Hinamapas ko ulit sa braso si Jeffrey. Parang tanga eh.
“Sige Andrea Jayne, kahit h'wag mo na ipakita sa amin.”
Parang naka-hinga siya ng maluwag sa sinabi kong 'yon.
“Sige po. Salamat po.” Sabi niya pagkatapos eh mabilis na tumakbo.
Hinampas ko ulit si Jeffrey sa braso.
“Aray ko Bes! Bakit nanaman?”
“Ano bakit nanaman? Grabe ka naman kay Andrea Jayne kanina, mukha naman mabait yung tao ah.”
“Oo mabait naman talaga si, Andrea.”
“Kilala mo si Andrea Jayne?”
“Tara na nga best!”
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ANDREA JAYNE ' s POINT OF VIEW
Nang makasigurado nakalayo na ako kina Jeffrey, tinignan ko ang nakuhanan ko picture kanina.
Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko nang tignan ko ang litratong kinuhanan ko kay Jeffrey kanina.
Ang gwapo talaga.
Zinoom ko ang picture ni Jeffrey. After 3 years sa wakas nagkaroon ako ng picture niya na ako mismo ang nag-take.
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Tinap namin ang keycard sa pintuan ng classroom namin.
Diba? Mas pinasosyal ang classroom namin, pintuan pa lang sosyal na talaga.
Pag-pasok namin ni Jeffrey wala masyado nag-bago sa classroom namin, bukod sa mas pinalaki ito at mas madami electricfan at aircon, mas maingay at magulo na.
“Dapat kami!”
“Kami dapat!”“No. Kami dapat!”
Ganito eksena ang naabutan namin ni Jeffrey pag-pasok sa classroom. Nag-tatalo-talo sila lahat kung sino ang dapat na nasa first row at pati ang mokong na si Jeffrey nakisali rin.
“Sinabi na kami dapat ang nasa first row!”“Bakit kayo?! Dapat kami?!”
“At bakit kayo? Dapat kami!”
“Suntukan na lang?! Ang matalo sila ang sa last row!”
Natampal ko ng mahina ang noo ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga studyante nag-aagawan sa first row. Hindi ba nila alam na mas masaya sa last row?
“Ano'ng akala ninyo uurungan namin kayo?”“Tara suntukan na lang!”
“Tara ng matapos na 'to!”
Ay naku pu! Naku pu! Mag-uumpisa na sila mag-suntukan. Ano gagawin ko? Ayoko naman makisali sa wala kwentang away nila. Pabayaan ko na lamg siguro?

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 13
Magsimula sa umpisa