CHAPTER 22
ZENNIE' s POINT OF VIEW
Halos apat oras na kami naka-kulong ni Storm dito sa Laboratory room pero wala pa ang pumupunta dito na ibang tao. Wala naman kami dalang cellphone. Yung akin nasa bag tapos, iyong sakanya naiwanan daw sa boarding house.
Nagpalakad-lakad ako habang nag-iisip kung paano kami makakalabas. Pero wala! Wala ako maisip na paraan! Punyeta.
Wala naman ako mapapala kung sisigawan ko ng sisigawan itong si Storm eh. Mukha wala talaga siya balak mag-isip kung paano kami makakalabas ng Laboratory room.
"P'wede ba, Zennie huminahon ka diyan."
Tinignan ko si Storm. Nakahiga at nakapikit pa siya.
"Wala tayo magagawa kung hindi ang mag-hintay dito na ibalik ang mga laboratory equipments."
Huminga ako ng malalim bago umupo isa sa mga high stool chair.
Tama.
Iyon lang ang magagawa namin ni Storm ngayon. Ang mag-hintay na ibalik ang mga lab equipments na dinala nila ABC at Theo.
Sino ba naman kasi studyante ang pupunta dito sa laboratory room ng wala dahilan?
Nakunot ko ang sarili noo nang sumagi sa isip ko ang mokong na sina ABC at Theo. Sila ang huli nasa labas ng lab room bago kami pumasok ulit dito.
Napatayo at nahampas ko ang lamesa. "ABC! Theo!" Inis ko sigaw sa pangalan nila dalawa. Humanda ang dalawang iyon sa akin pag-labas namin dito.
Napatalon ako sa gulat nung bigla nasa tabi ko si Storm na salubong nanaman ang kilay.
"Oh? Bakit?"
Nagulat ako nang bigla hampasin ni Storm ang lamesa. "Ngayon sina Albert at Theo naman?"
Kumunot ang noo ko sa pag-tataka. Ano nanaman ang pinagsasabi nitong Tukmol na ito?
Lilipat na lang dapat ako ng ibang pwesto nang bigla hawakan ni Storm ang kaliwang braso ko at iniharap niya ako sakanya sabay hawak sa kanan ko braso.
Agad ako nag-pumiglas pero sa bawat piglas ko mas hinihigpitan niya ang pag-haawak sa braso ko.
"Ano ba problema mo?!" Sigaw ko sa mukha niya.
"Ikaw!" Turo sa akin. "Ikaw ang problema ko!" Dag-dag na sabi.
Kung marunong ako mag-taas ng isang kilay, tinaasan ko na siya ng isang kilay itong Tukmol na'to. Para kasi sira-ulo. Hindi ko naman siya inaano eh.
"Pinag-sasabi mo?"
Wala ako nagawa nang ilapit ni Storm ang mukha niya sa mukha ko. Ang mabigat na pag-hinga niya eh ramdam na ramdam ko at amoy na amoy. Ang bango. Ang sarap langhapin.
"Ikaw? Anong ginagawa mo?"
Linalanghap ang mabango hininga mo.
"Nakatayo?" Patanong ko sagot.
Naiwan sa hangin ang panga niya sa sagot ko. Ano ang sinabi ko masama?
"Hindi 'yon!"
"Eh, ano ba ginawa ko?!"
"'Yong kahapon! Si Jaylen! 'Yong kanina! Atsaka yung kanina!"
"Pinag-sasabi mo?!"
"Pinagsasabi ko?!" Hindi makapaniwala sigaw niya sa akin.
Mas malala na ata sira sa ulo ng Tukmol na ito. Wala ako maiintindihan kahit isa sa mga sinasabi.
Sabay kami napatingin ni Storm kina ABC at Theo nang linapag sa mesa ang box na dadalhin namin kanina sa classroom.
"ABC!" Bulong ko.
"Theo Black!" Bulong naman ni Storm.
Nag-tinginan kami dalawa ni Storm at tinanggal na niya ang pagka-hawak sa braso ko.
"H-Hindi pa ata sila tapos mag-usap, Theo."
"Bakit pakiramdam ko kailangan na natin umalis dito, Albert."
Tumingin ulit kami ni Storm sa dalawa.
"Sa akin si ABC, Tukmol." Bulong ko.
"Sa akin naman si Theo, Hinayupak na babae."
"TAKBO!" sabay na sigaw nila Theo at ABC.
Tumakbo sila dalawa palabas kaya hinabol namin sila ni Storm.
"Sorry na! Storm at Zennie!" sigaw ni Theo.
"Papahiramin ko na lang kayo ng notes ko!" sigaw ni ABC.
"Notes mo mukha mo! Humanda ka sa akin ABC kapag nahabol kita!" Sigaw ko.
"Hoy! Itim! Ihanda mo iyang mukha mo kapag naabutan kita!" Sigaw ni Storm.
Nakarating kami sa grade 10 building. Hindi ko pinapansin ang mga studyanteng pinag-titinginan at kinukuhanan kaming apat ng pictures habang tumatakbo.
Nang malapit na kami apat sa classroom namin, si Theo nag-dirediretso samantalang si ABC pumasok sa classroom namin.
Hinabol ni Storm si Theo ako naman eh pumasok sa classroom namin. Pag-pasok ko nasa pinaka dulo na si ABC na hinahabol ang pag-hinga.
Agad ako linapitan nila Jeffrey, Hendery at Rehan.
"Saan ka galing, My Labs ko?" Tanong ni Boy Emoji
"Ano ang nangyari sa'yo, Bes?" Tanong ni Jeffrey.
"Bakit nag-hahabol ka din ng pag-hinga, Zennie?" Tanong naman ni Rehan.
"Tigilan n'yo muna ako tatlo," sabi ko sakanila.
Tinignan ko si ABC.
"Zennie, sorry na. Papahiramin na lang kita ng mga notes ko. Sinulat ko bawat sinabi ng teachers natin kanina. Kumpletong-kumpleto 'yon. Promise."
"Wala ako pake sa notes mo!"
Tumakbo ako papunta sakanya pero mabilis siya nakatakbo papunta gilid hanggang sa harapan. Hanggang sa makalabas ulit.
"HOY ABC!"
Tumakbo din ako palabas. Nakita ko siya papunta shortcut papuntang labas.
"Zennie! Sorry na talaga!"
"Sorry, mukha mo!"
"WAAAAAHHH!"
Bwisit na 'yan. Daig pa ang babae makatili.
Napatigil ako sa pag-takbo nang harangin ako nila Brena at Andrea Jayne.
"Anong nangyayari, Zennie?" Tanong ni Brena.
"Basta. Mauna na ako sainyo," nagmamadali ko sagot.
"HOY ABC!"
Pumasok sa loob ng cafeteria si ABC kaya sinunda ko siya roon.
Pag-pasok ko nakita ko nag-hahabulan din si Theo at Storm dito sa loob. Inalis ko agad ang atensyon sakanila dalawa nang mapansin ko si ABC na nag-tatago sa gilid ng basurahan.
Dahan-dahan ako pumunta sa pinagtataguan ni ABC. Sa kabutihang palad eh hindi ako napapansin na malapit na ako.
Nang nasa tabi na ako ni ABC eh tumalon ako papunta sakanya at sinakal gamit sa pag-ipit sa isa ko siko.
"A-Aray ko Zennie!"
"Aray mo mukha mo!"
Mas hinigpitan ko pa ang pag-sakal kay ABC.
"Z-Zennie! Susundin ko l-lahat ng u-utos m-mo! J-Just let me g-go!"
Tumingin ako kay ABC. "Lahat?"
"A-Ano b-biro lang. Hehehe . . ."
Aba at ang sira-ulo. Hinigpitan ko ulit ang pag-sakal sakanya.
"Ililibre kita! Ililibre kita ngayon!"
Napatingin ako kay Storm na lumapit sa amin habang kinakaladkad si Theo sa damit niya.
"Ililibre n'yo kami dalawa ngayon ni Zennie!" Sigaw sakanila ni Storm.
"Oo. Sige!" Agad na sagot ni Theo.
"Kahit ano gusto n'yo dalawa." Sagot naman ni ABC.
Binitawan ko na si ABC. Ganoon din si Storm binitawan na din niya si Theo. Tapos tuwang-tuwa kami ni Storm na nag-apir.
"Ano ba ang gusto ninyo kainin na dalawa?" Tanong ni Theo.
Libre ito. Syempre dapat sulitin na. "Gusto ko tiglima ng bawat menu ngayon atsaka lahat ng dessert!" Sabay na sagot namin Storm.
Nag-tinginan kami dalawa ni Storm tapos sabay kami tumawa, pagkatapos tumingin kami kina ABC at Theo. "Kami na ang hahanap ng mauupuan natin," sabay na sagot namin ulit ni Storm.
Gaya-gaya puto maya, pag-laki mukha gorilla.
Bago namin layasan iyong dalawa nakita ko natampal pa nila ang pareho nilang noo.
"Doon tayo."
Tinignan ko ang tinuro ni Storm. Nasa bandang tago pwesto ang tinuro niya. Ayos naman doon pero ang mokong bulag ata.
"Kita mo may naka upo roon."
"Edi papalayasin ko sila."
"Ay! Ewan ko sa'yo!"
Nag-umpisa ulit ako mag-hanap ng mauupuan namin at kapag sinuswerte sa gitna ang nakita ko. Pang waluhan pa.
"Ayun oh!" Turo ko kay Storm sa pwesto nakita ko.
"Ayoko doon. Masyado gitna. Masyado agaw atensyon."
"Ang arte naman nito. Hayaan mo na doon tayo."
"Napaka gitna nga. Napaka agaw atensyon."
"Ayos lang 'yon." Hinawakan ko na ang braso ni Storm at hinatak na siya papunta roon.
Pag-punta namin sa pwesto nakita ko eh agad kami umupo ni Storm na salubong nanaman ang kilay.
"Sabi ayaw namin dito."
"Ikaw lang kaya."
"Tss."
Sungit.
Habang nag-hihintay kami ni Storm nakita kami nila Jeffrey, Yuta at Waeil. Agad nila kami nilapitan.
"Dito kayo uupo dalawa?" Tanong ni Jeffrey.
"Oo. Ang arte nga ni Storm, ayaw dito. Eh, wala na nga maupuan."
Bigla umupo sa tabi ko si Waeil. "Dito na lang din tayo." Aniya.
Nagkibit balikat naman sina Jeffrey at Yuta, pagkatapos umupo na din.
"Huwag na kayo mag-order sina ABC at Theo na ang bibili." Sabi ko sakanila.
"Manlilibre sila dalawa?" Tanong ni Jeffrey.
"Oo. Parang ganon na nga." Natatawa ko sagot.
Naagaw ng atensyon ko sina Rehan, Hendery, Andrew, Ten at ang anim pa kaibigan nila na hanggang ngayon eh hindi ko pa alam ang pangalan.
Tumayo ako at kinawayan sila para maagaw ko ang atensyon nila. Agad naman nila ako napansin, kaya lumapit sila sa pwesto namin.
"Wala pa kayo nahahanap ng mauupuan?" Tanong ko sakanila.
"Oo, My Labs."
Tinuro ko ang dalawa mesa na pang waluhan din na katabi kaliwa ng mesa namin. "Idikit n'yo na lang yung mesa na 'yon sa mesa natin. Sabay-sabay na tayo kumain." Naka ngiti ko suggestion.
Bigla napatayo sina Storm, Theo, ABC at Jeffrey.
"NO WAY!!!"
Napatakip ako ng tainga nung sabay-sabay sila sumigaw bukod kay Yuta, Waeil at Andrew. Sa lakas ng sigaw nilang iyon hindi na ako nag-taka kung naagaw nanaman namin ang atensyon ng lahat dito sa loob ng canteen..
"Ayoko kasabay sila!"
"Bakit naman ako sasabay sakanila kumain?"
"In their dreams na makakasabay nila kumain ang isang Storm Lucena!"
Sumakit ang ulo nang sabay-sabay sila kumuda ng kung anu-ano.
Napatalon ako sa gulat nang bigla hampasin ng malakas ni Yuta ang lamesa. Pati nga itong mga kumukuda natahimik.
"Kapag hindi pa kayo nanahimik lahat pag-bubuhulin ko ang dila." Banta sakanila ni Yuta.
Gusto ko humagalapak sa tawa nang bigla sila nanahimik at kanya-kanya sila nagsi-upuan.
Tumingin ako kina Rehan.
"Psst~~"
Tumingin sila sa akin.
"Ilapit ninyo na ang mesa ninyo dito." Bulong ko sakanila.
Hindi sila sumagot. Ayaw nila ah!
"Ipapabuhol ko dila ninyo kay Yuta, sige kayo." Pananakot ko.
Hindi ulit sila sumagot. Ayaw ninyo ah!
Tumingin ako kay Yuta. "Yuta oh!"
Muntik na ulit ako humagalapak sa tawa nang bigla tignan sila ni Yuta pagkatapos lumapit sa p'westo namin kasama ang mesa at upuan nila.
Grabe naman takot nila kay Yuta.
"My Labs ko! Tabi tayo!"
Patakbo lumapit sa akin si Hendery pero naunahan siya ni Storm na tumabi sa akin. Pag-upo ni Storm, patay malisya siya sa naiinis sakanyang si Hendey. Wala nagawa si Hendery kung hindi bumalik sa pwesto niya.
Tumingin ako sa mga kaibigan ni Rehan na hindi ko pa kilala.
"Hello! Ano pangalan n'yo?" Tanong ko sabay turo sa anim na hindi ko pa kilala.
Nagulat ako nang bigla hinarang ni Storm ang mukha niya.
"Ano ba?!" Inis ko sigaw.
"Bakit kailangan mo pa malaman ang mga pangalan nila?"
"Malamang kaklase ko sila. Alis nga!"
Tinabig ko ang mukha ng bwisit na Storm atsaka tinignan ulit ang mga kaibigan nila Rehan, Andrew, Hendery at Ten na hindi ko pa alam amg pangalan.
"Ano na ang pangalan n'yo?" Nakangiti ko tanong sakanila.
"I'm Johnny Kim." Sabi ng matangkad. Siya 'yong madalas na mag-english at kung makatawa wagas. Tangkad nito eh.
"I'm, Mark Mendoza." Siya 'yong napapansin ko masipag pa sa masipag mag-sulat, mag-recitation, mag-sagot sa mga tanong ng mga teacher. Isa din sa mga masunurin sa section namin.
"Mikael Diaz, naman ang pangalan ko." Siya 'yong kung makatawa din wagas. Tapos isa din siya sa mga cute na para bata eh.
"My name is Kendrick Lim." Katulad ni Mikael, magkasing cute sila. Tapos minsan napapansin ko may pagka-isip bata 'to eh. Atsaka tinatawag nilang bunso si Kendrick.
"I'm Alex Shin, Babes." Sabay kindat niya. Nakatikim siya ng batok kay Hendery. Iyan! Iyang lalaki na 'yan mag-bestfriend siguro sila ni Hendery. Pareho silang playboy.
"Ngayon alam ko na mga pangalan n'yo. Hindi ko na kayo tatawagin ng mokong sa isip ko----"
Napatakip ako ng bibig. Hindi nila alam na pinapangalanan ko sila lahat ng Mokong sa isipan ko.
"ANO TINAWAG MO SA AMIN?!" Sabay-sabay na tanong nila lahat.
Umiling-iling ako. "Ang sabi ko nice to meet you all. Hehehehe . . ."
"Hoy! Hinayupak na babae. Meron ka sinabi tungkol sa amin eh!"
Tinignan ko si Storm. "Wala nga eh!"
"Meron!"
"Wala nga!"
"Meron!"
"Meron ako pagbubuhulin na dila maya-maya."
Sabay kami nanahimik ni Storm pagka-rinig namin ng iyon kay Yuta.
Habang tahimik kami nag-hihintay lahat napansin ko naman sina Jaylen na mukha wala mauupuan.
Tumayo ako kasama si Yuta. Pag-lapit ko sakanila nahalata ko nagulat sila sa pag-lapit ko.
"Doon na kayo umupo sa tabi namin oh!" Sabi ko sabay turo doon sa kanang table na bakante pang animan. "Sabay-sabay tayo kumain."
"Ayaw namin makasama kayo." Masungit na sabi ni Jaylen.
Hinarap ko sakanila si Yuta, baka sakali matakot din sila tulad ng ibang mokong.
Tumingin si Yuta sa akin ng nag-tataka. "Takutin mo din sila para sa atin sumabay," bulong ko kay Yuta.
"What?!" Iritado sagot ni Yuta sa akin.
"Dali na!" Bulong ko.
"Fine!" Pag-suko ni Yuta.
Tumingin si Yuta sakanila. "Pag-bubuhulin ko ang dila ninyo lahat kapag hindi ninyo sinunod ang gusto ni Zennie." Malamig na wika ni Yuta sakanila'ng anim.
"Ayaw nga nam----"
Hindi natuloy ni Jaylen ang sunod na sasabihin nang mag-salita ulit si Yuta.
"I am damn serious."
Nanahimik sila ng ilang segundo. At pagkaraan ng ilang segundo sabay-sabay sila nagsi-lakad papunta sa pwesto tinuro ko habang mga kung ano-ano ang sinasabi, bukod kay Jaylen at Charlie na tahimik.
"Gusto ko ngayon sa gitan umupo! Hahaha!" Sabi ni Kenneth.
"Oo nga! Para maiba naman!" Sabi ni Gabriel.
"Tapos kasabay 'yong mga gago ngayon!" Sabi ni James.
"Mas masaya iyon, sigurado!" Sabi ni Jero.
Humarap ako kay Yuta. "Grabe Yuta, bakit takot na takot sila lahat sa'yo? Ano meron sa'yo?" Curious ko tanong.
"Hindi mo gugustuhin malaman ang buong pagkatao ko." Malamig na sagot ni Yuta saka itumalikod na at bumalik sa upuan namin.
Kinalibutan ako sa sagot niyang iyon ah. Hindi na ako magtataka kung bakit takot sakanya ang mga mokong.
Pag-balik ko sa upuan ang tahimik nilang lahat at ang sama-sama ng tinginan nila sa bawat isa.
"Hoy! Hinayupak na babae, ano kalokohan 'to?!"
"Alin?"
"Bakit mo sila inaya dito?"
"Masama?"
"Oo!"
"Bakit mauubos mo ba ang mga pinaorder natin kina ABC at Theo?!"
"Oo!"
"Eh! Patay gutom ka!"
"Brad! Patay gutom! Nice one ka don, Bes!" Natatawa komento ni Jeffrey.
Nag-high five kami dalawa ni Jeffrey. Napaka walangya kaibigan talaga nitong si Jeffrey eh.
Bago pa kami mag-sagutan ulit ni Storm eh dumating na sa wakas sina Theo at ABC na may kasama lima waiter dala ang mga pitong iba't-ibang ulam na times five. Pagkatapos 'yong desserts apat na flavor cake at madami doughnuts.
"WOOOW!" sabay na sabi namin ni Storm.
"Oh? Bakit nandito iyang mga 'yan?" Tanong ni Theo.
"Tanungin mo 'yang si Yuta." Sagot ni Jaylen.
Tumango-tango sina ABC at Theo saka umupo na lang. Mukha alam na nila ang nangyari.
Hindi ko tuloy naiwasan tignan si Yuta. Ano kaya ang mayroon sakanya. Bakit sila takot kay Yuta nang ganoon?
Bigla ako napakuha ng madami pagkain nang mapatingin si Yuta sa gawi ko. Hindi naman niya sana nakita na nakatingin ako sakanya, baka kung ano isipin niya.
"Hoy! Hinayupak na babae, hindi ka naman masyado gutom?"
"Pake mo ba!"
Tahimik kami lahat kumukuha ng kanya-kanya naming pagkain. Para naman kami ewan nito. Ang dami-dami namin pero ang tahimik naming lahat.
Ang sarap naman ng bawat sosyaling ulam na hindi ko alam ang tawag.
Nang matapos ako sa pagkain ko ng mga ulam eh napatingin ako sa nag-iisa slice ng mocha cake. Bakit isa nalang 'yon? Kanina isang buong malaki bilog pa iyon ah!
Tinusok ko na ng tinidor ang mocha cake pero may iba tinidor din ang tumusok rito, pag-tingin ko si Storm na may icing pa sa gilid ng labi niya.
"Ako ang nauna," Sabi ko saka ko siya matalim na tinignan.
"Ako ang nauna." Sabi niya at matalim din niya ako tinignan.
"Ako nga!"
"Ako, sabi eh!"
"Ako!"
"Ako!"
Hinampas ko ang kamay niya na may hawak na tinidor. "Ako!" sabi ko.
Hinampas niya din ang kamay ko may hawak na tinidor. "Ako!" Mariing sabi niya
Kumuha siya ng isa meat ball tapos ay hinagis niya ito sa akin sa kabutihang palad naiwasan ko.
"Ano ba!" Sigaw ni Jaylen.
Si Jaylen ang tinamaan ng meat ball sa dibdib niya. Kumuha din ng meat ball at hinagis niya kay Storm, pero nailagan ni Storm ang tinamaan si Johnny.
"Ano ba! Kumakain ako eh!" Sigaw ni Johnny.
Kumuha ng karne si Johnny at naibato niya kay Theo.
"Gago!" Sigaw ni Theo.
Kumuha si Theo ng sarsa sa maliit na platito at ang mokong madami siya tinamaan.
"Ay! Letse!
"Ano ba!"
"Nanadya ka ba?!"
At ayan nagsi-mula na din ang iba mokong na mag-hagisan ng mga kung ano-ano pagkain sa isa't-isa.
"Bakit mo ako hinagisan ng sarsang 'yan?!"
"Malaki ka harang eh!"
"Kanina ka pa!"
"Kanina pa din ako nag-titimpi sa'yo!"
"Humanda ka!"
"Ikaw ang gago humanda!"
Nawala ang atensyon ko sa mga mokong nang balakin kuhanin ni Storm ang kalahating slice ng mocha cake.
"Hoy! H'wag ka madaya! Ako sabi nauna dito eh!" Sigaw ko sakanya.
"Anong ikaw? Ako kaya!"
"Huwag ka nga PG, Tukmol. Ang dami mo na nakain na mocha cake eh!"
"Huwag ka madaya. Ako ang nauna sa cake na ito!"
Natigilan kami sa pag-tatalo ni Storm nung may dalawa kamay ang humawak sa pinag-aagawan naming mocha cake.
"Punyeta ka, Yuta!" Sigaw ko.
"Fuckn damn you, Rehan!" Sigaw ni Storm.
Kinuha ko ang natira ko sarsa at hinagis iyon kay Yuta, pero ang magaling na si Yuta naka-ilag kaya si ABC ang natamaan ng hinagis ko sarsa.
Napatingin si ABC sa akin. Walang sabi-sabi kumuha siya ng pagkaing ipanghaagis sa akin. S'yempre hindi ako nag-patalo kumuha din ako agad ng ihahagis ko ulam sakanya.
Nakahanda na ako ihagis kay Theo ang ulam na ihahagis ko sakanya nang pareho kami napatigil---ay hindi lang kami dalawa, lahat kami naiwan sa ere ang mga kamay namin na may kanya-kanyang hawak ng pagkain na nakahandang ihagis sa bawat isa.
"SECTION ARES!!" Umaalingaw-ngaw ang boses na iyon ni Brena.
May kasama si Brena na limang lalaki studyante.
Wala ang gumagalaw sa amin.
Pinapakaramdaman ko kung paano ako tatakas. Ayoko ma-guidance, mas lalo ayoko madagdagan ang parusa ko, kaya dapat makatakas ako dito.
"TAKBO!!!"
Sa pag-sigaw iyon Rehan saka kami gumalaw sa kinatatayuan namin. Pati ang mga kasama ni Brena, gumalaw din para hulihin kami.
Nakita ko si Jaylen na natakasan ang mga kasama ni Brena.
Pawalanghiyaan na, "Oy Jaylen! Sama ako sainyo!" Sigaw ko.
Narinig naman ako ni Jaylen kaya hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami lumabas ng canteen kasama ang mga kaibigan niya.
Habang tumatakbo kami tumingin ako sa likod ko at nakita ko nakatakas din sina Rehan, Yuta, Waeil, Storm, Jeffrey, Andrew, Mikael at Hendery.
Natatawa kami lahat tumatakbo ngayon papunta sa classroom. Para kami mga tumakas sa bilangguan na exited na exited pumunta sa ibang bilangguan.
Nauna kami ni Jaylen nakapasok sa classroom kasunod ang mga kaibigan niya at 'yong iba nakatakas din.
Pag-pasok naming lahat tinignan namin ang isa't-isa at sabay-sabay na tumawa. Para kami mga palaboy sa sobra duming lahat.
Tumigil ako sa pag-tawa nang pumunta sa harapan ko si Storm.
"Oh ano? Kasalanan mo ito eh!" Panumbat ko.
"Bakit ako?"
"Eh, kung sana binigay mo ang mocha cake sa akin edi sana hindi tayo tumakbo lahat!"
"Kung hindi ka naging madaya edi sana hindi tayo tumakbo lahat!"
"Ako pa ngayon? Ikaw nga eh!"
"Ikaw!
"Ikaw!"
"Teka!" Tumingin si Storm kay Jaylen na katabi ko. "Bitawan mo na ang kamay ni Zennie!" Utos ni Storm kay Jaylen.
Hindi ko alam kung ako lang ba. Pero bigla natahimik ang lahat nang iutos iyon ni Storm kay Jaylen.
Tinignan ko ang kamay na magka-hawak namin ni Jaylen. Sa sobra pagod ko sa pag-takbo hindi ko namalayan na hinawakan nga pala ni Jaylen ang kamay ko.
Napatingin ako kay Jaylen nang bigla niya higpitan ang pagka-hawak sa kamay ko.
"Let. Her. Go." Mariing utos ni Storm kay Jaylen.
Matalim ang tinginan nila dalawa. Parang nga may kuryente sa pagitan ng tinginan nila eh.
Napalunok ako ng laway. Hindi sa kaba, kundi baka tumunog ang tiyan ko gutom. Nakakahiya kapag tumunog.
Bakit kasi ayaw pa ako bitawan ni Jaylen?
Atsaka, bakit ganito mag-react itong si Storm sa magkahawa na kamay namin ni Jaylen?
❁ ════ ❃ • ❃ ════ ❁
J E R O T A N