CHAPTER 13
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Kaya ayoko na-le-late kapag lunes!” Reklamo ni Jeffrey.
Tuwing lunes may flag ceremony at dahil lunes na lunes eh late kami dalawa, nag-flag ceremony kami dalawa ni Jeffrey. Maski ako ayoko na ulit maulit ito. Medyo nakakahiya dalawa lang kami ang nag-flag ceremony sa ubod na laki close gymnasium na iyon. Tapos pinatakbo pa kami sa open field ng benteng ulit.
Napasarap kasi ang tulog namin ni Jeffrey. Kakatapos lang kasi ng exam nung friday kaya bumawi kami ng tulog at bumawi rin kami sa pagpapanood ng Tom & Jerry kagabi.
Ngayon eh papunta na kami sa classroom. Parang ayoko pa pumasok, pakiramdam ko sumasakit na ang ulo.
“Saan nga pala magiging classroom natin? Doon pa rin ba?”
Ngayon araw na pagsasama-samahin ang buong section Ares sa iisa classroom. Ngayon pa lang kinakabahan na'ko sa mga mangyayari. Eh yung nagkita sila last week sa canteen nagka-gulo na, pa'no pa kapag pinag-sama-sama sila?
“Doon pa rin Bes, pero pinalaki lang ng konti.”
“Pinalaki?”
“Triple ang laki ng classroom ng section Ares sa ibang classroom, para kapag umupo lagi may one seat apart. Kaya nga magkakadikit mga classroom natin tatlo na section Ares kasi pinaghati-hati lang 'yon.”
Hindi ko napansin 'yon.
“Ganon kalaki ang totoo clasroom natin?!”
Sa classroom namin p'wede na ang pang bente studyante, tapos yung classroom din nila Jaylen-de-put-a eh kasing laki rin ng classroom namin at kung yung kina Rehan kun ganon din kalaki, ang ibig sabihin pang 60 students ang classroom ng section namin?!
“Ganon kalaki?”
Huminto kami sa pag-lakad ni Jeffrey, pati ako huminto din. “Bes, section Ares tayo eh.”
“Oh? Eh ano naman? Bakit matataba ba ang iba studyante ng section Ares?”
“Best? Mukha ba kami matataba? Nakita mo na nga abs ko—aray!”
Hinampas ko siya sa braso. Ipapaalala pa eh.
“Sakit non ah? Ganito kasi 'yan. Ang section Ares special section 'yan—tayo dito sa loob ng HIS.“
Special Section? Paano special section kami dito sa HIS?
“Uhmm, e-excuse me?” Sabay namin tinignan ni Jeffrey ang babae'ng lumapit sa amin.
Kulay itim ang buhok niyang hanggang leeg. Hindi siya katangkaran, hindi rin ka-sexy-sihan pero hindi katabaan, sakto lang ang pangangatawan. Mukha naman mabait.
“Ano'ng kailangan mo?!” Masungit na tanong ni Jeffrey kaya hinampas ko ito sa braso.
“A-Ano po kasi, a-ako si Andrea Jayne ng s-section B. Ak—”
“Anong pake namin?!”
Hinampas ko ulit sa braso si Jeffrey. Bigla nanaman kasi nag-transform sa pagiging ewan itong lalaki 'to.
Napapansin ko sa anim na mokong kapag may iba studyante lahat sila nag-tatransform sa pagiging masungit at mainitin ang ulo—*ay si Yuta, natural na pala ganon.
“Ano ba bes, ang sakit ng hampas mo!”
“Eh kung nanahimik ka na lang kase d'yan.”
“Oo na.”
Tumingin ulit ako kay Andrea Jayne daw. “Ano ba ang kailangan mo?”
“A-Ano po kasi kung p'wede ko po ikaw makuhanan ng picture, Miss akala namin girlfriend ni Waeil pero serious girlfriend pala ni Hendery?”
Ay wow! Hindi naman masyado mahaba yung nickname nila sa akin?
“Bakit mo ako gusto picturan?”
“Ano po, nasa Journalist club po ako. Ang balak ko po sana ay ikaw po ang maging topic namin atsaka kung may time po sana kayo kung p'wede ko kayo mainterview? This week. Madami ang curious tungkol sa'yo.”
Ay, para naman ako artista.
“Miss journalists club member, ang dami mo naman hinihingi pabor sa kaibigan ko?”
Hinampas ko ulit si Jeffrey. Napaka angas akala mo naman siya yung hinihingan ng pabor.
“Sige, mamaya lunch break sa cantren puntahan mo'ko doon.”
Natawa naman ako sa reaction ni Andrea Jayne. Ano ba ang akala niya artista ang iinterviewhin? Bigla nag-tatalon habang pumalapakpak pa.
“Ah, isa request na lang po.”
"Aba at gumagrab—-sige i-ituloy mo na ang sasabihin mo.”
Tinignan ko ng masama si Jeffrey. Ang dami sinasabi eh.
“A-Ano po, p'wede ko po ba kayo kuhanan ng picture? Para ilalagay ko po na kayo ang main topic next week.”
“Ay oo naman. Yun lang pala eh.”
Lumayo ng konti si Andrea Jayne at umanglo. Inayos niya ang DSLR na dala.
“One . . Tw—”
“Kasama ako!”
“H-Ha?”
Ang cute ng reaction ni Andrea Jayne.
“Bakit ayaw mo?”
“H-Ha, h-hindi . . . ”
“Anong hindi?!”
“A-Ano, h-hindi ayos,”
“Hindi ayos na kasama ako?!”
“H-Hindi, a-ayos na k-kasama ka, p-pero h-hindi ayaw ko.”
Gusto ko matawa sa mga sinasabi ni Andrea Jayne. Halata kinakabahan kausap si Jeffrey. At ito naman si Jeffrey hinampas ko ulit, parang ewan kasi.
“Tumigil ka nga Jeffrey. Sige, Andrea Jayne. Kuhanan mo na kami picture ni Jeffrey.”
“Sige po.”
Ilinagay na ni Andrea Jayne ang DSLR sa tapat ng mata niya. May inikot-ikot siya tapos nag-pindot ng tatlo beses.
“Isa pa po.” Napansin ko may ngiti na sa labi nang mag-salita s'ya ulit.
Ganon ulit ang ginawa ni Andrea Jayne. May inikot sa camera at nag-pindot ito ng tatlo beses. Pagkatapos eh lumapit na sa amin ulit.
“Patingin nga ako!”
“H-Ha?”
“H-Ha-tdog? Sabi ko patingin!”
Hinamapas ko ulit sa braso si Jeffrey. Parang tanga eh.
“Sige Andrea Jayne, kahit h'wag mo na ipakita sa amin.”
Parang naka-hinga siya ng maluwag sa sinabi kong 'yon.
“Sige po. Salamat po.” Sabi niya pagkatapos eh mabilis na tumakbo.
Hinampas ko ulit si Jeffrey sa braso.
“Aray ko Bes! Bakit nanaman?”
“Ano bakit nanaman? Grabe ka naman kay Andrea Jayne kanina, mukha naman mabait yung tao ah.”
“Oo mabait naman talaga si, Andrea.”
“Kilala mo si Andrea Jayne?”
“Tara na nga best!”
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ANDREA JAYNE ' s POINT OF VIEW
Nang makasigurado nakalayo na ako kina Jeffrey, tinignan ko ang nakuhanan ko picture kanina.
Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko nang tignan ko ang litratong kinuhanan ko kay Jeffrey kanina.
Ang gwapo talaga.
Zinoom ko ang picture ni Jeffrey. After 3 years sa wakas nagkaroon ako ng picture niya na ako mismo ang nag-take.
