“Aba! Hindi mo napansin hinimatay ako? Grabe ka naman sa akin! Kaya pala bukod sa gutom ako magising n'ong linggo, eh sumasakit pa ang katawan ko.”
Siguro habang tumatakas kami hindi niya ako inintindi. Tsk. Tsk. Napailing ako. Grabe talaga ang isang mokong na'to.
Pero, bakit kaya pinapaulanan ng bala baril si Yuta nung gabing 'yon? Hindi kaya——
“Yuta, umamin ka nga, drug addict ka ba?”
Tumingin saglit si Yuta sa akin. “What the hell?!”
“H'wag mo ako ma'what the hell the hell diyan. Umamin ka na sa akin nang maparehab kita.”
“Do I look a drug addict?”
Kung pag-babasehan sa physical appearance. Hindi. Sino ba mag-aakala sa isa gwapo tulad ni Yuta na drug addict siya?
“Hindi.” Sagot ko.
“Manahimik ka na lang, Zennie.”
Tumango ako, kaso kusa na lang bumukas at nag-salita ang bibig ko. “Eh, bakit ka pinaulanan ng baral baril nung sabado? Imposible ako? Kasi wala naman ako kaaway, kay——”
“Zennie!”
Zinipp ko na ang bibig ko. May pagbabanta na ang boses ni Yuta eh.
Kung hindi drug addict si Yuta, bakit siya pinaulanan ng baril nung gabibg 'yon?
Sino yung mga 'yon?
Nasa delikado ba ang buhay ni Yuta?
* * * *
Pag-pasok namin ni Yuta sa loob ng campus. Marami pares nanaman ng mga mata ang nakatingin sa amin. Mga tsismosa nilalang.
“Uy, Yuta!” tawag ko sakanya nang mag-iba siya ng direksyon ng pupuntahan.
Lumapit si Yuta sa akin. “Sabihin mo sa teacher natin, ma-le-late ako ng konti. Pupunta ako ng theater room.” bilin niya sa akin at umalis na siya.
Nag-lakad na ako papunta classroom.
Ano naman kaya ang gagawin ni Yuta sa theatre room ng ganito kaaga?
Pag-pasok ko ng classroom, gaya ng dati lahat sila busy sa pag-rereview.
Hindi ba sumasakit ang ulo't mata nila sa araw-araw na kakareview? Tapos itong classroom na'to ang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag at bukod sa pag-hinga namin, eh ang tatlo aircon ang tangi maingay.
Dumiretso ako sa pwesto ko. Pag-upo ko tinignan ko ang oras sa wall clock. 07:30 pa lang pala. Ang bilis naman kasi mag-maneho ni Yuta kanina eh.
Kinuha ko ang cellphone sa bag pati earphones pagkatapos hinatak ang upuan ko sa pinaka-likod at kumuha ako ng isang upuan na sobra dito.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 28
Magsimula sa umpisa