CHAPTER 52
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Hay kupo!”
“Put-a!”
“Mahabagin.”
Lebron James, Michael Jordan, Kevin Bryant, Kevin Durant at sa iba pang basketball players sa mundo. Patawarin po ninyo ang ginagawa ng mga Mokong na ito. Hindi po nila alam ang ginagawa nila.
Nandito kaming lahat sa close gymnasium. Nag-paalam kami pahiramin muna sa section F ito para makapag-practice kami ng cheerdance, dahil wala kaming classroom na pwede pag-praktisan eh pumayag ang school staff. Pero ang totoo ay para makapag-practice ang mga Mokong na mag-basketball.
Sabi ko sa limang player na napili ko sa basketball eh mag-practice na sila. Pero napanganga ako nang mag-umpisa sila mag-practice.
Si Alex, tumatakbo sa buong close gymnasium. Si Rehan, nakatayo habang nag-titingkayad. Si Yuta, kanina pa niya tinitigan ang mukha niya, na salubong ang kilay sa dala niyang salamim. Si Waeil naman, tumatalon-talon tapos maya-maya din niya tinitignan ang sarili sa dala niya salamin. At si Hendery naman, naka-upo lang sa gitna ng court, pati si Kenneth.
Ginamit ko ang pitong binili ko kahapon sa mall kasama sina Jeffrey at Jarex. Pagka-pito ko nagsi-tigil sila sa ginagawa nila at tumingin sa akin.
Sakto naman huminto sa tabi ko si Alex kaya hinatak ko siya papuntang gitna ng court. Pag-punta ko sa gitnang court nagsi-lapitan sa akin ang lahat ng Mokong.
“Lahat ng hindi basketball player upo muna sa mga benches!” Utos ko.
Lahat naman sila nagsisunuran agad, at ang natira na lang ay ang anim na basketball player ng section namin.
“Kayong anim sabi ko diba mag-practice kayo ng basketball, oh eh ano pinagagawa n'yo?” Sermon ko sakanila.
Eh put-a kasi. Kapag hindi sila nag-laro sa intrams next week pare-pareho kaming maminus ng fifty percent sa lahat ng subject. Sa akin ayon lang 'yon, eh sa ibang Mokong na mga grade concious siguradong hindi nila 'yon matatanggap. Kaya kailangan ko sila higpitan at siguraduhing mag-lalaro sila lahat.
“Ikaw Alex, bakit ka tumatakbo sa buong gym?”
“Diba sabi mo, kaya pinili mo 'ko kasi mabilis ako tumakbo. Kaya inaaral ko na kung paano takbuhin ang buong gym ng mas mabilis.”
A-Ah, put-a.
“Ikaw, Yuta at Waeil bakit panay kayo tingin lang sa salamin n'yo?”
“Sabi mo Zennie, g'wapo ako kapag pinag-papawisan, kaya kailangan ko imentain ang kagwapuhan ko kapag pinag-papawisan.” Sagot ni Waeil.
“Sabi mo tignan ko lang ang mga kalaban namin matatakot na sila sa akin. Balak ko pa nga mag-dala ng baril para mas matakot sila sa akin.” Sagot ni Yuta.
Arumaryosep!
“Ikaw naman Rehan?”
“Alam mo naman nag-lalaro ako dati ng basketball, kaya lang nakalimutan ko na. Tapos sabi mo kaya pinili mo ako, kasi matangkad ako. Kaya, nagtitingkayad ako, tinitignan ko kung hanggang saan ang tangkad ko.”
Pot-a.
“Kayo naman Hendery at Jero? Anong trip n'yo?”
“Wala. Hindi ko naman kasi alam ang sub na sinasabi mo, Zennie.” Sagot ni Jero.
“Eh, hindi ko rin alam ang gagawin My Labs ko.” Sagot ni Boy Emoji Hendery.
Taksyapo!
Napamywang ako habang hawak ang sariling ulo. Nakakasira ng ulo sagot ng anim na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung linoloko ba bila ako o ayaw lang nila mag-laro.
Nag-inhale at exhale ako.
Five seconds rule. 1 . . . 2 . . . 3 . . . 4 . . . 5 . . .
“Isang tanong na lang. Seryoso ba kayo sa mga pinagsasagot n'yo sa'kin?” Kalmado ko tanong.
“Oo My Labs ko,” sagot ni Hendery.
“Hindi pa ako nakakapag-laro ng basketball simula bata pa 'ko,” sagot ni Jero.
“Ako din,” sagot ni Waeil.
“I'm not interested in any sports except for one, you know what I mean.” Sagot ni Yuta.
“Nakalimutan ko na talaga mag-laro ng basketball,” sagot ni Rehan.
“Wala ako oras mag-laro ng kahit ano.” Sagot ni Alex.
Tumingin ako sa ibang Mokong na mga nakaupo sa benches. Pero tignan mo nga naman sina Charlie at Mikael, nakuha pa mag-basa ng libro.
“Kayo? Anong alam ninyo sports?!” Pasigaw ko tanong anong sakanila, para marinig ako.
Sinali ko sina Theo, ABC, Johnny, Mikael at Jaylen sa volleyball.
Sinali ko naman sina, Jeffrey at Andrew sa tennis ma may kapartner. Sa solo naman sina, Storm at Mark. Kaso, hindi ko lang alam kung alam ng Tukmol na Storm na kasali siya sa tennis, hindi na namin kasi siya nakakasama o nakikita maliban kung class hour. Puro kasi Sopia! Sopia!
Sinali ko sa takbuhan sina Ten, Kenneth, Chalie, James at Gabriel.
Nabigla ako nang bigla ibalibag ni Charlie ang librong hawak niya, tapos tumingin siya sa akin na salubong ang kilay. Iyong nguso niya pagalit yung una, yung lips n'yang nasa ibaba, naka paywang pa.
Para siya Lola sa itsura n'ya?
“Hoy bata ka! Wala kang galang sa nakakatanda sa'yo! Halika ka dito tuturuan kita ng leksyon!” Sigaw ni Charlie sa akin sa may boses na pangmatandang babae? Hindi ko alam.
Anong trip ng Mokong na 'to?
Lahat kami tahimik. Mukha tulad ko eh nagulat din ang mga Mokong sa inasta at boses ni Charlie.
Rinolyo ni Charlie ang hawak niyang papel tapos bigla siya tumakbo . . . . papunta . . . sa'kin?
Malapit na si Charlie sa akin . . .
"Zennie, TAKBO!" Malakas na sigaw ni Jaylen.
Sa taranta ko sa sigaw ni Jaylen napatakbo ako nang malapit na si Charlie sa akin. Tangn-a, balak ata ako hatawin ng papel ni Charlie sa pwet ko!
* * * *
“Jaylen, what was that?”
“Can you explain to us, now?”
“We know there's something wrong,”
Sunod-sunod na tanong nila Kenneth, James, Jero at Gabriel kay Jaylen.
Nag-tagal ng halos isang minuto ang habulan namin ni Charlie kanina. Mabuti na lang at nahabol agad na nahabol ni Jaylen si Charlie.
Nang mahuli na ni Jaylen si Charlie. Sinuntok agad ni Jaylen si Charlie, kaya ito tulog ngayon si Charlie dito sa gitna ng court.
“Jaylen, answer us!”
Nakahiga sa lap ni Jaylen si Charlie ngayon, habang si Jaylen eh nakayuko lang at hindi sinasagot ang kahit isang tanong ng mga kaibigan nila.
Hindi ko alam kung maawa ako kay Jaylen ngayon o maiinis eh?
Kung titignan ngayon si Jaylen makikita ang sobrang pag-alala niya sa kaibigang si Charlie. Pero ang nakakainis sakanya, bakit ayaw sabihin sa mga kaibigan nila ang nangyayari kay Charlie? Katulad niya, nag-alala din ang mga kaibigan niya kay Charlie.
Siguro naman may magandang dahilan si Jaylen kung ba't ayaw niya sabihin sa mga kaibigan niya ang dahila, pero ano?
Napatingin ako kay Yuta nang nag-mamartsa siya papalapit dito sa pwesto namin.
Hindi maganda ang kutob ko dito.
Agad ko hinarang si Yuta nang makalapit siya dito sa p'westo namin.
Hinawakan ko sa magkabilang braso si Yuta.
“Get out in my way, Zennie!”
Nanginginig sa galit si Yuta ngayon habang nakatingin kay Charlie at Yuta.
Tumingin ulit ako kay Yuta. “Kumalma ka Yuta, pero mukha galit ka din kay Jaylen dahil sa nangyari kay Cha—”
Tumingin na rin si Yuta sa akin, pero salubong na salubong ang kilay niya. “Bakit hindi?! Ha?! Kasalanan ni Jay—”
“Gag-o!” sigaw ko nang hindi na din ako nakapag-pigil. “Hindi mo ba nakikita?! Nag-aaala din si Jaylen sa kalagayan ni Charlie ngayon! H'wag ka magalit kay Jaylen sa nangyayari kay Charlie ngayon. Wala naman ginawa si Jaylen kay Charlie, ah? Bukod sa bantayan at gamutin si Charlie sa tuwing may nangyayari sakanya!”
Pagkatapos ko sermunan si Yuta naramdaman kong nawala na ang panginginig niya dahil sa sobrang galit.
“Yes your right, Zennie.”
Nginitian ako ni Yuta. Ngiting malungkot.
“Thank you for reminding, how useless friend I am.”
Ay teka tangin-a.
“H-Hindi ganon ang ibig ko sabihin, gust—'
“I don't need another explanation.”
“H'wag ka naman magalit, gust—”
“I'm not mad at you. I am mad at myself for being a useless friend and thank you for reminding, Zennie.”
“Hindi naman kasi ganon ang ibi—”
“I know, Zennie but that's what I fee—”
“PATAPUSIN MO KASE AKO!” Sigaw ko ulit.
Bwisit eh. Hindi ako pinapatapos, nakokonsenya na nga ako sa mga sinabi ko sakanya.
“O-Okay Zennie,”
“Gusto ko lang naman na pakalamahin ka kanina! Hindi ko naman alam na ganoon ang mararamdaman mo, hindi ko naman sinasadya sabihin sa'yo yung mga 'yon. Ikaw kasi eh! Ayaw mo kumalma!”
“I-Ikaw Zennie?”
“Anong ako?!”
“Kalmado ka na ba?”
Potangn-a. Ako tuloy ang nag-init ang ulo sa aming dalawa.
“Oo kalmado na 'ko.” Irita ko sagot.
Nag-lakad ako papunta kay Ten na ngayon eh kumakain ng sandwich.
“Ten, pakisamahan ako sa canteen.”
Ngiting tumango si Ten. Kumuha muna siya ng dalawang balot ng sandwich bagot siya tumayo.
“Best, bakit hindi ka sa'kin nag-pasama?!”
“My Labs ko, ako na lang sasama sa'yo hanggang pag-tanda mo!”
H
indi ko na lang pinansin yung dalawa lalo na si Hendery, ang dami niya alam.
Pag-labas namin ni Ten inalok n'ya ako ng sandwich na dala n'ya, syempre akong nastress sakanila at napagaod sa pag-takbo eh tinanggap ko agad ang sandwich.
“Kaya gusto kita kasama Ten eh, lagi ka may pagkain,” biro ko sabi.
Awkward na tawa lang ang sinagot ni Ten.
Feeling ko tuloy napahiya ako.
Corny ba ng joke ko?
Sabagay ganito naman lagi si Ten eh. Tahimik, tatawa lang kapag may tatawa, hindi siya palasalita. Para bang lagi siya nahihiya, kahit sa ibang Mokong, pero hindi naman siya tinuturing na iba.
“Ten?”
“Bakit?”
“Shy type ka ba talaga?”
Natatawang napatingin si Ten sa akin. “Anong sinasabi mo?”
“Parang kasi lagi ka awkward sa lahat. Kahit sa iba, kina Rehan, Andrew, Johnny, Mark basta sa mga kaklase natin, sa mga kaibigan mo,”
“Kasi Zennie, hindi pa ako ganon kasanay,”
“Sa'? Di ko gets,” nakanguso ko tanong.
“Sa last school kasi pinasukan ko, lagi ako binubully dahil sa pagiging mataba ko. Tapos, lumipat ako dito sa HIS noong grade 7, gaya ng dati may mga nambubully nanaman sa akin dahil sa pagiging mataba ko,”
Tangin-a talaga ng mga bullies na kulang sa aruga.
“Then one time, habang binubully ako sa canteen, sina Jaylen lumapit sa amin. Sila naman ang nambully sa mga nambubully sa akin,” natatawa kwento niya.
Ay! Duda ako, pinag-tanggol ni Jaylen si Ten.
“Akala ko magiging mapayapa na ang pag-aaral ko dito sa HIS, pero ang pumalit naman sa mga nambubully sa akin eh sina Jaylen,”
Oh kitams? Sabi na eh. Kaduda-duda 'yang si Jaylen, kapag umaawat siya sa mga nambubully. Ayaw masapawan sa pagiging bully 'yong Mokong na 'yon.
“Nag-taka ako sa halos tatlo buwan ko na dito sa HIS madalang ko lang nakikita sina Jaylen, kaya nag-tanong-tanong ako tungkol sakanila. S'yempre may mga walang pumansin sa akin, meron namang pumansin sa akin, pero pabalang nila ako sinasagot na para bang ginawan ko sila ng kasalanan,”
Tarantad-o, talaga yung mga taong ganon eh. Akala mo mga kagandahan ang mga pot-a.
“Tapos nalaman ko sa Section F pala sila. Ang section F pala dito sa HIS. Scholar section, section na hinahangahan ng lahat dahil sa katalinuhan nila. Section na, hindi nakikisalamuha sa ibang studyante. Section na, private ang tungkol sakanila. Section na mga pasaway. Section ng mga bullies,”
“Nung nalaman ko ang tungkol sa section F, kahit hindi ako ganoon katalino nag-review ako ng nag-review para maging scholar, para maging section F ako.”
Bigla lumapad ang ngiti ni Ten habang nag-kukwento.
“Alam mo Zennie, nong pumasa ako sa pagiging scholar nung grade 8. Sinabi ko sa sarili ko, handa na ako mag-isa hanggang sa makapag moving up ako ng grade 11, o hanggang sa makapag-tapos ako ng pag-aaral, basta huwag lang ako makisalamuha sa madaming studyante. Mga studyanteng walang ginawa kundi kantsawan ako sa pagiging mataba ko,”
“Pero nung pumasok ako sa section F. Nagulat ako nung sina Jaylen pa ang unang sumalubong sa akin, hindi para ibully ako, kundi para iwelcome ako. Mula no'n, simula naging Section F ako, saka ko lang naramdaman na kabilang ako sa isang section,”
Nakangiting k'wento ni Ten.
Hindi ko maiwasan mapangiti rin. Ramdam ko si Ten. Tama siya. Kung iisipin ko simula nang pumasok ako sa section nila, hindi nila ako pinabayaan. Kahit na ako lang ang babae sa section F, ni minsan hindi nila ako ginawan ng kung ano man.
Tangin-a.
Pag-pasok namin ni Ten sa canteen, napatigil ako sa pag-lakad at napahawak sa bangdang kaliwang dibdib ko nang bumilis ang pag-tibok nito't kasabay ng kabang bigla naramadaman ko.
Bakit bigla ako kinabahan ng sobra?
“Ah!” Napatili ako nang bigla ako hawakan sa balikat ni Ten.
“Ayos ka lang, Zennie?”
Napatingin ako kay Ten. “O-Oo, ayos lang ako, ”
Inalalayan ako ni Ten umupo sa pinakamalapit na upuan sa amin. Hanggang sa maka-upo ako eh inalalayan niya ako.
“Ako na ang bibili ng inumin mo,”
Tumango ako. “twenty-one na inumin ang bilhin mo, ha?”
Ngiting tumango si Ten saka siya pumunta na sa bilihan ng mga inumin.
Habang nag-hihintay ako kay Ten, pinakalma ko ang sarili ko. Pakiramdam ko sasabog ang pusl ko sa bilis ng pag-tibok nito kanina. Daig ko pa tumakbo ng benteng ikot na mabilis sa napakalaki open field ng HIS.
Pumikit ako at dahan-dahang huminga. Hindi unang beses na nangyari sa'kin 'to eh. Madalas mangyari sa akin ang ganito, pero hindi ko alam ang dahilan kung ba't nangyayari sa'kin 'to.
“Ate Zennie?”
Napadilat ako nanh may tumawag sa'kin at hinawakan ang balikat ko.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Andrea sa'kin.
Ngiting tumango ako. “Oo,”
“Are you sure?”
“Oo,”
“Gusto mo dalhin na kita sa clinic?”
“Hindi na. Ayos lang ako.”
“May kasama ka ba?”
“Oo, si Ten.” sabay turo ko kay Ten.
“Ay, bakit hindi si Kuya Andrew?”
“Bakit si Andrew?” Kunot noo ko tanong.
Bigla ako hinampas ng mahina sa braso na may halong kilig nito batang 'to. “Ate Zennie, h'wag ka na mahiya sa'kin, alam ko na kaya.”
“Alam ang ano?”
Buti pa siya may alam, ako wala.
“Kuya Andrew, is courting you.” Kinikilig na sabi ni Andrea.
“H-Hindi ah!” Tanggi ko.
Totoo naman. Wala ako maalala may nanliligaw sa akin eh.
“Don't worry Ate Zennie, boto naman ako sa'yo eh. Sige bye may class pa 'ko, basta boto ako sa'yo Ate Zennie!” Sabay layas ng batang si Andrea.
Napahilot ako sa sentido ko. Si Andrew nililigawan ako? May sinabi ba siyang gano'n sa akin? Hindi ko maalala.
At isa pa kung liligawan ako ni Andrew, s'yempre sasagutin ko siya agad! Mabait na, matalino na at gentleman pa, wala ka na hahanapin sakanya.
'Nimal. Natatawa ako sa sarili ko. Pa'no ko sasagutin si Andrew kung hindi naman n'ya ako niligawan.
“Kasali daw section F?”
“Saan?”
“Sa basketball at sa iba pang mga sports!”
“Hahaha!”
Napahinto ako sa pag-hilot ng sentido ko nang marinig ko pinag-uuspan ng mga lalaking ewan ang section F.
“Ano naman gagawin nila sa intrams?”
“Baka mag-cacalculate kung paano mag-laro!”
“Hahaha!”
“Sigurado lalampa-lampa sila!”
“Mas siguradong dala nila libro, kaysa bola!”
“Hahahaha!”
Sinundan ko ng tingin ang tatlong lalaking 'yon hanggang sa makalabas sila ng canteen.
Kinamot ko ang ilong ko.
Mga put-a sila, anong karapatan nilang pag-tawanan ang mga Mokong? Wala silang kahit kapirasong katiting na karapatan ma pag-tawanan ang Section Ares.
“Zennie?”
Napatingin ako kay Ten na may dalang talong plastik na may lamang mga iba't-ibang klase ng inumin.
“Ayos ka lang? Bakit parang nanggigil ka?”
“Penge ako ng number ng ibang Mokong!”
“M-Mo-Mo, ano?”
“Basta ng section Ares,”
Inabot ni Ten sa akin ang cellphone niya saka ko hinanap ang mga number ng ibang mokong sa cellphone n'ya, para isave sa cellphone ko.
Pagka-kuha ko ng number ng ibang Mokong tinext ko silang lahat ng :
FROM MOKONGS :
MagRedy nHa kyö lhÂt! Mag pRakt¡s n kyo lÄht pagbalik nHua nMin ni 10.
GM:#SectionAres #pRacTicÊ
*sent*
Pagka-text ko sa mga Mokong eh tumayo agad ako at inaya si Ten na pumunta na ng close gymnasium.
Humanda lahat ng nanlalait sa mga Mokong ng Section F. Sisiguraduhin ko ang mga Mokong ang mananalo sa mga laro at lalampasuhin nila ang lahat ng nanlalait sakanila.
* * * *
“My Labs ko, sa'kin lang sinend yung text mo?”
“Pati sa'kin kaya nag-send!”
“Wrong sendang sigurado sainyo!”
Napasapo ako sa sarili noo nang salubungin ng mga Mokong maliban kina Jero, Gabriel, James, Kenneth, at Jaylen na mga hindi ko nasendan ng GM ko sa kadahilanan na wala ako number nila. Sina Yuta at Waeil, din hindi ako sinalubong pero nasendan ko sila, ar syempre si Charlie din na mukha kagigising lang.
“Pang lahatan ang text ko, kita n'yo naman na may GM sa dulo ng text ko.” Paliwanag ko.
“GM? What's that?” tanong ni Mark.
“Group mesage,” sagot ko.
“You mean, you sended that, to all of us?” tanong ni Johnny.
“Oo.” sagot ko.
“Ano ba 'yan My Labs Ko, akala ko para sa'kin lang yung text mo. Kahit hiindi ko maiintindihan.”
Napangiting asong ewan na lang ako sa sinabi ni Hendery.
Ang ganda-ganda ng pagka-GM ko tapos sasabihin n'ya hindi maiintindihan 'yon.
* * * *
“Pasa!”
“Pasa!
“Pasa!”
“Dribble!
“Pasa!”
“Pasa!”
“Pasa!”
“Dribble!”
“Stop!”
Napalakpak ako, habang ang anim na basketball player eh napahiga sa sahig.
Mahigit isang oras ko na sila pinaraktis sa pag-pasa at pag-dribble by partner.
“Nakakapagod!”
“Pasa! Dribble! Damn!”
“I'm tired!”
Napameywang ako nang nagsireklamuhan sila. Akala nila sila lang napagod? Ako din kaya!
Kanina, nang sabihin ko idrible nila ang bola, binagsak lang nila ito tapos 'yon na. Nung sabi ko mag-pasahan sila, arumayosep akala mo candy lang binabalibag nila sa mga kapartner nila.
Kaya ito kami ngayon, tuturuan ko sila sa basic kung pa'no mag-laro ng basketball. Mabuti na lang at napanood ko ng ilang beses amg Slamdunk, don sa anime na 'yon ako kumuha ng idea para turuan sila sa basic at umefective naman. Marunong na sila mag-dribble at pasa ng bola.
“Gusto ko na mag-pahinga! Uwi na tayo!”
* * * *
Pabalik na 'ko sa kwarto ko ngayon. Punyetang 'yan ba't naman kasi madaling araw pa naisipan ng pwet ko mag-labas ng sama ng loob sa banyo, edi sana mahimbing ako natutulog ngayon.
Pag-dating ko sa tapat ng kwarto ko, nakita ko isa sa mga Mokong ang nakatayo sa tapat ng pintuan ko.
Bukod sa nakatalikod siya, eh ang dilim-dilim pa, kaya hindi ko makita kung sino ang sira-ulong 'to?
Ano ba 'to? Nag-lalakad ng tulog tapos dito sa tapat ng kwarto ko siya napunta?
Kinalabit ko ang Mokong na re. Nagulat siya nang kalabitin ko siya.
Edi, hindi s'ya tulog?
Agad na humarap sa akin ang Mokong, pero dahil nga madilim hindi ko pa rin makita ang mukha n'ya. Pero mukhang si ano ito eh. . .
“Ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong ko na lang.
Hindi siya sumagot.
“Ay oo nga pala, baka hindi mo alam sinali kita sa badminton na solo.”
Wala pa din. Kahit simplen hmm, wala.
“Sige matutulog na ako. Good night.”
Pumunta pa sa tapat ng kwarto ko, eh wala naman palang sasabihin. Tapos ako pa itong salita ng salita.
Hawak ko na door knob nang bigla ako hatakin ng Tukmol na 'to papunta sakanya, sabay yakap sa'kin ng mahigpit.
Anak ng animal!
Ilang linggo siya hindi makausap tapos susulpot ang Tukmol na Storm na 'to sa kwarto ko ng disoras ng gabi, tapos bigla mangyayakap?
Ang puso ko nanamang punyet-a!