¶¶ÒõÉçÇø

I'M WITH THE SECTION ARES | B...

By FaNLLAWSMAC

171K 7.1K 964

Nang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SEC... More

I'M WITH THE SECTION ARES
P R O L O G U E
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 (PART I)
CHAPTER 24 (PART II)
CHAPTER 24 (PART III)
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 72
CHAPTER 73 (new ud)
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 86.2
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHATER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95 (Part I)
CHAPTER 95.2
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
EPILOGUE
CHARACTER / QUESTION
CHARACTER pt2 • Announcement • Ask • Spoiler

CHAPTER 71

1.1K 62 5
By FaNLLAWSMAC

CHAPTER 71

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


“I accept your challenge.” Ngising sabi ni Storm sa akin bago pumasok ng close gymnasium.  
   

“Ano sinasabi non?”  Tanong ni ABC na kasama ko dito sa labas ng close gymnasium.
  
 
Napatingin ako kay Waeil na kakadating lang din dito.
 
 

Exam day nanaman ngayon at ito nanaman kami, bukod tanging section sa close gymnasium mag-eexam para malaki ang seat apart at hindi magkopyahan.
  
  
 
“Hinamon ko si Storm na lagpasan si Rehan sa pagka-rank one this period.”
 
 
Natatawa pumasok sa usapan si Theo na kakadating lang.  “Mali tao ang hinamon mo, Zennie.” Komento niya saka pumasok sa loob.
 
 
“Kung ako sa'yo kung ano ang pustahan ninyo ni Storm, ihanda mo na kasi talo ka na, Zennie.” Tumatawa komento ni ABC saka siya pumasok na din.
 
 
Pag-tingin ko kay Waeil, nginitian niya lang ako ng tipid saka siya pumasok na din sa loob.
 
 
 
Natawa ako. Imposible malag-pasan ni Storm si Rehan. Eh si Rehan ang rank one mula first prelim hanggang ngayon.

 

Tama. Tama. Tiwala ako kay Rehan.


 

  

*     *       *      *

 
 
  

Pag-tapos ng exam, ito kami ngayon ni Yuta nag-papaalam kay Jarex na hindi ulit ako sasabay sakanila ni Jeffrey.  Kailangan na namin talaga bumili ni Yuta ng mga pagkain namin.
 
 

“Siguraduhin ninyong sa supermarket lang kayo pupunta dalawa.”
 
 

Pag-tapos ng napakaaa habaaa sermunan eh pinayagan ako ni Jarex sumabay kay Yuta.
 
 
 
“Bakit pati ako kailangan mag-paalam sa Jarex na 'yon?! Nakakainis talaga mga Kuya!”  Reklamo ni Yuta nung makasakay na kami sa kotse niya.
 
 

Natatawa ako sa inaasta niya. Porket inis siya sa Kuya niya, lahat tuloy ng Kuya walang kamalay-malay eh nasasali sa galit niya.
 
 

Isa pa, ang laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Jeffrey.
 
 
Nung dinala ako ni Jarex sa bahay nila nung sabado, bukod sa pinakain ako eh binigyan ako ng 10,000 pesos ni Tito Ricky. Gusto pa nga ako bigyan card na may lamang pera daw, hindi ko na tinanggap 'yon. Yung bigyan nga ako 10,000 na pang-gastos ko sobra-sobra-sobra na 'yon eh. Kaya nga nagyon may panggastos na ulit ako kahit papano.
 

Tapos si Jarex, gusto pa ako bigyan ng pera kanina para pang gastos ko raw. Hindi ko na tinanggap kasi nakakahiya na.
  
 
Hindi sa nagmamalaki ako, pero hindi naman ako nanlilimos para bigyan ako ng bigyan ng pera ng walang kapalit. Sabi ko naman sakanila, utang iyon at babayaran ko sila kapag nakahanap ako ng tarabaho.
 
  
 
  
   
 

Pag-dating namin ni Yuta sa SM dumiretso kami sa supermarket. Si Yuta ang tagatulak ng cart habang ako naman ang pumipili ng mga pakain tulad ng karne, isda, at gulay.

 
 
“Bakit ang daming kamote?”  Tanong ni Yuta nung kumuha sandamakak na kamote.
 

“Gusto ko mag-kamote-que bukas.”
 

“Kamote—what?”
 

“Ano ba 'yan tao ka ba? Ba't hindi ka pa kumakain non?”
 

“Masarap ba 'yon?”  Inosente tanong ni Yuta habang nag-lalakad kami.
  

“Oo ang sarap nun, peyborit ko nga 'yon na meryenda eh.”
 
 
“Pahingi din ako,”

 
 
“Oh, malamang. Lagi mo kinukuha mga pagkain ko eh.” Biro ko sakanya pero totoo naman.
 

“Tsk.”
 

Pikon nito.
 
 
  
 

 
Pag-tapos namin bumili ng pagkain namin ni Yuta eh, nag-take out kami sa KFC. Nung una ayaw niya kasi ang haba raw ng pila, pero wala na siya nagawa nung pumila na ako. Sigurado ako hindi pa niya 'to natitikman lalo na ang mushroom soup nila.
    
    

“Ang dami mo pa siguro hindi nakakain na masarap noh?”  Tanong ko kay Yuta habang nag-lalakad na kami pabalik ng paking lot.
  

“Ayoko ng mga hindi ko pa natitikman.”
 

Ang artiiii naman pala nito.

  

   
 

 

  
Paga-uwi namin ni Yuta sa bahay naabutan naming sina Rehan, Johnny, Mark at Alex na galing kusina.
  
 
“Kakadating n'yo lang?” Tanong ni Rehan sa amin ni Yuta.
  

“Oo. Ba't kayo gising pa?”  Ganitong oras alam ko dapat nag-rereview na sila eh.
 

“Si Mikael, wala nanaman.” Sagot ni Johnny.
  
  

Wala nanaman si Mikael?

 
“Ilang linggo na umuuwi ng madaling araw o minsan umaga na umuuwi 'yon, ah?”  Tanong ko sakanila.
  

“Oo nga, may iba pa bang pinagkaka-abalahan si Mikael?” Balik na tanong ni Mark sa amin.
 

Siguro meron, eh ano naman kaya at lagi siya umuuwi ng dis-oras ng gabi?

  
 
 

   
 
*     *        *     *

    

  
 

ITO nanaman kaming buong SECTION ARES, tumatakbo papunta bulletin board para tignan ang rankings namin this period.
  
 
“Handa ka na ba malaman Hinyupak na babae, kung gaano ako ka-seryoso sa'yo?” Tanong ni Storm.
   

“Asa ka!” Sigaw ko sakanya saka ako tumakbo ng mas mabilis.
  

“Hoy Hinayupak na babae, hintayin mo 'ko!” Rinig ko sigaw pa ng Tukmol.
   
  
  
Pag-dating namin sa bulletin board, aba eh hindi kami binigyan mg dadaanan ng mga studyante.

Eh nung mga nakaraan, kapag naririnig na nila yabag namin kusa na sila tumatabi para bigyan kami ng daan. Ngayon, nasa likod na nila kami, wala pa kahit isa nakakapansin sa'min.
  
 
“Ano meron?”  Taka tanong ni Kenneth.
  

“Wala ako pake kung ano meron,”  Sagot ni Storm.  “HOY! PADAANIN N'YO NGA KAMI SECTION ARES!” Sigaw ni Storm, kaya ayun bigla nagsi-tabihan ang mga studyante para padaananin kami.
    

Agad kami lumapit sa bulletin board. Tinignan ko agad s'yempre ang pang-rank number 22 at nakahinga ako ng maluwag nung makita ko nandon ang pangalan ko. Hu! Na-safe ko ang rank ko.   
  
 
“Ay tae!”  Bigla-bigla naman kasi may nang-hatak sa'kin.  “Problema mo Tukmol?”  Irita ko tanong sakanya. Makahatak wagas.
  

“Tignan mo ang rank one.” Ngiting-ngiti saad ni Storm.
  

Umirap ako bago ko tignan ang rangkings simula numberr one. Sigurado ako si Reh—“Put-a!”  Gulat ko wika nang makitang si Storm ang nandoon sa rank #1 at hindi si Rehan.
  

Rank #1 Storm Lucena.  Rank #2 Rehan Cabello.  Rank #3 Charlie Dela Merced.  Rank #4 Waeil Woo. Rank #5 Mikael Diaz.
    

 
“Putangn-a,” Paano nangyari 'yon? Biglang nasa pinaka taas si Storm ng ganon-ganon?
 

Tinignan ko si Rehan at Waeil. Tinitigan nila ang bulletin board. Kung ako nagulat, lalo naman siguro sila. Simula prelim rank #1 at #2 sila tapos biglang baba sila sa isang iglap?
  

   
Tumingin ulit ako kay Storm, naka-ngiti siya naka tigin sa bulletin board. Paano niya nagawang bigla lagpasan si Rehan?! Paano?
 
 
“Hindi ko din inaasahang makikita ko ulit ang pangalan ko sa rank number one.” Bulong ni Storm. Tumingin si Storm sa'kin,  tapos eh genuinely ngumiti siya sa akin.  “Thanks to you.”  Aniya.
  

Ang ganda ng ngiti ni Storm ngayon. 'Yong ngiti niya ngayon nakakahawa eh. Kitang-kita sa mukha yung saya, idagdag pang ang gwapo sa ngiti niya ngayon.
   
 

“Matunaw kayo pareho,” Tumatawang sabi sa amin ni ABC.
  
 
TARANTA ko binawi ang kamay ko hawak ni Storm. Nakakadala naman kasi yung ngiti niya eh.
  
  
“Congrats, Storm!”  Masaya wika ni Theo saka inakbayan si Storm.
  
   
  
Napatingin kaming lahat kay Jaylen nung umalis siya. Mukha ata galit.
    
 
“Jaylen!”  Tawag sakanya ni Storm saka niya sinundan si Jaylen.
      

Tinignan ko ang mga Mokong.  “Ano nagyari sa dalawang 'yon?”  Tanong ko sakanila.
  

“Tara sundan na'tin.”  Wika ni Charlie saka siya nauna tumakbo.  
  
 
Sinundan nila Kenneth, Gabriel, James, at Jero si Charlie kaya nakitakbo din kaming lahat. Papunta kami ngayon sa classroom namin.
 
 

 
Pag-dating naming lahat sa classroom eh naabutan namin sila  Charlie na kinakalampag ang sosyalin naming pintuan.
  
 
“Ano nangyayari?” Tanong ko sakanila. “Saka bakit n'yo kinakalampag ang pintuan?” Dagdag ko tanong.
  

“Li-nak nila Storm at Jaylen ang pintuan sa loob.”  Tarantang saad ni Kenneth.
  
 
“Baka kung ano mangyari sa dalawa.”  Nag-aalang wika naman ni Gabriel.
     
   

Alam ko magka-galit pa rin sina Jaylen at Storm, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hinala ko dahil siguro kay Sofia. Pero ba't naman bigla-bigla sila mag-aaway ngayon? Tapos linak pa ang pintuan ng classroom.

 
  

    
 
 
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━



STORM ' s POINT OF VIEW

Pag-pasok na pasok ko rin sa loob ng classroom namin ay agad ko li-nak ang pintuan.


“Jaylen,” mahinahon ko tawag.
  
 

Naka ngising humarap si Jaylen sa akin. He's calm, but I feel his anger at me.
 
 

“Balik rank number one?” Natatawang sabi niya.
 

“I just want to explain about that,”  I know he don't care but I have to explain to him about the rank result.
     

Mag-sasalita pa lamang uli ako nang bigla ibalibag at sipain ni Jaylen ang mga upuan at lamesang malapit sakanya saka siya mabilis na lumapit sa akin at kinuwelyuhan ako. Hindi ako nanlaban. Kung isa ito sa paraan niya para mabawasan ang galit niya sa akin, hindi ko siya pipigilan ilabas ito sa akin.
  

“Bumalik ka ba sa pagka-rank number one, dahil ba nakalimutan mo na ang ginawa mo?”

Hindi ako sinigawan ni Jaylen, ngunit ramdam na ramdan ko sa boses ang pagka-muhi niya sa akin.
  

“Ipapaalala ko sa'yo,” saka niya ako sinuntok sa kanan ko pisngi.
 
 
Pag-tumba ko sa sahig mabilis muli ako linapitan ni Jaylen at kinuwelyuhan. 
  

Tinignan ko si Jaylen.
  
 
Nanlalaki ang mga nito sa akin at maya-maya ay tumulo ang isang patak ng luha mula sakanya kaliwang mata.
  
 

“Huwag mo kakalimutan  .  .  .  ”  Hinigpitan ni Jaylen ang paghawak sa kwelyo ko.    Pinatay mo ang kaibigan mo para lang sa lintik na mga numero na iyan!”



Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 803 40
Ganon na lang kasikat sa Auburn International School si Zeiden Ace Padilla. Marami humahanga sa kanya dahil sa angkin mga talento niya lalo na sa pag...
1.4K 42 33
Started: August 1, 2023 Ended: November 9, 2024 Paano ba malalaman kapag gusto mo ang isang tao? Malalaman ba agad kapag umiibig ka? O kusa mo nalang...
418K 10.7K 48
Paano kung ikaw ay nakatakda nang ikasal sa taong hindi mo pa lang lubos na kilala. Paano ka tatangi kung ang mga magulang niyo na ang nagplano at na...
2.1K 16 6
#BeginningOfBudBrothersSeries Warning: Mature content. Read at your own risk!!! _________________ 'Yong feeling na ipinagkasundo ka na palang ipakasa...