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Tinap namin ang keycard sa pintuan ng classroom namin.
Diba? Mas pinasosyal ang classroom namin, pintuan pa lang sosyal na talaga.
Pag-pasok namin ni Jeffrey wala masyado nag-bago sa classroom namin, bukod sa mas pinalaki ito at mas madami electricfan at aircon, mas maingay at magulo na.
“Dapat kami!”
“Kami dapat!”
“No. Kami dapat!”
Ganito eksena ang naabutan namin ni Jeffrey pag-pasok sa classroom. Nag-tatalo-talo sila lahat kung sino ang dapat na nasa first row at pati ang mokong na si Jeffrey nakisali rin.
“Sinabi na kami dapat ang nasa first row!”
“Bakit kayo?! Dapat kami?!”
“At bakit kayo? Dapat kami!”
“Suntukan na lang?! Ang matalo sila ang sa last row!”
Natampal ko ng mahina ang noo ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga studyante nag-aagawan sa first row. Hindi ba nila alam na mas masaya sa last row?
“Ano'ng akala ninyo uurungan namin kayo?”
“Tara suntukan na lang!”
“Tara ng matapos na 'to!”
Ay naku pu! Naku pu! Mag-uumpisa na sila mag-suntukan. Ano gagawin ko? Ayoko naman makisali sa wala kwentang away nila. Pabayaan ko na lamg siguro?
“Tumigil kayo lahat!”
Mabuti na lang bago pa magka-rambol dumating si Ma'am Cloudyn.
“Ano kaguluhan 'to? Mabuti na lang at sound proof itong classroom ninyo at wala nakakarinig sa away n'yo!” Tumingin si Ma'am sa akin. “Bakit sila nag-aaway, Zennie?”
“Nag-aaway po sila kung sino po ang mapupunta sa first row.”
“Hindi ka nakikisali sa away nila?”
“Po?” Nabingi ata ako sa tanong ni Ma'am Cloudyn sa'kin.
“Sige para walang away, alphabetical by surnames ang gagawin natin.” Saad ni Ma'am.
“Ano?”
“Mapupunta ako sa last row?”
“Hindi patas!”
“Ayoko!”
“By names na lang!”
“Manahimik kayo lahat. Pumunta na kayo lahat sa harapan dala ang mga gamit n'yo!”
Sinunod namin ang utos ni Ma'am Cloudyn sa amin at siya naman eh pumunta na rin sa pinaka likod habang nakatingin sa amin.
May seven row, vawat row ay mayroon walo na pares ng upuan at lamesa, hindi arm chair ang gamit kundi yung magka-hiwalay ang upuan at lamesa. Yung mga locker naman namin nasa pinaka dulo.
“First row. Theo Black, Rehan Cabello, Johnny Carson, John Andrew Cabrera.”
Isa-isa na sila nagsi-upuan sa first row. Si Theo inis na inis ang muka n'ya.
“Okay next. Second row, Albert Bien Corpuz, Zennie Cruz, Mikael Diaz, Charlie Dela Merced.”
Yes! Atleast katabi ko si ABC si Albert. Gusto ko sana makipag-apir kay ABC kaso mabilis siya umupo na.
“Third row, Jeffrey Jung, Gabriel Levious, Storm Lucena, Kendrick Lim.”
Bago umupo si Jeffrey sa may likuran ko nakipag-apir muna sa'kin. S'yempre nakipag-apir ako.
“Fourth row. Kenneth Masangcay, Mark Mendoza, Jaylen Na, Yuta Yamamoto."
Nagulat ako nung bigla sumigaw si Jaylen at Yuta habang turo pa ang isa't-isa.
“I don't want to be him to be my seatmate!” sigaw ni Yuta.
“And do you think, I want you to be my seatmate? In your dreams, asshole!” sSgaw naman ni Jaylen kay Yuta.
Napatayo ako nung mag-kwelyuhan sila dalawa at naka-posisyon na mag-suntukan mabuti na lang nahawakan si Jaylen nila James at Jero na nakatayo pa at nahawakan naman ni Waeil si Yuta. Pati si Theo na nasa first row napatayo rin para hawakan si Yuta.
“Ano ba! Magsi-upo na nga kayo! Kayo dalawa naman Yuta at Jaylen umayos kayo, upo na!”
Nagsi-upuan na kami pagkatapos sila pagalitan ni Ma'am Cloudyn.
Sumulyap ako kay Jaylen at Yuta. Pareho salubong ang kilay nila. Ano kaya ang dahilan ng pag-aaway nila? Hindi naman siguro pera? Mukha naman pareho sila mapera. Babae? Pwede.
Umayos na ako ng upo. Ayoko makialam sa away nila dalawa. Bahala sila sa away nila.
“Fifth row. James Santiago, Alex Shin, Jero Tan. Sixth row. Hendery Velasquez, Ten Villanueva and Waeil Woo.”
Pagtapos ng seating arrangement bigla na tumahimik ang buong paligid, tangi tunog ng heels ni Ma'am Cloudyn ang maririnig sa loob ng kwartong ito.
Pag-punta ni Ma'am sa teacher's table na nasa harapan gitna ay isa-isa niya kami tinignan.
“Okay class, alam ko labag sa kalooban ninyo ang seating arrangement, but that's the rule.”
Ako lang ata ang bukod tangi ngumiti sa sinabi ni Ma'am.
“Gaya ng dati request ninyo. Itong classroom ay sound proof pa rin. Kami mga teacher ninyo, principal, may-ari ng HIS at kayo lang ang may access para makapasok sa classroom na ito.”
Bakit parang sobra private naman ata ng section na ito? Sa pintuan pa lang ng classroom namin parang may itinatago ang section na ito.
“Zennie,”
“Yes po Ma'am?”
“Any questions?”
Bakit ang private ng section na ito?
May tinatago ba ang section na ito
May kinalaman ba sa mga sinasabi n'yo sa akin na sana ay huwag ako matutulad sa ibang section Ares?
Huminga ako ng malalim at sinabi, “W-Wala po ako tanong.” Lunok laway ko sagot.
“Okay sabi mo. Ah class, mamaya hapon ipapaskil sa bulletin board ang mga total grades ninyo for this period. Yun lang, bye.” saka lumabas na si Ma'am.
Pag-labas ni Ma'am Cloudyn eh hinatak ko ang upuan ko papunta sa mesa ni Jeffrey.
“Oh best, bakit?”
“Sabihin mo nga bakit parang ang private ng section na ito? May tinatago ba kayo?” Bulong ko tanong.
“Bes, wala kami sikreto. Pero, may mga bagay, pangyayari at hindi maiiwasang manyayari, na hindi dapat at hindi p'wede lumabas sa classroom na ito. Kaya hindi pwede'ng hindi kami—tayo maging private.”
“Ha?“
“Yung pagiging pasaway namin alam naman ng lahat ng iyon, pero ang iba pang mangyayari sa classroom na ito hindi na pwede lumabas. Hindi pwede malaman ng iba.”
Ano-ano ang mga nangyari at mangyayari pa sa loob ng classroom na ito na hindi pwede makalabas sa classroom na ito?
Mayroon ba sikreto na hindi p'wede mabulgar sa section na ito?
“Kaya ikaw Bes, h'wag ka mag-titiwala sa ibang studyante, kundi saamin lang, sa akin. Wala ka kaibigan rito kundi ako at kami lang.”
Bakit?
✿❯────「✿」────❮✿
📝 WRITER NOTE
• Thank you po sa mga nag-babasa pa din kahit medyo mabagal ang ud.
• Thank you po sa mga nag-add sa reading list nila ito story ko po.
══════ ••❀•• ══════
T E N V I L L A N U E V A