"Hayy nako Brena!" Stress na sabi ko.
Bigla ko naalala yung Tukmol na Storm na 'yon. Hindi pa naman pala studyante sa HIS pero kung mag-angas akala mo anak ng may-ari ng school .
"Okay, base sa reaction mo mukha alam ko na." Natatawa sabi ni Brena. Bigla nag-seryoso ang mukha ni Brena. "Napaka pasaway ng mga kaklase mo, Zennie. Kaya please lang huwag ka sana matulad sakanila."
"Oo naman. Hindi ako magiging katulad ng section Ares." Naka ngiti sabi ko.
May pagka-pasaway ako, pero yung kasing pasaway ng section Ares hindi ako ganon. May, pagka-matapang ako pero nasa lugar, hindi katulad ng section Ares na ang lakas ng loob makipag-away sa harapan ng schoool at higit sa lahat hindi ako bully. KAYA IMPOSIBLE maging katulad ako ng ibang section Ares.
"Panghahawakan ko ang sinabi mong 'yan, Zennie. If you need help o makakausap nandito lang ako. Huwag ka mahihiya lumapit sa akin."
Napangiti ako sa mga huling sinabi ni Brena. Ngayon lang ako nakarinig ulit ng ganoon sa ibang tao.
"Ay oo nga pala, Brena. Kahapon ang dami natin nakasalubong na Section Ares. Pero bakit yung mga kaklase ko sina Theo, Albert, Jeffrey, Yuta at Waeil lang ang mga kaklase ko?" Pag-chechange topic ko.
Huminto ang kotse at pagtingin ko sa labas nasa HIS na pala kami. Sabay kami bumaba ni Brena sa kotse nila. Pag-baba namin pumasok kami agad ni Brena sa campus.
"About sa tanong mo. Pinag-hiwalay muna ang section Ares sa tatlo."
"Bakit?" tanong ko.
"Zennie, hindi mo magugustuhan kapag nagsama-sama ang buong section Ares sa iisang classroom." Sagot ni Brena saka ito umalis.
Yung isang section Ares, mga pasaway. Yung isa naman mga bully at yung isa naman mga takaw away.
Mukha tama si Brena. Mukha hindi nga maganda ideya na pagsama-samahin sa iisang classroom ang buong section Ares.
* * * *
LUNCH BREAK NA!
Tinignan ko silang lima palabas na ng classroom. Pag-labas nilang lima kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng palda ko at tinignan kung may text na si Rehan.
Si Rehan, mag-kaklase kami noong grade 9 sa Pampanga. Hindi kami close, kasi bwisit na bwisit ako sa kanya.
Nabubwisit ako kay Rehan sa tuwing, bibigyan niya ako ng pagkain lalo na kapag recess, pilit na tatabi sa akin sa loob ng classroom, at lalo na tuwing sasabihin na gusto n'ya raw ako. Basta makita ko lang si Rehan, bwisit na bwisit ako noon.
Kaya kung tatanungin ako kung bakit wala pa ako naging kahit isang boyfriend o naging crush. Hindi sa nagmamaganda ako pero kahit papaano naman eh may mga nagkagusto sa akin, pero wala eh hindi ko sila gusto. Hindi dahil sa standards, kundi dahil kay Rehan. Kung hindi kasing effort ni Rehan, reject agad. Kung hindi kasing sincere ni Rehan, hindi. Kung hindi si Rehan, ayoko.
Last week lang ulit kami nagka-chat sa facebook, pagkatapos ng unang pag-uusap namin noong grade 6.
Ano na kaya ang itsura ni Rehan ngayon? Mas gumawapo siguro? Pag nagka-taon na mas gumawapo siya baka mas lalo ko siya maging crush. Pero kahit hindi s'y gumawapo, gusto ko pa din siya eh. Eh kasi naman ang profile picture sa facebook eh anime.
REHAN :
Lunch break na namin, nasaan ka?ME :
Nsa sch aq.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 02
Magsimula sa umpisa