抖阴社区

                                    


"Ha? Bakit ka naman mag-aalala?"


"Knowing Storm, alam ko hindi niya papalagpasin ang ginawa mo."


"Alam ko. Kaya humanda din siya sa akin. Hinding-hindi ko siya uurungan."


"Basta kapag may ginawang hindi maganda si ang Storm sa'yo tawagan mo lang ako. Pupuntahan agad kita."


"Yakang-yaka ko si Storm, don't worre-ry. Hehehehe."



Aba't ang Andrew tinawanan ata ang english ko.



Nang malapit na kami sa bulletin board natanaw ko agad roon si Brena, na nakatingin sa amin.


Tumakbo agad ako papunta sakanya. Pag-lapit ko nginitian niya agad ako.



"Ito na yung pinaprint mo, Zennie." sabay abot sa akin ng isang white square envelope.


"Thank you Brena!"


"You're welcome. S-Sige aalis na ako. May aasikasuhin pa kasi ako."


"Sige ingat ka."



At mabilis umalis si Brena.

Tinignan ko ang mga pina-print ko kay Brena at hindi ko naiwasan tumawa ng malakas.


Pina-print ko kay Brena itong mga shots ni Jeffrey kay Storm last week, nung hinagisan ko sila ng laruan'g daga, worms, ipis.



"Teka Zennie si Storm ba 'to? Patingin,"



Natatawa ko inabot kay Andrew, tapos bigla rin siya tumawa ng malakas.

"Ang galing ko noh?" Natatawa ko tanong.

Inumpisahan ko na pagdidikit ang mga epic pictures ni Storm dito sa bulletin board. Akala niya huh! Lintik lang ang walang ganti.









━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━






BRENA ' s POINT OF VIEW


Nang makita ko ang tawa ni Andrew dahil kay Zennie, gusto ko na agad tumakbo. Para hindi ako nasasaktan. Ni minsan hindi tumawa ng ganoon si Andrew nang dahil sa akin.



Kaya nga nang maiabot ko agad ang kailangan ni Zennie sa akin ay umalisagad ako. Pero bago ako umalis tinignan ko muna si Andrew. Nginitian ako ni Andrew bago ako umalis kanina, na akala mo ay nag-papasalamat sa akin.



Hindi pa ako nakakalayo ay napahinto ako sa pag-lakad palayo sakanila, dahil sa malakas na tawa ni Andrew. Gusto ko pa pakinggan at makita ang mga tawa niya.



Maya-maya ay tumakbo na din ako palayo sakanila. Nang makalayo ako sakanila ay huminto na ako sa pag-takbo at ito nanaman ang mga luha ko nag-sisibabahan pababa sa pisngi ko.



"Umiiyak ka nanaman?"


Tinignan ko ang nag-salitang iyon.



Si Hendery.

Tinabig ko ang kamay niya, nang akma pupunasan ang mga luha ko.

"I can wipe my own tears." sabi ko habang pinupusan ang pisngi ko na may mga luha.


"Don't worry, this is the last time you will cry over him."



Huminga ako ng malalim. Desperada na kung deperada pero mahal ko si Andrew.




"Hendery, please make Zennie fall for you. Please." pakiusap ko kay Hendery.

Nagulat ako nang ngumiti si Hendery.

"Yes I will, but . . ."


"But what?"


"This is the last time I will do you a favor, Brena. Ito na din ang huli pag-uusap natin."


"Oo. Sige." mabilis ko sagot.

"So then, good bye." sabi ni Hendery, nang hindi man lang ako yinakap.








══════••❀••══════









HENDERY VELASQUEZ

HENDERY VELASQUEZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon