Monday, January 13 – 6:03 AM
Nagising ako na parang may lumindol sa loob ng bungo ko.
Seryoso, 'yung tipong bawat tibok ng puso ko, ramdam ko sa sentido. At 'pag pinipilit kong bumangon, umiikot ang buong kwarto, parang ride sa perya na walang safety bar.
"Shit..."
Napapikit ako. Saan ako—?Tumagilid ako. Nakita kong may towel sa paanan ng kama ko, may pakete ng Skyflakes na may isang kagat lang, at may baso ng tubig sa bedside table. Tiningnan ko ang phone ko — 2% na lang, may 37 messages.
Wait... paano ako nakauwi?
---
Flashback: Sunday Night – Around 11:48 PM
“Uy… pre, gising pa ba ’yung mama ni Eli?”
“Tinext na ni Atasha, sabi papasok natin siya tahimik. May extra susi si Ate mo diba?”
“Meron, pero ang bigat niya putek, parang may buhat tayong sako ng bigas—Eli girl, gumising ka naman—”
“Shhhhhhhhhh,” sabi ko raw, “baka may magising… quiet lang tayo, mga unicorn.”
“Di na to okay,” sabi ni Louise habang pareho nilang buhat-buhat ako sa magkabilang braso.
Pumasok ako sa bahay ko na parang contestant sa Amazing Race: Laseng Edition.
Hinubad ni Atasha 'yung shoes ko, nilagyan ng towel ang tabi ng kama, inihiga ako, nilagyan ng baso ng tubig sa tabi ko, at iniwan ang Skyflakes na may love.
“Goodluck bukas,” sabi raw ni Atasha sabay halik sa noo ko. “See you sa school, marupok.”
---
6:12 AM – Back to Present
Nag-ring ang phone ko. Atasha.
“Hoy,” boses niya sa kabilang linya. “Bumangon ka na. Nakatulog ka ng may eyeliner, girl.”
“Feeling ko wala na kong liver,” bulong ko.
“Meron ka pa. May dignity ka pa ba? Check mo rin.”
Tumawa siya habang ako, bumangon na parang zombie sa second life.
---
6:56 AM – Sa labas ng bahay namin
Papunta na kami sa tricycle. Naka-jacket ako kahit 30°C, naka-sunglasses pa kahit 7 AM. May dala akong Gatorade at two packs ng yelo, na parang 'di ako estudyante kundi emergency case.
“Tingin mo may makakaalam?” tanong ko kay Atasha habang papasok na kami.
“Eh... depende. Kung walang nag-post.”
“May nag-post ba?”
Tahimik siya. Sabay iwas ng tingin.
“ATASHA!”
“Gusto mong makita o marinig mo nalang mamaya?”
---
7:39 AM – STEM 4 Classroom
Pagpasok ko, biglang katahimikan. Literal. Para akong celebrity na nahuling may scandal.
“Hi, Eli!” bati ni Andrea. “Ayos lang ba ang ulo mo?” “May tubig ka d’yan?” tanong ni Zee.
“Ang tanong talaga,” sabat ni Jayvee, “ilang bote ba 'yan, girl?”
Tangina.
Paano ‘to kumalat?
Bigla kong naalala... si Kathrina. Si birthday girl mismo ang nag-post. May IG story siya kahapon ng gabi, may caption pa: "Cheers to 18! Tapos may umiiyak na din sa gilid, ganon ka saya."

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...