抖阴社区

                                    

"OhMyGosh!"




Tumigil ako sa pag-takbo nang sandamakmak na ng mga babae studyante ang nakaharang sa pagitan namin ni Storm at lahat sila nakatingin ngayon kay Storm-na basang-basa at kitang-kita ang abs.

Tinignan ko si Storm at mukha sinusumpa na talaga ako.

Nginitian ko siya ng devilish. Tukmol ka. Namnamin mo ang pag-takbo sa buong campus katulad ng ginagawa ko simula last week at hanggang ngayon, nang dahil sa'yo.


"KYYAAAHH! PAHAWAK NG ABS MO BABY STORM!" Kinikilig na sigaw ko at naging hudyat 'yon para habulin ng mga babae si Storm.



Nang mawala na sila lahat sa paningin ko, tinawagan ko si Brena, para makipag-kita sa harapan ng bulletin board ng mga SHS.



Hindi pa'ko tapos gumanti kay Storm. Humanda siya sa susunod na gagawin ko sakanya.



Pagtapos ko kausapin si Brena tinignan ko ang paligid ko.

Napamura ako sa isipan ko nang maalala ko hindi ko pa pala kabisado itong buong campus. At ngayon hindi ko nanaman alam kung nasaan'g lupalop ako ng HIS ngayon.


Nag-umpisa na ako mag-lakad, para mag-hanap na ng studyante na p'wede ko pag-tanungan papunta grade 10 building.


Napa-hinto ako sa pag-lakad ko nang marinig ko ang isang kumpol ng mga babae na nag-uusap malapit sa akin.

"Oo parang nakita ko 'yung babae na 'yon dito."

"Are you sure?"

"Oo. Alam na alam ko na ang mukha ng babae'ng 'yon na pinasakay ni Waeil sa kotse niya."

Patay! Ang fangirls ni Waeil.

Tumingin ako sa paligid ko kung saan ako pupwede mag-tago. Wala! Wala ako makita p'wde pag-taguhan dito sa open field, bukod sa isang nakatalikod sa akin na lalaking studyante na iyon.

Tumakbo agad ako papunta sa lalaki studyante. Pag-punta ko sa likuran niya ay bumulong agad ako. "Patago muna dito sa likod mo saglit ha? Yung fangirls kasi ni Waeil." bulong ko sakanya.


Hindi siya sumagot o tumango man lang, pero nag-tago pa din ako sa likod niya. In-assume ko na lang na ayos lang sakanya na mag-tago sa likod niya.



"Nasaan na ba yu--omg! Jaylen," dinig ko sigaw ng mga babae hinahanap ako. Pagkatapos ay pumunta sila dito sa lalaki'ng ito. Kaya sinubsob ko ang mukha ko sa likod ng lalaki ito, para hindi makita ang mukha ko.



Jaylen? Pamilyar yung pangalan.



"Umalis kayo sa harapan ko, kung gusto ninyo mag-aral ng matiwasay dito sa HIS!" masungit na sabi nito lalaki ito.



Agad naman kumaripas ng takbo ang mga babae'ng 'yon, kaya tinaggal ko na ang pag-subsob ng mukha ko sa likod ng lalaki ito.


"Salamat ah." sabi ko agad kahit nakatalikod pa ito sa akin. "Atsaka pala, alam mo ba kung saan ang papunta bull-Jaylen?!" hindi ko naituloy ang tanong ko sakanya nang humarap ito sa akin.

Kaya pala pamilyar ang pangalan. Siya yung nampatid at nambato sa'kin ng linukot na papel.

Ngumisi siya. "Naalala mo ako?" mayabang na tanong nito sa akin.


"Malamang! Paano kita makakalimutan?" inis ko sabi sakanya.



"Zennie!" Tinignan ko ang tumawag na 'yon sa akin. "Andrew!" masayang tawag ko sakanya saka ako tumakbo papunta sakanya.



Pag-lapit ko kay Andrew nag-pasama agad ako papunta sa bulletin board. Sinamahan naman niya ako.



"Nabalitaan ko ang ginawa mo kay Storm kaya hinanap agad kita. Nag-alala ako sayo, baka kung ano gawin sayo ni Storm pagkatapos ng ginawa mo sakanya kanina." Sabi ni Andrew habang nag-lalakad kami.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon