抖阴社区

                                    

Nang nasa tapat na kami pintuan ng conference room  huminto kami sa pag-lakad.
   
 
  
“Ah, ako po si———My Labs ko!”
   

 
Natampal ko ang sariling bibig nang magulat ako at kung ano ang nasabi. Bigla naman kasi lumabas mula sa conference room si Hendery at sumigaw ng My Labs ko, sa gulat ko 'yon ang nasabi ko pangalan.
    

 
Pag-lapit ni Hendery sa akin binatukan ko siya.
  

 
“Masakit 'yon, My Labs!”
 

 
“Nagulat ako sa'yo eh!”

 

“Sus, nagpapagood shot ka lang eh.”

“Pinag-sasabi mo?”
  

 
Bigla ako inakbayan ni Hendery saka kami humarap sa babaeng nakasabay ko papunta rito sa conference room. 
    
 
  
“Mom, meet my furure girlfriend,”
  

 
Mom? AH! Yung amoy ng pagkaing dala niya, kasing amoy ng pagkaing dinadala ni Hendery.
   

“And soon to be my wife, hehehe.”
  
  
 
Napatingin ako kay Hendery. Ang kapal ng mukha. Kung wala lang ang Nanay niya dito, minura ko na ang makapal na pag-mumukha niya.
    

 
Tumingin ako sa Nanay ni Hendery. Napangiting aso ako nang tignan ako ng Nanay ni Hendery mula paa, hanggang ulo, tapos tumango-tango ito.
   

 
“Ah, ikaw pala si Zennie?”

 
 
“A-Ano po, opo.”
     
 

Hmm,  wow.”
   

Parang yung wow niya. Wow, na walang masabi. Wow, na hindi makapaniwala. Wow, na ewan.
   

 
“Mamaya na tayo mag-usap-usap, kanina pa kayo hinihintay sa loob, Mom.”  Sabi ni Hendery saka tinanggal ang pagka-akbay sa akin.  “Yung guardian or parents mo naman My Labs, tawagan mo na kasi hinihintay na din sila,” sabi naman niya sa akin.   “Atsaka para makilala ko na din sila at makilala nila ako.” dagdag na sabi ni Hendery.
   

 
Kapal talaga ng muks.
  
 
 
Kung buhay man si Daddy at Kuya ko, hindi siya ang ipapakilala ko boyfriend. Si Waeil ang ipapakilala ko.
    

   
“Ang dami mo sinasabi anak, tara na sa loob at mapag-usapan na ang kalolohang ginawa n'yo nanaman.”
       

 
Saka sila pumasok na dalawa sa loob ng conference room.
    
  
   
Tumingin ako sa sarado pintuan ng conference room. Kaya ayoko ng ganitong eksena sa school, ang magpapatawag ng guardian. Sino naman ang papapuntahin ko? Eh kahit isang kamag-anak wala ako kakilala, atsaka mag-isa lang ako sa buhay.
   
   
 
“Hindi nanaman kayo makakapunta?“
 
“Nakalimutan?”
 
“Kagabi ko lang binigay 'yon sainyo.”
    

  
 
Napatingin ako pintuan ng conference room nang mag-bukas sara ito at pagkakita ko si Alex.
    
 
   
“Zennie, nandito ka na pala.”  bungad ni Alex na parang hindi mapakali.  “Nakita mo ba si Bunso?” Tanong niya.
       

 
Tinuro ko sakaniya ang narinig ko pinanggalingang boses ni Bunso at agad naman niya pinuntahan ang tinuro ko direkyon. 
   
 
 
Makikiusisa palang ako nang bigla sila bumalik agad.
    
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon