"Saved you? I didn't saved you."
"Aysus! H'wag ka na mahiya. Linigtas mo kami kanina."
"Sinabi ko na sa'yo noon. You are my target. That means," Ilinapit ni Jaylen ang mukha niya sa mukha ko. "I am the only have the rights to bully you."
Nawalan ako ng sasabihin sa mga huling sinabi ng mokong na ito. Gusto ko siya sabunutan. Suntukin. Sipain. Ibalibag sa Mars. Bangasan.
Napahawak ako sa bibig ko nang bigla sumulpot si Storm at sinunggaban ng suntok sa mukha si Jaylen.
Tumba si Jaylen, agad rin siya tumayo. Gaganti pa dapat ng suntok si Jaylen nung hawakan siya nila Gabriel at Jero. Hinawakan din nila ABC at Theo si Storm. Ngayon, pareho sila dalawa nag-pupumiglas.
"Bitawan n'yo ako! Kulang pa ang suntok ko sa gag-o 'yan!" Sigaw ng magaling na Tukmol na si Storm.
"Let me fu-ckn go!" Sigaw ni Jaylen.
Humarap ako kay Storm. "Ano ba problema mo?" Mahinahon ko tanong.
"Eh gag-o Jaylen 'yan ang lapit ng mukha niya sa mukha mo!"
"M-Malpit ba?!"
"Oo! Hinyupak ka talaga! Magpapahalik ka na lang kay Jaylen pa!"
"Oy! Anong halik ka d'yan?!"
"T-Teka? Ayos ka lang?"
"Oo. Salamat kay Jaylen, ayos lang kami ni Ten."
Hindi umimik si Storm sa sinabi ko. Mukha napag-tanto na niya ang mali ginawa.
"Sugod kasi ng sugod." Bulong ko na narinig pala ng Tukmol.
"Kasalanan ko ba ang OA ng sigaw mo kanina?"
"Alin sa sigaw ko kanina ang naging OA?!"
Mag-sasalita pa dapat si Storm pero hindi natuloy ng pare-pareho kami tumingin lahat sa pintuan padabog na nag-bukas. Si Andrew-ng salubong ang kilay ang nag-bukas, kasama niya sina Rehan, Boy Emoji at ang lima pa nila kaibigan.
Napatingin sa gawi namin si Boy Emoji. Agad naman tumakbo si papunta sa akin. "Ayos ka lang, My Loves?" Tanong agad niya.
Tumango ako. "Oo."
"Good. Nasaan si Ten?"
Si Ten?
Nasaan si Ten?!
SI TEN, NASAAAN?!
Taranta ako tumingin sa pinaka-likod.
Naka hinga ako ng matiwasay nang makita siya doon na naka upo sa isang sulok. At nakapag-palit na rin pala siya ng uniform. Hindi ko napansin 'yon ah.
"Ten!" Tawag sakanya ni Andrew.
Nagsi-lapitan sila magkakaibigan kay Ten na pinapangunahan ni Andrew.
Hindi ko matanggal ang tingin sakanila. Makikita sa bawat mata at sa galaw nila ang pag-aalala sa kaibigan nila.
Nagulat ako nung bigla hampasin ng malakas ni Andrew ang lamesa nasa harapan ni Ten.
Sa lakas ng hampas na iyon bawat isa sa amin nanahimik at tangi ang mabigat na pag-hinga ni Andrew ang maririnig sa loob ng classroom na ito.
"Ten, sabihin mo na sa amin kung ano ang ginawa nila? At ituro mo sila sa akin." Mahinahon pero mababakas sa boses ni Andrew na pinipigilan niya sigawan si Ten.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 20
Magsimula sa umpisa