抖阴社区

                                    

Pag-tingin ko sa mga hinahing pagkain ni Hendery hindi ko naiwasan mapanganga sa sobra pagka-takam.
   
   
 

“Ano tawag sa mga pagkain na 'yan?”
       
 
“Ito, Rib-nose steak ang tawag.”   turo niya sa dalawa steak.   “Ito, grilled chicken. Butter Shrimp.”
      
 
“Wow!”   Iyon lang ang nasabi ko habang nakatingin sa mga pagkain dala ni Hendery.
        
 
“Wala pala tayo plato.”
           
 
“Edi, sa mga takip tayo kumain. Problema ba 'yon?”  suggestion ko at kinuha ko ang isang takip para kumuha na ng mga pagkain.
      
 

 
  

Una ko kinuha s'yempre iyong kanin, tapos yung isang steak na sigurado sa akin ang isa, tapos grilled chicken tapos ang paborito ko hipon.
          
  
 
Pagka-kuha ko ng mga pagkain, syempre agad ko na inumpisahan kumain. 
     
   
  
Ang linamlinam ng bawat putahe.
   
 

  
 
“Grabe, Hendery! Ang sarap nitong mga luto ng mommy mo!”
      
   

“May restaurant kasi ang, Mommy ko.”
    
 

“Kaya pala ang sasarap ng mga luto niya.”
  
  
 
“Ang sabi ni Mommy, kung gusto mo dumaan doon ipagluluto ka niya.”
   
 

“Nakakahiya naman. Pero sige ah?”  S'yempre sayang 'yong libre pagkain.
      
 

“Ay oo nga pala, Hendery. May mga studyante dumadaan dito oh!”   turo ko sa mga dumadaang studyante na napapatingin sa amin.    May mga studyante din dito na tumatambay,”   turo ko sa mga studyante nakatambay dito.  
     
 

“Ano naman?”
    
 

“Eh? Diba ayaw mo may iba nakakakita sa'yo na nag-babaon ka ng pagkain? Kasi bawas points iyon sa mga babae mo?”
   
 
    
 
Napatingin ako kay Hendery nang madinig ko siya mag-tsk.  Hirap siya sa pag-balat ng hipon. Ang arte-arte naman kasi, kutsara at tinidor ang gamit sa pag-balat.
       
 
   

Nag-lagay ako ng isang hipon gamit ang kamay ko at ilinapit ito sa labi ni Hendery. Naagaw ko naman ang atensyon niya sa ginawa ko.
 

  
 


 

“M-My Labs  ko   .  .  .”
    
 

“Ano titigan mo na lang ba 'to? o kakainin mo? H'wag ka maarte malinis kamay ko.”
     
     
     
    
     
 

 
  
  
  
 

*       *           *      *
 
 
   
   
 
 
  
 
   
HENDERY ' s POINT OF VIEW
   
 

 
  
  
  

Make her fall in love with me!
 
 
 
Make her fall in love with me!
  

  

Make her fall in love with me!

   
  
  

Lagi ko iyan pinapaalala sa sarili ko sa tuwing kakausapin ko siya o bago ko siya kausapin.
 

     
  

  
Make her fall in love with me,  iyan ang huling utos na susundin ko sa babaeng mahal ko.
   
    
 

Kumukuha siya ng mga pagkain dala ko at wala niya itong arte kinakain ngayon. Hindi ko siya maiwasang tignan. Ang sarap niya titigan habang masiglang-masigla kumakain.
  
   
 

What the hell?
    
       
 

Kumuha na din ako ng kakainin ko. Bakit ko siya tinitignan habang kumakain at naka ngiti pa ako ng malapad?
  
   
 

 
What the hell is wrong with me?!
 
 


 
 

Hindi ko na siya tinitignan. Pero nakangiti pa din ako.
 
 

 

Mas lalo ata lumapad ang ngiti ko nang pumayag siya na ipakilala ko siya kay Mommy.
   
 

  
Sa inis ko kumuha ako ng paborito ko pagkain, ang shrimp at inumpisahan ko ito balatin.
    
 


 

Naiinis ako, dahil natutuwa ako madinig ang boses niya.
 
 
 



What the hell exactly is wrong with me?
 
 


“Tsk.”
 
   
  

Bakit naiinis ako nang hindi ko madinig ang boses niya sandali. It's just a damn tree seconds I didn't hear her voice, but it feels like a year.
   
  


 

Naagaw ng atensyon ko ang hipon na nasa harapan at pagtingin ko kay Zennie.
  
   
 


 

Pag-tingin na tingin ko kay Zennie bigla na lamang bumilis anh tibok ng puso ko. Damn! What is this?
 
     
 
 
Tinitignan ko lang ang hipon na hawak ni Zennie.    
  
    
 

Bumilis ba ang tibok ng puso ko, dahil sa hipon na hawak ni Zennie? Kasi, sa wakas makakain na din ako ng hipon?
      
       
 

Oo! Tama! Bumilis lang ang puso ko dahil sa hipon. Dahil bibigyan niya ako ng paborito ko pagkain.
  
   
   
 

“Ano titigan mo na lang ba 'to? o kakainin mo? H'wag ka maarte malinis kamay ko.”  she said.  
  
    
 
 
Damn her voice!
 
   
  
 
Mas lalo bumilis tibok ng puso ko,  pagkatapos ko madinig ang boses niya at makita ang matamis niya ngiti.
   
   
 

This is not me!

      
 
 

Kinain ko ang hipon na hawak ni Zennie.


 
  

Hindi makapaniwala napangisi ako.
  
 
  

Nabitag ako sa sarili ko bitag.
  
    
 
 
Ako ang nahulog sakanya.
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon