抖阴社区

                                    


 

Pag-punta ko sa pinaka-likod, eh sinaksak ko ang earphones sa cellphone at nagpatugtog ng kanta. Pagkatapos eh ipinatong ko ang paa ko sa isang upuan, sumndal ako at pumikit na.
    
     
 
 
Gusto ko pa matulog.
    
   
 


 

Bwisit!
  
    
 


 
 

Patulog na ako, nang bigla huminto sa pag-tungtog ang cellphone ko. Lestse! Sigurado nag-mi-miss call nanaman ang letseng Tukmol. Bahala siya sa buhay niya! Gusto ko matulog!
     
          
 
 
 

“Ano ba!”   sigaw ko at napa dilat ako ng mga mata nang may bigla humatak ng earphone ko sa isang tainga ko. 
 


  
 

Pag-tingin ko ang letseng si Storm.
    
   
 
 
“Ano ba problema mo?!”  sigaw ko.
 

 
    
    
 
 

Makakatulog na'ko eh. Nung weekend pa'ko hindi makatulog ng maayos eh.
     


 
 

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Ni hindi mo sinabi nandito ka na pala? Hindi ba ang text ko sa'yo sunsunduin kita sa boarding house? Tapos malalaman ko sa mga tsismosa sa labas na sabay kayo ni Yuta pumasok?”
    
   
 
“Wala naman siguro masama kung sabay kami ni Yuta? Amina earphones ko.”   mahinahon ko wika at pag-hingi sa earphones ko. Ayoko sumigaw, nakakahiya sa mga nag-rereview.
   
 


 

“Ito ba?”
        
 

 

Napamura ako sa isipan nang bigla kunin ni Storm ang earphone ko sa isa ko pa tainga at hinatak niya ito sa cellphone ko.
   
   
 
Pagka-hatak ni Storm sa earphone bigla niya ito sinira. Napatayo ako roon sa sobra pagka-gulat at inis.
    
     
 


 

“STORM LUCENA!”   Malakas ko sigaw, saka lamang niya hininto ang pag-sira sa earphone ko.
   
 
“Zennie   .    .   .   ”
   
 


“Tangina uwag mo ako ma-Zennie-Zennie!” Galit ko wika saka ko kinuha ang ilang pirasong earphone na nasa kamay niya at pinulot ang iba sa sahig, pinulot ko din ang cellphone ko nahulog sa pag-hatak ni Storm sa earphone ko.
   
 


 

Hinatak ko ang upuan ko sa pwesto ko saka ko kinuha ang bag ko at nag-lakad papunta pintuan, pero hindi ko pa nabubuksan ang pintuan nang bigla may humawak sa braso ko at pagtingin ko si Storm.
  
 


 

Paglingon na pag-lingon ko kay Storm saka tumulo ang luha sa kaliwan ko mata.
   
 

 

 
“Bitawan mo ako! Ayoko kita kausapin!”
  
 


“Zennie, don't do this. Earphone lang 'yan, ibibili na lang kita ng bago at mas maganda diyan.”
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon