Linapag ni Brena sa lamesa ang mga resulta ng exam ni Zennie nang kumuha ito ng full scholar at para maging Section Ares.
“For the third time, she failed the exam.” Sabi ni Brena. “Zennie, you should not be with the Section Ares. You're not belong to the Section Ares.” Dagdag ni Brena.
Mabilis na lumapit sa lamesa si James, dinampot ang mga papel at pinunit ito. “Wala ka karapatan sabihin na hindi nabibilang si Zennie sa amin nang dahil lamang sa mga papel na ito.”
“But the result of the exam says that Zennie is not belong to all of you.”
Bigla sinaboy ni James sa mukha ni Brena ang mga papel na hawak. “Pasalamat ka at babae ka. Ulitin mo sabihin sa harapan namin na hindi nabibilang sa amin si Zennie baka makalimutan ko babae ka, Brena.”
Tumayo na sina Andrew, Jaylen, Waeil, Rehan, at Storm.
“Sa tingin ninyo kapag nalaman ng iba lalo na ang mga studyante sumubok na makapasok sa Section Ares at ang mga hindi nag-tagal sa Section Ares, ay mananahimik lamang sila? Hindi. Gagawa sila ng paraan para hindi maka-moving up si Zennie. Unfair sakanila na mag-tatapos sa pagiging Grade 10 si Zennie bilang Section Ares, pero hindi nakapasa sa exam?” Nakangisi at kumpyansa wika ni Brena.
“At gagawa rin kami paraan para makapag-moving up kasama si Zennie.” Wika ni Andrew.
“But . . . ” Tumayo si Brena. “Andrew. Hindi ka naman magkakagusto kay Zennie kung hindi mo siya nakasama sa Section Ares. Wala siya dapat sa Section Ares, bakit mo siya pinag-tatanggol pa?!”
“Kung wala man sa Section Ares si Zennie, ay hindi pa rin ako magkakagusto sa iba, dahil hindi ko nakikita ang sarili ko magka-gusto sa iba babae maliban kay Zennie.” Sabi ni Andrew.
Hinampas ng malakas ni Storm ang lamesa. “Narinig mo si Andrew, Brena. Gumawa ka ulit ng ganito eksena isa sa mga Section Ares, lalo na kay Zennie.” Tumigil sa saglit sa pag-salita si Storm at tumayo ng maayos. “Ibabalik ko saiyo ng triple ang ginawa mo.”
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
CHAPTER 93
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Bakit mo naman kasi pinunit ng maliliit ito mga ‘to?” Reklamo ni Gabriel kay James.
“Nakaka bwisit kasi si Brena.” Sagot ni James.
Ilang araw na ang nakalipas nung sabihin ni Brena sa amin na hindi ako nakapasa sa exam. Sa nakalipas na mga araw wala nag-bago sa pakikitungo nila sa akin kahit alam nila na hindi naman dapat ako naririto.
“Bes, hindi pa ba sumasakit mata mo?” Tanong ni Jeffrey.
Binubuo namin ngayon ang pinunit ni James na test papers. Gusto ko malaman kung totoo ang sinabi ni Brena sa amin. At kapag nalaman ko hindi totoo ‘to, isasampal ko bawat pirasong papel na ito sakanya. Pero, kung totoo man, ay baka hindi ko na kaya maharap sina Kendrick at Mikael.
Sina Kendrick at Mikael, naging ganoon sila dahil sa sobra pag-aaral para ma-maintain ang grades nila pero sa huli hindi sila nag-tagal dito sa Section Ares. Samantalang ako, nandito pa rin sa Section Ares na hindi naman dapat sa umpisa pa lang.
“Wala ako mahanap na kahit ano impormasyon!” Sigaw ni Theo.
“Makita ko lang ang may-ari ng HIS bubugbugin ko siya!” Sigaw naman ni Storm.
Hinahanap ng iba Mokong ang may-ari ng HIS. Ang sabi ng may handle sa mga exam ng mga Scholar ay ang may-ari ng HIS ang nag-bigay ng permiso na payagan ako maging HIS kahit na hindi pa nila nakikita amg resulta ng exam ko non.
“Sa tinagal-tagal ninyo sa HIS hindi man lang kayo na-curious kung sino may-ari ng HIS?” Tanong ko sakanila.
“Ako. Hindi. Ngayon lang, kasi kailangan natin siya maka-usap.” Sagot ni Rehan.
“Si Yuta dapat gumagawa nito. Marami iyon alam na koneksyon. Bakit ba nag-lalasing iyon araw-araw?” Sabi ni ABC.
Maski ako nag-aalala kay Yuta. Simula bumalik siya rito sa boarding house wala na siya ginawa kundi mag-lasing sa kwarto niya. Sa loob ng isang linggo, isa hanggang dalawa beses lang siya pumapasok sa school, kapag papasok naman tulog lang siya. Ang mga Mokong naman ayaw ako paka-usapin kay Yuta, eh si Storm lang kumakausap kay Yuta nito mga nakaraang araw eh.
“Zennie, baka may alam kung bakit nagkakaganon si Yuta?” Tanong ni Charlie sa akin.
“Ako? Wala. Wala! Ako alam, promise. Wala talaga.” Sagot ko.
Hindi ko naman pwede sabihin sakanila na baka broken hearted si Yuta kay Ma'am Cloudyn.
“Oh? Hendery?!”
Napatingin ako kay Hendery nang lumapit siya sa mga Mokong na nag-hahanap ng impormasyon sa may-ari ng HIS.
“Subukan ko hanapin ang may-ari ng HIS.” Sabi ni Hendery kay Charlie saka kinuha ang laptop na gamit ni Charlie.
ALAM NI HENDERY? Nakakagulat lang.
Simula nagpasukan ulit hindi pa ako kinakausap ni Hendery. Tinanong ko na ang pinaka malapit niya kaibigan na si Alex, kung galit siya sa akin, ang sabi ni Alex, hindi naman galit si Hendery sa akin.
Pero ba't kaya hindi ako pinapansin ni Hendery?
“Nakaka-stress pala mag-selos si Brena.” Sabi ni Theo saka humilata na sa carpet.
“Oo nga. Nakakapagod mag-selos si Brena.” Sabi rin ni Gabriel.
“Oo nga. Napaka sira-ulo mag-selos. Nakaka-putangna siya.” Komento ko rin.
“Uhm, ako lang ba ang hindi nakaka-gets sa sinasabi ninyo?” Tanong ni Andrew.
Yung mga naka-hilata bigla napabangon, yung nga naka-pikit napadilat, tapos sabay-sabay kami tumingin kay Andrew. Putangna niya, huwag niya sabihing wala siya ka-idi-ideyang gustong-gusto siya ni Brena.
“Ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam na patay na patay sa iyo si Brena, Andrew.” Sabi ni Rehan.
Namilog mga singkit na mata ni Andrew. Mukha nga ngayon lang niya nalaman. Napaka manhid naman pala nitong si Andrew. Lahat kami alam na patay na patay sakanya si Brena, samantalang siya kailangan pa sabihin sakanya.
“Nahanap ko na ang may-ari ng HIS!” Sigaw ni Hendery.
* * * *
Pag-pasok namin sa HIS eh sabay-sabay namin pinuntahan ang may-ari ng HIS na nahanap ni Hendery kagabi. Ang hindi lang namin kasama eh si Yuta at Storm.
Kaya pala pamilyar ang mukha ng may-ari ng HIS nung ipakita ni Hendery sa amin ang picture niya kagabi sa amin, kasi araw-araw namin siya nakikita.
Putangna.
Nakakainspire naman ‘tong may-ari ng HIS. Sobra yama pero pa-humble siya rito sa entrance ng HIS.
“Manong guard?! Ikaw?!” Hindi makapaniwala ko sabi.
“Good morning, Zennie pati sainyo Section Ares!” Masigla bati sa amin ni Manong guard.
“Kayo po ba ang may-ari ng HIS?” Tanong ko kaagad.
Bigla tumawa ng malakas si Manong Guard pagtapos ko mag-tanong.
“Mukha mali ang nahanap mo, Hendery.” Sabi ni James.
“Ako ang dati may-ari ng HIS.”
Lahat kami napatingin kay Manong Guard.
“Ibinenta ko na ang HIS nito lang nang mag-simula ang pasukan.” Naka ngiti wika ni Manong Guard.
“Bakit mo binenta?” Tanong ni Johnny.
“Ang sabi ko sa pinag-bentahan ko. Nung mga oras na iyon kung mabibigyan niya ako ng 5 billion pesos ay papayag ako ibenta sakanya ang HIS. Binibiro ko lamang siya non, pero nagulat ako nang mag-labas siya ng 5 billion pesos na cash at 5 billion na naka cheke. Kaya wala ako nagawa kundi ibenta sakanya ito.”
Speechless kami lahat. Maski itong nuknukan na keyayaman na Mokong eh napa-speechles din bumili ng HIS.
“Pero, nakita po ba ninyo ang resulta ng exam ni Zennie nung kumuha siya ng scholar dito sa HIS?” Tanong ni Andrew kay Manong Guard.
Tinignan ako ni Manong Guard. “Zennie Cruz. Nagulat din ako nung makita kita dito nung pasukan. Ilang beses ka noon kumuha ng scholar rito sa HIS pero lahat ng iyon ay bagsak.”
“Ibig sabihin bagsak po ako ngayon?” Tanong ko.
“Hindi ko alam. Ang bago may-ari ng HIS ang tumingin na sa exam mo.”
“P'wede po ba ninyo sabihin kung sino ang bago may-ari ng HIS?” Tanong ni Kenneth.
“Hindi ko maari sabihin. Nasa kontrata iyon na hindi ko maari sabihin kahit kanino kung kanino ko napag-benta ang HIS. Pero, sa tingin ko ay binili niya ang HIS ay para sa iyo, Zennie.”
Para sa'kin? Bakit naman bibili ang isa tao ng skwelahan ng halaha billion para sa akin?
Ganon na ba ka-bobo ang tingin sa akin ng bago may-ari ng HIS?
Nung mag-lunch break naisipan ko pumunta sa rooftop na tinatambayan namin ni Hendery. Pinadalhan kasi ako ni Lola kanina ng lunch, eh ayoko muna kumain sa canteen kaya dito ko naisipan pumunta.
Pag-dating ko sa rooftop naabutan ko si Hendery na natutulog sa lapag na may sapin na tela.
Dito lang pala tumatambay si Hendery tuwing lunch break kapag hindi sumasabay sa amin kumain.
Linapitan ko si Hendery tapos umupo sa tabi niya at tinignan siya. Ang payapa naman ng mukha nito kapag tulog, tapos mukha pa siya mabait kapag tulog.
Napangiti ako nung dumilat si Hendery. Nagulat pa nga siya nung nakita ako.
“Kain tayo.” Nakangiti ko sabi kay Hendery.
Kapag hindi pumayag si Henderey, isusungangal ko sa bunganga niya ang pagkain dala ko.