抖阴社区

                                    

Ngumisi ang gago Yuta.  “Kinabahan ka?”
   
  
 
“Aba malamang! Eh, isa dangkal lang ata ang layo ng espada mo nung hiniwa mo ang sofa!” 
  
  

“Buti nga sa'yo, kinabahan ka.”
  
    
 
Ay, gago.
    
 

“Mag-lilinis na ako sa taas, dito ka lang.
 
 
 
“Mabuti pa nga doon ka sa taas baka gawin mo pa ako manananggal!”
  
  

Bigla tinaas ni Yuta ang hawak na espada.  “You want?”
  
 

Puta.  Bigla ako kinabahan. Parang totohanin nga ang gago.
  
 

“Kidding.”
  
  

“Ha-ha-ha nakakatawa. Ha-ha-ha.”
 
 

“Tataas na ako.”
     
   
   
  

Pag-taas ni Yuta umupo ako sa ibang sofa at tinuloy ang pananahi sa damit at maong short niya.
      
   
 

Ano kaya ginawa namin ni Yuta kagani at sumasakit ng ganito ang buo ko katawan lalo na ang balakang at tiyan ko.
  
  
   
Maisip nga ang nangyari sa akin kahapon, baka maalala ko.
 
  
 
Simula kay Charlie. Nung binantayan ako niya ako. Napahinto ako sa pag-tatahi. Imagination ko lang ba na tinangka ako halikan ni Charlie? Tinuloy ko ang pananahi. Baka nga imagination ko lang 'yon. Imposible gawin ni Charlie iyon.
 
  

Pero si Hendery  .  .  .  
   
  
  
Ang playboy na iyon. Hindi ko alam kung ganoon siya mag-painom ng gamot. Hinalikan niya pa rin ako ng nanghihina ako.
  
  

 
Tinigil ko ang pag-tatahi sa damit ni Yuta. Nahilo ako kakaisip. Siguro, yung tinutukoy niya sa nangyari sa amin kagabi eh tatanungin ko na lang. Sumasakit nanaman ang ulo ko.
  
 
 

 

Pagka-tapos ko itahi ang nag-iisa damit at short ni Yuta eh sinundan ko siya sa kwarto sa taas.
   
  
   

Pag-pasok ko sa kwarto, nakita ko nakatayo si Yuta sa isang pintuan habang hawak ang isang maliit na box na may sing-sing. Yung napulot ko noon.
     
  
 
Pag-lapit ko kay Yuta bigla siya nag-salita.
  
   
  
“Ibibigay ko dapat ito kay Ma'am Cloudyn nung birthday niya, kaya lang iba sing-sing ang tinanggap niya.”
   
  
 
Malungkot ang boses ni Yuta nang ibulomg niya iyon kulang na lang umiyak siya.
   
  
 
“Ang tagal ko pinaghandaan ang araw na iyon. Pero, bigla siya nakipag-hiwalay sa akin.”
     
  
 
“Yuta  .   .  .  ”  Hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Ramdam ko sa boses niya na hindi niya na hanggamg ngayon nasasaktan pa rin siya.
    
     
 
“Sa sobra pagmamahal ko kay Ma'am Cloudyn  .  .  .  ”   tumigil sa pagsa-salita si Yuta tapos tumingin sa akin. Yung mata niya ngayon, wala luha lumalabas pero mababakas na umiiyak ito.
   
    
  

Teka. Bakit ako tinitigan ni Yuta? Gusto niya ba ng advice?
 
  
  
 
“Makakahanap ka rin ng iba.”  Advice ko. Ang ganda non, grabe. Mababango pananaw ni Manong Yuta sa sinabi ko.
  
 

“Who?”
   
  

“Ako. Charot.”  Biro ko, para pagaanin ang loob niya.
  
  

“Never.”  Agad at wala alinlangang sabi ni Yuta.
  
  
 
“Mag-move on ka lang. Bwsit ka!” 
  
  
 
“No. Not until she's not married.”
   
   
  

Iba rin talaga mag-mahal 'tong si Yuta. Hindi sumusuko hanggang dulo.
   
  
 
“Yuta, ano nga pala ginawa natin kagabi? Ba't ang sakit ng buo katawan ko? Naalala ko yung pag-bantay nila Charlie at Hendery sa akin, yung sa'yo hindi.”
  
 

Ba't bigla namula ang mga pisngi niya? Hindi naman mainit dito.
   
   

“Huwag mo na alalahanin ang nangayri sa atin kagabi dahil ayoko na maalala iyon.”
 

 

      
 

“Ang daya mo. Ikaw naalala mo, ako hindi.”
  
  
  
“That's your fault.”
 
 

“Ang dayo mo. Oh, ito na.”  Sabi ko sabay abot sakanya ng tinahi ko.
  
  

“Ano ito? Basahan?”  Komento ni Yuta pagtapos suriin ang damit na tinahi ko.
    
  

“Atleast nga may masusuot ka para maka-labas ka ng hindi hubad.”
 
 

Fine. Lumabas ka na at huwag ka papasok dito ng hindi pa ako tapos mag-bihis.”
 
 

“Para namang sisilipan kita.”
 
 

“OUT!”
  
 
  
“Oo, ito na.”  Sabi ko habang palakad papunra pintuan. Nag-sungit nanaman ang Manong.
  
 
 
Pag-hawak ko ng door knob tumingin ulit ako kay Yuta.
   
  
 
“Hindi mo talaga sasabihin sa akin ang ginawa natin kagabi?”  
  
  
 
“OUT!”
 
  

“Oo,  ito na nga.”   Sabi ko saka tuluyang lumabas. Galit nanaman talaga.
    
   
  

Ba't naman kasi ayaw pa sabihin ni Yuta ang ginawa namin kagabi na mukha dahilan ng pagka-sakit ng buo ko katawan.







I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon