
  
  
Ano nangyari kay Mikael?
      
      
    
     
 

“Excuse me,”   
   
  
 
Sabay-sabay kami napatingin sa tatlo lalaki na lumapit sa amin. Tapos bigla hinarangan nila Rehan, Andrew, Hendery at Storm ang pag-tingin ko sa tatlo lalaki.
   
  
  
 
“Ano ang kailangan ninyo?”
 
“B-Bawal k-kayo lumapit kay Zennie.”
    
“Tigilan ninyo si My Labs ko!”
      
“Umalis na kayo bago pa ako manggigil.”
   
     
    
   
  
Mukha tuloy ako may apat na bodyguard. Kanina pa umaga ganito ang eksena.
     
    
    
Pag-pasok ng HIS nagulat ako ng bigla may nagsisilapitan sa akin ng mga studyante lalaki yung iba bigla ako bibigyan ng bulaklak, at ang iba naman inaaya ako mag-kape sa labas. Hindi ko alam ang gagawin kanina, mabuti na lang bigla sumusulpot ang apat na ito para itaboy ang mga lalaki lumalapit sa akin.
     
    
   
 
  
“Nadito kami para sana kausapin si Zennie.”  Sabi ni student boy #1.
   
  

“Ano sasabihin ninyo?”  Maangas na tanong ni Storm.
   
  
 
“Ano. Kung p'wede maging bida si Zennie sa play namin. Cinderella ang napili namin.”
    
   
   
  
 
Play? Acting-actingan? Arte? Arte?
  
  
   
“Ayoko!”  Agad ko sagot.
   
  
  
 
Muntik ko mabangasan ang tatlo lalaking ito nang bigla sila napunta sa harapan ko.
     
  
 
“Nakikiusap kami Zennie.”
 

“Ikaw ang bagay na bagay sa role na iyon.”
  
 
“Bukod sa magkaka-grade kami ay ang kikitain namimg pera sa play ay i-do-donate sa ampunan.”
   
   
 
  
Lintek. Napaisip tuloy ako. Parang ang sama ko naman ata kung hindi ko sila pagbibigyan, pero hindi ako marunong um-arte.
   
  
  
“Sige payag na ako!” Pikit mata ko sagot.
      
  
  
“Salamat Zennie!”
   
   

Muntik ko bangasan ang mukta ng tatlo studyanteng 'to nang akma yayakapin nila ako mabuti na lang mabilis sila nahawakan nila Rehan, Hendery at Storm.
    
  
 
“Suntok ko gusto n'yo yakapin?!”  Sigaw sakanila ni Storm.
   
  
“Umalis na nga kayo!” Sigaw naman sakanila ni Hendery.
    
  

“Teka! Teka! May nakalimutan kami sabihin!” Habol ni student boy #1 nang aalis na dapat sila.
         
      
   
“Ano nanaman iyan?”  Tanong ni Storm.
    
   
  
“Ang pinagpipilihan namin na maging prinsipe mo ay si Waeil at Andrew.”
   
  
  
 
Biglang kinuwelyuhan ulit nila Rehan, Hendery at Storm ang tatlong studyante.
     
     
   
“Bakit sila dalawa lang?”  Tanong ni Rehan.
     
     
   
“Hindi tama iyon!”  Sigaw ni Hendery.
   
  
 
“Ako dapat ang prinsipe ni Zennie!”  Sigaw naman ni Storm.
    
  
 
“Naging usap-usapan kasi ang nangyari eksena nila Andrew at Zennie nung eksaktong alas-dose ng madaling araw nung halloween party.”  Tarantang sagot ni student boy #2.
  
 
 
“At yung pag-sayaw nila Waeil at Zennie. Usap-usapan din ng lahat. Nung gabing 'yon kina Waeil at Zennie, para bang napaka-magical ng eksenang iyon at gusto makita ulit ng mga studyante iyon, kahit na may mag naiinggit.” Kulang na lang kuminang ang mata ni studen #3 habang nag-e-explain.
     
     
  
 
“Hindi ako papayag! Kailangan magpa-audition kayo!”  Sigaw ni Storm.
    
  
  

Bwisit na Tukmol. Ayos na nga si Andrew o Waeil ang magiging partner ko, tapos mag-pa-pa-auditon pa siya. Eh kung sana siya mg sasakit ng ulo sa pag-pili.
      
     
    
 
Tinignan ko si Waeil. Muntik na malaglag ang panty ko nang ngitian niya ako.
       
  
 
 
Tinignan ko din si Andrew. At napa-kunot ang noo ko nang makita naka-tayo lamang siya habang pinag-didikit ang dulo ng hintuturong daliri niya.
   
  
  

  

   
  
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon