Tumayo ako. “Puntahan ko lang si Yuta sa taas.” Paalam ko kay Beverly saka lumabas at umakyat sa fourth floor.
Pag-punta sa kwarto ni Yuta ay kinatok ko ng kinatok ang pintuan ng kwarto niya. Naka ilang beses na katok ako bago niya buksan ang pintuan.
“Bakit hindi ka pa nag-bibihis?” Tanong ko.
“Ayoko pumunta.”
“Pero, Yuta——”
“Ayoko nga sabi, Zennie.”
“Sino mag-hahatid sa amin? Hindi na kami nagpasundo isa sa mga Section Ares at baka nasa venue na sila lahat ngayon.”
“Mag-taxi kayo.”
“Yuta, naman!” Mauubos na pasensya ko sa lalaking 'to eh.
“Tatawag ako ng mag-hahatid sainyo.”
“Gago. Mag-bihis ka at hihintayin kita dito sa labas ng kwarto mo.”
“Ayoko nga sabi pumunta.”
“Edi 'wag! Basta huwag ka magpa-pa-kwento sa akin kung ano naganap sa birthday party,” lumapit ako kay Yuta. “ng pinakamamahal mo babae.” Bulong ko sakanya.
Tinulak ako ni Yuta. Iyong tulak na para lumayo lang ako sakanya.
“Fine, mag-bibihis na ako. At isa pa ang pangit ng lipstick na ginamit saiyo.” Sabi ni Yuta bago isara ang pintuan.
Gago 'yon.
“Bilisan mo na lang! Hintayin kita dito sa labas ng kwarto mo!” Sigaw ko.
Napaka rupok pag-dating kay Ma'am Cloudyn ni Yuta.
Hindi pa rin ako kumbinse sa pagmamahal ni Yuta kay Ma'am Cloudyn. Bilang kaibigan, ayoko masaktan sa huli si Yuta. Ang gusto ko makahanap siya ng babae karapat-dapat sakanya at mamahalin siya ng buong-buo.
Napatalon ako ng bahagya nang lumabas na si Yuta. Advantage ng pagiging gwapo, iyon kahit ano damit bagay sakanila. Tulad ni Yuta, nag-palit lang ng damit na black tuxedo ang gwapo na.
“Tara na.” Aya ko sakanya.
Pag-dating namin sa third floor ni Yuta nagulat ako nang hatakin niya ako papunta sa kwarto ko. Sakto naabutan namin si Beverly dito na mukha palabas na ng kwarto ko.
“Nasaan ang pinanggamit na make up sa'yo?” Tanong ni Yuta sa akin.
Tinuro ko ang make-kit ni Beverly na naka-patong sa lamesa. Kinuha ni Yuta ang make up kit tapos ay kumuha siya ng kung ano-ano lipstick at tissue. Tapos eh, pinahid iyon sa nguso ko.
“Ano ba Yu——”
“Shut up.”
Edi, shut up. Gagu.
Maya-maya eh natapos na si Yuta sa ginawa niya sa akin tapos lumabas na si Yuta. Ako naman tinignan ko sa salamin ang ginawa ni Yuta.
“Wow! Ang galing ni Yuta.” Puri ni Beverly.
Yung labi ko kanina parang natuyot na lupa, ngayon naging flawless na at medyo binawasan ni Yuta ang pagkapula ng lipstick ko na mas bumagay sa akin.
“Oo nga eh.” Pag-sang-ayon ko.
Sabay kami napatalon sa gulat ni Beverly nang marinig namin ang malakas na busina ng sasakyan ni Yuta sa labas.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 82
Magsimula sa umpisa