抖阴社区

                                    

“Maaga ka ngayon,” bungad ko. Pinilit kong gawing casual.

“Para ‘di ka na mapagod maglakad,” sagot niya habang inaabot sa’kin ‘yung paper bag. “May hash browns and iced coffee. Alam kong ‘di ka pa nagbe-breakfast.”

Kinagat ko ‘yung labi ko to stop myself from smiling. Kasi totoo, hindi pa talaga ako kumain. He always knows. Every single time.

“Thanks,” sabi ko, tinanggap ko ‘yung bag. “Pero… pwede naman akong bumili.”

“I know,” he said with a small shrug, “pero mas gusto kong ako na lang.”

At paano mo lalabanan ‘yan?

Naglalakad na kami papasok sa building. Hindi ko alam kung dahil lang maaga pa or wala talagang masyadong students na dumadaan, pero it felt like the hallway was quiet—too quiet.

Bigla niyang inilagay ‘yung kamay niya sa lower back ko. Ganoon lang. Light, casual, pero present. Nakasanayan ko na, pero ngayon iba ang dating.

Ilang steps pa, bago siya bumulong.

“Okay ka na ba?” tanong niya. “Parang may iniisip ka pa rin.”

Tumigil ako. Humarap sa kanya. “Okay lang naman ako, Rhy.”

But he didn’t seem convinced.

“Solene,” tawag niya ulit. That voice—’yung tono na reserved lang talaga for me. “If may problem, you can tell me.”

So I did.

Hindi buo. Hindi detalyado. Pero sapat para iparating.

“Hindi mo pa kasi sinasabi, Rhy.”

“Ang alin?”

“Kung ano ba talaga ‘to.”

Tahimik siya. Hindi niya ako tinignan agad. Instead, tiningnan niya muna ‘yung paligid. As if checking kung may ibang makakarinig.

Then he looked at me. Straight in the eyes.

“Solene... wala kang kailangang pagdudahan.”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. Klaro ba ‘yon? Hindi.

Kaya tinanong ko, diretso, kahit nanginginig ‘yung boses ko.

“Kung wala akong dapat pagdudahan... bakit hindi mo pa rin masabi kung anong meron sa atin?”

Rhyler Jace Davids—’yung lalaking palaging confident, palaging composed—biglang hindi makatingin. Biglang natahimik.

At doon ako lalong natakot.

Kasi kung gusto talaga niya ako… bakit hindi niya masabi?




-----


Hindi ko alam kung ilang segundo lang ‘yon, pero para sa’kin, parang tumigil ‘yung oras. Nakatayo lang si Rhyler sa harap ko—tahimik, hindi makatingin, hindi makasagot.

And I hated it.

Kasi sa lahat ng pinakita niya sa akin, sa lahat ng araw na pinuno niya ng effort at sweetness at presence ang bawat parte ng routine ko, ngayon niya lang ako binigo—ng tahimik.

Biglang may tumawag sa intercom: “All students, please proceed to your classrooms. First period will begin in five minutes.”

Pero hindi pa rin siya gumalaw. Hindi pa rin siya nagsalita.

So ako na lang. Ako na ‘yung tumapos.

“Alam mo, Rhy…” I started, trying to keep my voice steady kahit ang sakit-sakit sa loob.

Strings of FateWhere stories live. Discover now