抖阴社区

                                    



"A-Ano Waeil, lalagyan ko na ng band aid mga sugat mo ha?" paalam ko.

Hindi sumagot si Waeil bukod sa tango.



Linagyan ko na ng band aid ang sugat ni Waeil. Habang linalagyan ay hindi ko mabilang kung ilang laway ang nalunok ko sa sobra kaba dahil sa lapit ng mukha ni Waeil sa mukha ko, pagkatapos nakatingin pa siya sa akin.




Bakit kasi nag-suggest pa ako mag-lagay ng band aid sa mukha ni Waeil?! Nag-tatambling tuloy lamang loob ko sa tiyan.

Parang mauutot tuloy ako.





Pagka-lagay ko band aid sa mukha ni Waeil saka lang ako naka hinga ng maluwag.



Tumayo na ako. "Ano Waeil, mag-pahinga ka na. Ano, uhm... Aalis na ak---"



Hindi ko naituloy ang mga susunod ko pa sasabihin at bumilis ng mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko nang bigla ako ilahin ni Waeil at ihiga ang kalahati ko katawan sa kama, pagkatapos mabilis siya tumingin sa akin.



Nakakailang malutong na malutong na mura ako sa isipan ko. Ano gagawin ni Waeil sa akin?



Hindi na ako nakakapag-isip ng matino ngayon at mukha mauutot pa ako sa sobra kaba.


"Zennie . . . "



Hindi ako sumagot. Anong isasagot ko?!

Gusto ko kumawala, pero hindi magawa ng katawan ko!




Namilog ang pares ko mga mata nang pumikit si Waeil at dahan-dahan niya ilinalapit ang mukha niya sa mukha ko.



Ano gagawin ko? Eh, maski kamay ko ayaw gumalaw. Natataranta ako na hindi maka-galaw.



Maya-maya eh ahan-dahan ako napapikit nang lumapat ang labi ni Waeil sa noo ko.



Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nakakapanghina na nakakagaan ng loob ang halik ni Waeil.



Nahihiya idinilat ko na ang mga mata ko nang hindi ko na naramdaman ang labi ni Waeil sa noo.



Nag-tatambling nanaman mga lamang loob ko sa tiyan nang makita ko ang mukha ni Waeil na malapit sa mukha ko.



"Good night," aniya sa boses na nakaka akit.



Taranta tumango ako itinulak si Waeil saka ako lumabas ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko.













Sinipa-sipa ko ang hangin pagkatapos maalala ang mga nangyari kagabi.



Waeil! Waeil! Lagi na lang ba ako parang mauutot kapag kaharap ka?



Ang hirap kaya mag-pigil ng utot.



Kinagat ko ang kuko ng hinlalaki ko habang nakatigin sa bulletin board.



Hindi ko alam kung paano ko na talaga haharapin si Waeil ngayon.



Bakit naman kasi lagi na lang siya bigla-bigla nanghahalik sa noo, pagkatapos ako iyong mahihiya sa amin dalawa?



Minsan gusto ko na murahin si Waeil eh, kaso hindi ko magawa. Baka ma-turn off ssa akin. Luh? Turn off? Hindi naman niya ako liniligawan eh.


Huminga ako ng malalim. Ngayon, umaasa ako na gusto ako ni Waeil?



Bakit ako yung umaasa? Ako ba nang-hahalik sa noo? Ako ba?! Kaso ako 'yong may crush eh, edi ako dapat yung umaasa?!



Ngayon, gusto ko na din sipain si Waeil. Pati utak ko ginugulo niya.




"Zennie?"



Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Brena.



Tumabi si Brena sa akin pagkatapos ay humarap din siya sa bulletin board.




Maaga ako pumasok pagkatapos dumiretso ako dito sa bulletin board ng grade 10, para makita kung totoo nga nasa top23 si Storm at top48 si Jaylen.



Sa sobrang exited ko kahapon sa pagka-rank 15 ko, hindi ko na tinignan ang iba kung pang-ilan sila.


"Storm, rank 23 and Jaylen, rank 48." Saad ni Brena.


Tinignan ko si Brena At napa-iling-iling siya. Maya-maya ay tumingin si Brena sa akin.



"Zennie, ano pala nangyari kay Storm kahapon?"

"B-Bakit ano nangyari kay Storm?" Nag-aalala ko tanong.





Bukod ba sa nabugbog daw si Storm kagabi may nangayari pa sakanya iba?



Sa sobra kilig ko kay Waeil kahapon, dumiretso ako sa kwarto ko pagkatapos tumae ako. Literal palang natatae talaga ako kagabi.





"Bago ako umuwi kahapon dumaan ako sa faculty at nakita si Ma'am Cloudyn na pinapagalitan si Storm."





Pumunta faculty kahapon si Storm?

Si Storm ang nangelam ng mga test papers namin? Bakit?



"Mauna na ako, Zennie." Paalam ni Brena.

"Sige, salamat." Sabi ko bago umalis si Brena.








Ako naman eh nag-lakad-lakad habang iniisip si Storm.

Hindi ko rin alam kung bakit ko iniisip si Storm? Siguro, kahit na galit ako sakanya hindi ko maiaalis ang mag-aalala sakanya dahil kaklase ko siya?




Kung saan-saan na ako nakarating sa campus. Napunta na nga ako sa college campus, mabuti na lang naka-salubong ko si Jarex at tinuro niya sa akin ang papunta sa campus namin.



Pero ngayon, hindi ko nanaman alam kung nasaan ako.



Ang nasa tapat ko ngayon eh isang parang hindi na ginagamit na building na may second floor.




"AH!" sigaw ko nang mayroon bote ng alocohol bigla bumagsak sa harapan ko na nanggaling sa isang classroom mula sa second floor.



Kinuha ko ang bote ng alcohol na may laman at tinangala kung sino ang nag-hagis ng notebook na ito.


"Storm?" kunot noo ko tawag.




Agad ako umakyat pa second floor saka ko hinanap ang classroom kung nasaan si Storm.



Madali ko nahanap ang classroom dahil bukod sa lima lang ang classroom eh, isa lang ang bukas na pintuan.




Pag-pasok ko sa classroom kung nasaan si Storm agad ako lumapit sakanya.



Ang dami niya galos sa mukha. Hinawakan ko ang mukha niya at chineck ng maigi ang mukha niya. Napapa-iling ako, sayang ang mukha niya.


Nagulat ako ng hawiin niya ang kamay ko. "If you're dissapointed with me, can you just not look at me? Sawang-sawa na ako sa ganyang tingin."



Storm . . .



"S-Sorry..." hingi ko ng tawad.



Pero hindi ko maiwasan na hindi tignan ang mukha niya. Nagamot na kaya ang mga sugat niya?



Napatingin ako sa hawak ko alcohol pagkatapos tumingin ako kay Storm.



"Nalinisan na ba 'yang mga sugat mo?" mahinahon ko tanong.

"Bakit pinuntahan mo ba ako sa kwarto ko kagabi?" Masungit niya wika pagkatapos tinalikuran niya ako.



Hindi ko maiintindihan ang sinasabi nitong Tukmol na 'to.


Ano ba ibig niya sabihin?



Pinuntahan ko ba siya kagabi sa kwarto niya?



Nag-lakad ba'ko habang tulog?





"Narinig ko kayo magka-usap ni Yuta kagabi. Ang akala ko pupuntahan mo ako sa kwarto ko, pero mali pala ang pagka-intindi ko sa narinig ko."

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon