Tumayo ako ng maayos. Hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko.
Tama ang hinala ko. Pinipilit lang ni Jefrrey ang My Labs ko, gawin ang hindi dapat gawin. Tama ako, hindi ganoong klase babae ang My Labs ko.
“Umalis kayo tatlo d'yan!” Sigaw ko sa tatlong ito. Agad naman sila tumayo at lumayo sa pintuan.
Sinipa-sipa ko ang pintuan. “Humanda ka sa akin, Jeffrey!” Sigaw ko.
Tumakbo ako papunta sa hagdanan kung saan nakalagay ang maliit na fire extinguisher at kinuha ito kaagad, pagkatapos bumalik ako sa tapat pintuan ni Zennie at sinira ang knob ng pintuan.
Pagka-sira ko ng door knob mabilis ko binuksan ang pintuan.
Pag-bukas ko ng pintuan nag-init ang dugo ko nang makita ko si Jeffrey na nasa kama ng My Labs ko, habang ang My Labs ko takot na takot.
“Jeffrey, humanda ka sa akin!”
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Tinignan ko ang kili-kili ko sa salamin. Ang kapal at haba ng mga buhok ko dito.
“Yuck, Bes, bakit hindi mo tinatanggal 'yang buhok mo sa kili-kili?”
Walang emosyon ako tumingin kay Jeffrey na bigla-bigla pumapasok sa kwarto ko.
“Bes, mamayang hapon na ang pageant tapos ganyan ang kili-kili mo?”
“Eh, kasi sabi ng Lola sa akin. Huwag ko raw bunutin ito, kasi kusa naman daw mawawala ito.”
“Kailangan matanggal 'yan ngayon. Ipa-wax natin 'yan.” Suggestion ni Jeffrey sabay hawak sa kamay ko.
“Ayoko! Ayoko, masakit daw magpa-wax ng kili-kili.”
“Edi, bunutin ko na lang.”
Pumayag na ako tutal gusto ko naman na maalis ang mga buhok ko sa kili-kili atsaka mag-gown ako mamaya.
Linak ko muna ang pintuan bago umupo sa kama. Baka kasi may mga Mokong din na bigla papasok, nakakahiya kung maabutan nila binubunutan ako ng buhok sa kili-kili.
“Huwag ka sisigaw, Bes ah?”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
CHAPTER 49
Magsimula sa umpisa