"Pahingi ako nung ice cream na may chocolate!
"Pahingi nuggets!"
Tinignan ko isa-isa ang mga Mokong. Nag-aalala ako sakanila kapag nag-tapos kami ng Grade 10. Kung ipagpapatuloy nila ang ganito na lumalayo sila sa ibang tao, eh paano sila kapag nasa labas na ng dorm ng Section Ares at sa labas ng classroom ng Section Ares?
“Hoy, hinayupak na babae. Bakit hindi ka kumakain?”
Natigil din sila sa kinakain at ginagawa nila tapos tumingin sila sa'kin.
“Iniisip ko lang kung ano kukunin ko strands.” Pag-sisinungaling ko. “Kayo ano kukunin n'yo strands?” Pag-iiba ko sa usapan.
Bigla sila nanahimik. Teka! Wala naman ako sinabi masama ah?! Bakit bigla sila nanahimik?!
“Ikaw, Jaylen. Diba mag-do-doctor ka? Edi mag-STEM ka?”
Ayoko ng katahimikan nila.
Bigla ngumiti si Jaylen. “Oo. Mag-STEM ako.”
Buti pa si Jaylen alam na ang gagawin sa buhay.
“Goodluck, Doc.” Masigla ko sabi.
Bigla napangiti ng malapad si Jaylen.
Nakakainggit na alam ni Jaylen ang gusto niya course.
“Yung iba? Kayo? Ano kukunin ninyo?”
“Puso mo My Labs ko, ang kukunin ko!”
Pota.
“Nice!”
“May bumabanat!”
“Playboy on!”
“Hindi na ako playboy! Si Alex na lang ang playboy!”
“Edi namatay ang Hinayupak na babaeng 'to.”
Tang-na. HAHAHA.
"Boom!"
"Hendery, sumagot ka!"
"Talo na si Hendery!"
"Tumigil nga kayo." Suway ko. Parang mga tanga eh. "Ano muna kukunin ninyo strand?"
Bigla nanaman sila nanahimik.
"Sa totoo lang, hindi ko alam ang kukunin ko." Sabi ni Mark.
"Kung ano gusto ng parents ko iyon ang kukunin ko." Sabi ni James."Hindi ako dito mag-aaral sa U.S. na ako mag-aaral."

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 106
Magsimula sa umpisa