“Ano ba bes, ang sakit ng hampas mo!”
“Eh kung nanahimik ka na lang kase d'yan.”
“Oo na.”
Tumingin ulit ako kay Andrea Jayne daw. “Ano ba ang kailangan mo?”
“A-Ano po kasi kung p'wede ko po ikaw makuhanan ng picture, Miss akala namin girlfriend ni Waeil pero serious girlfriend pala ni Hendery?”
Ay wow! Hindi naman masyado mahaba yung nickname nila sa akin?
“Bakit mo ako gusto picturan?”
“Ano po, nasa Journalist club po ako. Ang balak ko po sana ay ikaw po ang maging topic namin atsaka kung may time po sana kayo kung p'wede ko kayo mainterview? This week. Madami ang curious tungkol sa'yo.”
Ay, para naman ako artista.
“Miss journalists club member, ang dami mo naman hinihingi pabor sa kaibigan ko?”
Hinampas ko ulit si Jeffrey. Napaka angas akala mo naman siya yung hinihingan ng pabor.
“Sige, mamaya lunch break sa cantren puntahan mo'ko doon.”
Natawa naman ako sa reaction ni Andrea Jayne. Ano ba ang akala niya artista ang iinterviewhin? Bigla nag-tatalon habang pumalapakpak pa.
“Ah, isa request na lang po.”
"Aba at gumagrab—-sige i-ituloy mo na ang sasabihin mo.”
Tinignan ko ng masama si Jeffrey. Ang dami sinasabi eh.
“A-Ano po, p'wede ko po ba kayo kuhanan ng picture? Para ilalagay ko po na kayo ang main topic next week.”
“Ay oo naman. Yun lang pala eh.”
Lumayo ng konti si Andrea Jayne at umanglo. Inayos niya ang DSLR na dala.
“One . . Tw—”
“Kasama ako!”
“H-Ha?”
Ang cute ng reaction ni Andrea Jayne.
“Bakit ayaw mo?”
“H-Ha, h-hindi . . . ”
“Anong hindi?!”
“A-Ano, h-hindi ayos,”
“Hindi ayos na kasama ako?!”
“H-Hindi, a-ayos na k-kasama ka, p-pero h-hindi ayaw ko.”
Gusto ko matawa sa mga sinasabi ni Andrea Jayne. Halata kinakabahan kausap si Jeffrey. At ito naman si Jeffrey hinampas ko ulit, parang ewan kasi.
“Tumigil ka nga Jeffrey. Sige, Andrea Jayne. Kuhanan mo na kami picture ni Jeffrey.”
“Sige po.”
Ilinagay na ni Andrea Jayne ang DSLR sa tapat ng mata niya. May inikot-ikot siya tapos nag-pindot ng tatlo beses.
“Isa pa po.” Napansin ko may ngiti na sa labi nang mag-salita s'ya ulit.
Ganon ulit ang ginawa ni Andrea Jayne. May inikot sa camera at nag-pindot ito ng tatlo beses. Pagkatapos eh lumapit na sa amin ulit.
“Patingin nga ako!”“H-Ha?”
“H-Ha-tdog? Sabi ko patingin!”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 13
Magsimula sa umpisa