抖阴社区

                                    

    
    
   
   
   
   
  
  
  
 
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
  
  
  
  
 
  
  
 
 

CHAPTER 96
  
  
 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW

 
 
 

 


Tahimik kami lahat na sabay-sabay kumakain ng almusal. Pinapakiramdaman ko sila. Parang may mali eh.
 

Una, hindi sila umuwi nung weekend sa kanya-kanya nila bahay. Pangalawa, ang sama ng tingin nila kay Yuta lalo na sina Waeil, Hendery, Rehan, Andrew at Storm. Pangatlo, hindi ko pa nakaka-usap si Yuta pagkatapos ng prom night.
    
  
  
“Bes, ano tinitingin-tingin mo kay Yuta?”  Masungit na tanong ni Jeffrey sa akin.  
  
  
Napatingin ako kay Jeffrey sakay sa iba.  “Wala! Wala!” Sabi ko saka kumain ulit.
   
  
 
 
Ewan ko sakanila lahat. Hindi ko nakakausap si Yuta dahil sakanila. Yung simple tingin ko nga lang kanina eh parang may gagawin kami masama ni Yuta. Hindi ko naman sila matanong kasi pare-pareho kami busy mag-review para sa darating na exam this week.   
    
  

 
Mag-fa-final exam na pala kami. Ang bilis naman ng panahon. Parang kelan lang nung pumasok ako sa HIS, nakilala sila, nakasama sila, pinapaalis ako, nag-aaway sila,  tapos ngayon masasabi ko solid na kami lahat.  
    
   
  
 

“Ay, Bes.”
  
 

Napatingin ako kay Jeffrey. Hindi ako sumagot kasi may laman ang bibig ko.
  
 
 
“May napili ka na sa four and half na manililigaw mo diba? Sino nga ulit 'yon?”
   
  
 
Sabay-sabay kami anim na napa-buga ng kinakain. Nakita ko nabuga din nila Storm, Hendery, Rehan, Waeil at Andrew ang kinakain nila at iniinom.
  
  

“Penga ako inumin tang*na!”

“Namumula si Hendery!”

“Dahan-dahan sa pag-inom ng tubig Rehan!”

“Waeil, bakit ka tulala?!”

“Storm, bumangon ka. Bakit ngayon ka pa hinimatay?!”

“Si Andrew! Hahaha! Nanginginig!”
    
  
  
 
Pag-inom ko ng tubig tinignan ko ng matalim si Jeffrey. Tangna! Wala ako naalala may sinabi ako mayroon ako napili na.   
    
   
 

“Ano  .   .   .  Mali ba yung intindi ko na pumasok bigla sa isip mo yung pinili mo kapag tinatanong ka sa pag-pili?”
 


  
Isa-isa ako napatingin kina Storm, Waeil, Hendery, Andrew, at Rehan. Bigla nanaman nag-blanko isip ko at ka-boom! yung pangalan at mukha niya ang sumulpot sa isip ko.
     
  
 
“Bakit ngumingiti ka, Zennie?”  Tanong ni Kenneth.
  
 

“Mayroon ka na nga napili?”  Tanong ni Gabriel.
  
  
  
Agad ako napatayo nung makarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas. Sakto ang pag-dating ng mga sundo namin.
  
 

“Storm, tara na!”

“Pwede ba mamaya na kayo mag-tulala!”
 
“Gumalaw naman kayo!”
 
“Mamaya na kayo kiligin!”
   
  
  
 
Dinig ko sabi ng iba Mokong sa lima.
  
 

Ano ba 'to nangyayari sa'kin. Ba't naman kasi bigla siya pumapasok sa utak ko kapag natatanong ako sa pilian na 'yan.
    
  
  
  
 
 
 
Pag-dating sa HIS hindi na'ko nag-tataka kung pinag-titinginan kaming lahat.
  
 

Tinignan ko yung lima sina Hendery, Andrew, Rehan, Waeil, at Storm.
  
  
 
Tangna, para kami may kasama lima lasing. Buhat ng iba Section Ares yung lima. Kung hindi ba naman kasi mga sira-ulo. Tulala sila, tapos hindi ba gumagalaw.
  
 
 

“Hindi ko alam kung kinikilig sila o kinakabahan.”  Natatawa sabi ni ABC.
     
 

BIGLA ako inakbayan nila James at Theo.  “Sino ba kasi pipiliin mo sakanila?”  Sabay na tanong nung dalawa tapos nag-apir pa.
       
  

Pili? Kailangan ko ba talaga mamili sakanila?
  
  

“Zennie, namumula ka!”   Sigaw ng epal na si James.
  
  
 
“Letse tigilan nyo ako!”   Sigaw ko saka nauna nag-lakad sakanila.
   
  

 

“Hoy, Yuta hindi ka p'wede lumapit kay Zennie!”

“Kayo lima umayos na kayo!”
 
“Ang bibigat kaya ninyo!”
  
  
    
  
 

Pag-dating namin sa classroom sa unang helera namin inupo yung lima at tinignan sila. Daig pa nila ang lasing.
  
 

Si Storm, parang umiikot ang paningin.
  
 

Si Rehan, pakurap-kurap.
   
 
 
Si Waeil, nanginginig na namumula ang buong mukha.
   
  

Si Andrew, tulala habang naka ngiti.
 
 

At si Hendery. Tulala habang ang mukha daig pa strawberry sa sobra pula ng mukha.
    
  
  
 

“HOY!” Sabay-sabay na sigaw namin lahat.
  
 

Yung lima sabay-sabay na tumingin sa amin sabay ayos ng upo.
   
   
  
  

“Hinayupak na babae, handa na ako marinig na ako ang pinipili mo.”  Sabi ni Storm.
  
 
 
Gago.
  
  
  
“Zennie after 7 years,  sa wakas tatanggapin mo na ang pag-mamahal ko sayo.”  Sabi ni Rehan.
  
  
 
Tang-na.
    
 
 
“Zennie, first time ko ito, kaya exited na kinakabahan ako sa pag-pili mo.”  Sabi ni Waeil. 
  
  
 
Puta.  
  
  
 
“Zennie, hindi na ako makapag-hintay sabihin mo kung sino ang pinipili mo.”  Sabi ni Andrew.
  
  
Ulol.
   
  
 
“My Labs ko, exited na kinakabahan ako maging boyfriend mo pero syempre masayang-masaya ako maging one and only boyfriend mo kasi ikaw ang one and oy My Labs na Labs na Labs na sobra labs ko.”  Sabi ni Hendery.
  
  

Tarantado.

  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon