Mabilis na nasalo ni Yuta si Zennie bago tuluyan mapahiga at pumalakda ang sa sahig.
“Are you okay?” Tanong ni Yuta kay Zennie na ngayon ay naka-higa sa taas ng katawan niya.
Bumangon si Zennie saka umupo sa katawan ni Yuta at hinawakan ang magka-bila balikat.
“Ang init ng katawan mo.” Seductive na sabi ni Zennie.
Tinangka halikan ni Zennie si Yuta ngunit agad na sinuntok ni Yuta sa tiyan si Zennie na nag-patulog sakanya.
Binuhat ni Yuta si Zennie pa-bridal style at dinala muli sa kwarto at hiniga roon.Kinuha ni Yuta ang isang pamahid na gamot at pahilot na ipinahid ito sa tiyan ni Zennie.
Pagkatapos hilutin ni Yuta si Zennie ay tumayo ito at tinignan ang mahimbing na natutulog na si Zennie.
“Moushiwakenai.” (Sorry.)
Hinalikan muna sa noo ni Yuta si Zennie bago ito iwanan sa kwarto.
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
CHAPTER 91
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Gusto mo ba tulungan na kita riyan, Apo?” Tanong ni Lola sa akin.
“Hindi na po.” Sagot ko kay Lola saka tinuloy ang pag-luluto ko.
Bisperas na ng pasko ngayon. Tinawagan ako ni Lola kahapon na mag-pasko ako kasama siya at nung inaalagaan niya. S'yempre pumayag ako, miss ko na kaya si Lola.
“Lola, nas'an po yung alaga ninyo?”
Kanina umaga pa ako narito sa mansion na 'to, pero maski anino ng alaga sinabi ni Lola hindi ko pa nakikita. Hindi kaya hayop ang inaalagaan ni Lola?
“Nasa kwarto niya. Ganon talaga iyon, lagi nag-kukulong sa kwarto niya.”
Tumango ako saka tinignan ang iniihaw ko isda.
Naisip ko bigla si Yuta. Umalis ako sa condo niya ng hindi man lang siya nabati ng personal. Alis kasi ng alis eh. Pero, ipinag-luto ko naman siya ng spaghetti. Sana naman kaininin niya kahit hindi 'yon galing sa McDo.
Tinanggal ko ang apron ko saka lumapit kay Lola. “May dadalhin mo ako dito, Lola.”
“Aalis ka? Gabi na.”
“Ayos lang po 'yon. Sige po, Lola. Alis na po ako.” Paalam ko saka mabilis na tumakbo palabas.
Pag-labas ko nagulat ko nung makita si Gabriel.
“Zennie? Ano ginagawa mo dito? Magaling ka na?” Sunod-sunod na tanong ni Gabriel.
“Mamaya na lang. Nag-mamadali ako.”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 91
Magsimula sa umpisa