Recess bell. Dapat derecho na ko pabalik ng room. Kaso napahinto ako sa hallway.
May hiyawan.
May mga naka-group sa gilid ng STEM 6 wing. May mga mata na nakatingin sa isang direksyon. And when I peeked—
Ayun sila.
Si Raine, naka-pink na blouse at skirt na parang laging pang-Instagram. Bitbit ang glittery tumbler, tapos naka-link arms kay Rhyler. Tawa siya ng tawa habang may sinasabi sa kaniya.
“Rhyler, babe! Ayoko na maglakad, pagod na ko,” malambing niyang bungad, parang sinadya para marinig ng buong hallway.
Tumigil si Rhyler saglit. May earphones siya sa leeg, suot ang usual na black hoodie. Chill lang. Pero hindi niya inalis ang braso niya kahit nakakapit si Raine.
“Okay,” mahinang sagot niya. “Umupo ka na lang muna. Ako na kukuha ng food mo.”
Parang sumabog ang kilig ng paligid.
“Awww,” sigaw ng isa.
“Goals!” sigaw ng isa pa.
May ilang may hawak ng phone. Iba nagre-record.Umupo si Raine sa bench malapit sa pinto ng STEM 6. Naglalaro ng buhok niya, parang artista. Parang gusto niya lang ipangalandakan na siya ‘yung bida.
After a few minutes, bumalik si Rhyler. May hawak na spaghetti, fries, and iced tea.
“Awww, you remembered I like ketchup sa gilid!” bulalas ni Raine.
“Ang thoughtful mo naman,” dagdag pa niya, sabay kurot sa braso ni Rhyler.At si Rhyler?
Ngumiti.
Yung ngiting dati, para sakin lang.
Para akong nalunod sa hangin. Tumigil ang mundo.
“Wait, picture tayo, Rhy,” sabi ni Raine.
“Saglit lang ha, selfie lang.”Nag-pose siya. Nilapit ang phone. Si Rhyler? Hindi umiwas. Leaned in a bit.
Click.
Click.“Ang pogi mo talaga, babe,” bulong ni Raine.
“Tsk, corny mo,” sagot ni Rhyler, pero nakangiti.At that point, gusto ko nang tumakbo palabas. Pero hindi ko magawa. Nakatayo lang ako ro’n, hindi alam kung lalapit ba ko o lalakad palayo.
Akala ko makakawala na ko sa eksena. Nag-CR lang ako saglit, tapos balak ko dumaan sa 7-Eleven para bumili ng tubig. Pero pagliko ko sa covered walkway—
Nandun ulit sila.
Si Raine, nakaupo sa bench, hawak ang fries.
“Rhy, feed me,” sambit niya, hawak ang fry sa lips niya. Pa-baby voice. Nakakairita.
Rhyler chuckled. “Gigil mo ’ko.”
Tapos siya na mismo ang sumubo ng fries kay Raine.“Halaaaa!” sigaw ng isang kaibigan ni Raine.
“Grabe, kayo na ba talaga?” tanong ng isa.Si Raine, ngumiti lang. Tiningnan si Rhyler, parang naghihintay ng confirmation.
At si Rhyler?
Walang sinabi.
Walang “no,” walang “hindi.”
Tumahimik lang.
Pero sa panahong ‘yon, yung katahimikan niya… sagot na.At lahat ng nando’n, narinig ang sagot na ‘yon.
Sumama loob ko buong araw. Sobrang sama. Pero akala ko makaka-uwi na ko ng tahimik. Gusto ko na lang ng katahimikan. Pero hindi talaga.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...