抖阴社区

                                    

 
Letse ka talaga Storm Lucena.
  
  
 
Humarap na sa'kin si Storm na ngiting-ngiti na akala mo eh nanalo.
    
       
  
Hmarap naman ako kina Rehan at Hendery.  “O-Oo may usapan nga pala kami ng Tukmo—n-ni Storm na sakanya ako sasabay ngayon.”
 
  
  
Humanda ka mamaya Tukmol!
 
 
 
“Oh ano pa ginawagawa n'yo? Alis na.” Taboy ni Storm.
 
  
“Manahimik ka Storm.”   Tumingin si Hendery sa'kin.  “My Labs ko, mamaya sabay tayo mag-lunch ah?”
 
  
“Sige Zennie, see you in HIS later.”    Nginitian ko si Rehan. Palapit na si Rehan sa'kin nang bigla siya hatakin ni Hendery palabas ng gate namin.
 

“Hahalik pa sa My Labs!”  Dinig ko sabi ni Hendry kay Rehan bago sila sumakay sa kanya-kanya nila kotse sundo.
 
  
 
Humarap ako kay Storm na ngayon eh ngiting-ngiti pa. Nakakabwisit!
 
 

“Nasaan yung pictures na sinasabi mo?!  Idelete mo na 'yan. Ngayon!”
 
  
“Ayoko nga edi wala ako pang blackmail sa'yo.”
 
 
“Bwisit ka talaga Tukmol ka. Humanda ka kapag nakuha ko 'yang cellphone mo.”
 
 
“Ano gagawin mo? May password 'to.”
 
 
“Bakit kailangan pa ba ng password kapag babasagin ang cellphone?”
  
  
 
  
Tinalikuran ko si Storm. Ayoko na marinig pa ang susunod niya sasabihin.
   
  
 
“Hoy hindi ka ba sasakay?!” Sigaw ng Tukmol habang nag-dadrive at sinasabayan ang pag-lakad ko.
  
   
“Hoy Hinayupak na babae, sumakay ka na!”
  
     
  
Hindi ko siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya. Gusto ko sumabay kay Rehan kanina pero dahil sa pang-bblackmail niya hindi ko nagawa.     
   
  
  
Gulat ako naphinto sa pag-lakad nang bumusina siya ng bumusina.
 
  
 
“Ano ba?!”
 
 
“Hindi ka kagandahan kaya h'wag ka na mag-inarte at sumakay na sa kotse ko!”
 
 
“Utot mo!”
 
  
“W-What did you say?”
 
 
“Utot mo mabaho!” sigaw ko at nag-lakad na ulit.
  
   
   
  
Pag-labas ko ng village mabuti na lang at may jeep agad ako nasakyan.
 
   
 
Nakita ko nakasunod ang kotse ni Storm sa sinasakyan ko habang nag-bubusina nanaman. Ano ba problema ng Tukmol na 'to at sobra binubwisit ako mgayon'g umaga?
 
   
 
Napasalamat ako sa isip ko nung mag-overtake na si Storm.
  
   
 
“Ay!”  sigaw ng ilang pasahero nang bigla nag-preno si manong driver.
  
  
  
“ Manong driver ano po problema?!”

Manong nakakagulat naman kayo!”

Manong wala naman traffic ah? nag-mamadali po ako!

“Pasensya may kotse kasi bigla humarang sa dadadaanan ko!”
    
    
 
Kotseng humarang?
  
  
  
Titignan ko pa lang kung tama ang hinala ko nang bigla may humawak sa braso ko.
 
   
 
“H'wag mo ako binubwisit Zennie, bumamaba ka na dito at sa akin ka sasabay pumasok!” Seryoso saad ng Tukmol.
   
    
  
Miss, sumama ka na sa boyfriend mo!”

“Nakakakilig naman!”

“Miss, nagmamadali ako.
   
   
      
  
Wala ako nagawa kundi ang sumama kay Storm kaysa gumawa ng eksena sa jeep.
  
  
   
 
Pag-pasok namin sa kotse niya wala isa sa amin ang nag-salita hanggang sa makarating sa HIS.
    
      
  
Pag-labas ko sa kotse todo ang pag-sara ko sa pintuan.
 
 
 
“Hoy! Masira 'tong kotse ko!”
 
 
 
Hindi ko pinansin si Storm at nag-lakad  ako papunta loob ng campus.
  
  
  
Nagulat ako nang may bigla humawak sa braso ko kaya naitulak ko siya ng buong pwersa.
  
  
“Hinayupak ka babae! Ano ba problema mo?”  Tanong ni Storm na ngayon eh pinapag-pagan ang sarili.
  
  
  
Hindi ata inaasahan ni Storm ang pag-tulak ko sakanya ng buong pwersa kaya natumba.
   
     
  
“Eh bakit kasi bigla ka nanghahawak?!”
  
  
“Kanina pa kita tinatawag hindi mo'ko pinapansin!”
  
     
  
Sa sobra ingay ng kabog ng dibdib ko hindi ko narinig ang pag-tawag niya sa akin. Letse kanima pa 'to kabog ng dibdib ko nung hawakan ako ni Storm eh.
  
  
 
“Ano ba problema mo?!”
  
  
“Bakit kasi hindi mo ako pinapansin?!”
 
 
“Bakit may sasabihin ka ba?!”
  
 
“Wala!”
 
  
“Wala nama pal---”
 
 
 
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla hawakan ng Tukmol na ito ang isa ko kamay at hinatak ako palakad.
 
 
 
“Ano ba!”  reklamo ko habang pilit na inaagaw ang kamay ko.  “Bitawan mo nga ako!”  sigaw ko.
 
    
 
Ang Tukmol parang wala naririnig. Naka ngiti pa ang bwisit.
  
   
 
Sinipa ko ang likod ng tuhod ni Storm kaya nabitawan niya  'ko.
    
   
  
“Ano ba?! Bakit mo 'ko sinipa?!”
  
  
 
Nag-tanong pa ang bwisit. Iniwan ko siya ng wala sinasabi doon na iika-ika mag-lakad.
  
  
  
 
Nang makarating ako sa tapat pintuan ng classroom namin tinap ko agad ang key card ko.
    
   
       
Hoy! Wala ako key card! Humanda ka sa'kin kapag sinara mo 'yan!”
    
   
  
Wala pala key card ah.
   
     
    
Mabilis ako pumasok sa loob ng classroom at sinarado agad ang pintuan. Bahala siya ngayon sa buhay niyi.
   
   
     
   
 
Pag-sara ko ng pintuan parang may dumaan anghel dito sa loob ng classroom namin. Sobra tahimik.  Ano ba naman section ito? Mga kalalaki tao ketatahimik.
  
   
   
Linagay ko na ang handbook ko sa teacher's table pagkatapos eh nag-lakad ako papunta upuan ko.
   
  
  
   
Pag-upo ko at dahil wala ako magawa eh tinignan ko na lang buong paligid ng classroom namin. 
  
  
 
Itong classroom namin ng SECTION ARES, ang boring.
 
  
 
Sa sobra soundproof wala na kami naririnig mula sa labas sa oras na makapasok kami.  Dahil nga soundproof itong classroom eh hindi namin naririnig ang bell sa labas, kaya minsan late na kami pinapalabas kapag hindi namalayan ang oras. Ang malala wala kami break time, ang tangi break time lang namin tuwing lunch.
   
   
  
Naka sindi ang lahat ng puting ilaw. Paano, bawat bintana may nakalagay na makakapal na kurtina, kahit nga sinag ng araw hindi namin nararamdaman eh.
     
     
    
Grabe kung dati ganito na ang classroom nila, paano kaya nila natagalan 'to? Eh,  parang kami naka-kulong sa classroom na 'to. Makakalanghap lang kami ng sariwa'ng hangin tuwing lunch break at uwian.  Kahit may aircon at electricfan, minsa ang hirap huminga lalo na kapag gagawa kami ng activity.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon