抖阴社区

                                    

 
Kanino boses ng dalawa bata ang narinig ko sa isipan ko? Sino ang dalawa bata nag-aasaran sa isipan ko?

   
   
   
  
  
 
*     *         *       *

 
  
  
  
  
 
Sabado na ng hapon ngayon at tinitignan ko ang sarili ko sa whole body mirror ko.
  
  

“Ayan, Zennie. Ang ganda-ganda mo na.”  Puri sa akin ni Beverly pag-tapos ako ayusan.
  
 

“Hindi ba masyado makapal ang red lipstick ko?”  Alinlangan ko tanong.
   
  

“Hindi. Sakto lang iyan.”
   
  

 

Napanguso ako nang tignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Hindi lang siguro ako sanay sa sobra pulang lipstick kaya naiilang ako.
   
  
 

Ngayong sabado kasi inimbitahan kami buong Section Ares pati si Beverly ni Ma'am Cloudyn sa birthday party niya na gaganapin sa hotel. Dahil marunong naman magmake up at extra gown si Beverly pinahiram niya ako at inayusan.
   
  

Ako na color blue ball gown, samantalang si Beverly ay naka color red gown na hapit na hapit sa katawan niya kaya kitang-kita ang pagka-kurba ng katawan niya.
   
  
 
“Zennie, nabalitaan ko mag-bibida ka sa isang play na ang bida ay si Cinderella?”
   
  

Umupo ako sa tabi ni Beverly.  “Oo. Medyo nakakahiya nga kasi hindi naman ako magalimg umarte-arte.”
   
  

“Naku! Kaya mo 'yan. Ay nga pala. Nagh-audition din daw si Storm para maging bida? Totoo ba?”
  
  

“Oo.”  Inis ko sagot.
  
  

“Talaga?” Natatawa tanong ni Beverly.   “But, Storm. Really hates Cinderella since we're grade two.”
     
  
 
“Parang hindi naman?” Natatawa ko tanong kay Beverly.
   
  
 
Eh ang Tukmol pa nga ang pasimuno sa audition-audition para maging si Prince Charming.
   
  
  
“Noong bata kami. Mag-lalaro dapat kami ng Princess and Prince ang napili namin ay Cinderella, pero nauwi sa bangayan sina Jaylen at Storm. Kaya umuwi si Jaylen at pinuntahan ni Storm na naka costume ng Prince Charming. Tapos kinabukasan, nag-kwento sa amin si Storm na may nakita daw na batang babae si Storm sa bahay nila Jaylen na naka costume ng pang-Cinderella.”
  
  

Tumayo si Beverly tapos ay inayos ang mga make up na ginamit.
   
  
 
“Nagustuhan daw ni Storm iyong batang babae, pero si Jaylen ang nagustuhan ng bata babae.”
  
    
 
Puta. Hindi lang si Sofia ang pinag-agawan ng dalawa? At, bata palang sila nag-aagawan na sila sa babae? Lalandi.
   
  
 
“Nagustuhan nung batang babae si Jaylen, dahil akala ng batang babae si Jaylen ang nakita niya naka-costume na pang Prince Charming. Ang hindi alam ng bata bababe, ay si Storm ang nakita niya naka-costume na Pang Prince Charming at hindi si Jaylen.”
   
  
 
Bakit parang pamilyar?
 
  
  

Inisip ko ng maiigi kung saan ko narinig ang kwento ni Beverly. Pamilyar na pamilyar ang i-kinuwento ni Beverly, hindi ko lang maalala kung paano naging pamilyar iyon sa akin.
   
  
 
 
 
“Zennie, ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo?”  Tanong ni Beverly sa akin na nagpa-balik sa diwa ko.
  
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon