抖阴社区

Chapter 80

2 0 1
                                    

Pagkababa ko ng tricycle sa tapat ng gate, tumama agad sa akin ‘yung sikat ng araw. Pero imbes na magmukha akong hulas o napagod, parang lalo akong lumiwanag. ‘Yung ash brown kong buhok na shoulder-length, freshly treated, nagsasway habang naglalakad ako. Ang lambot ng bagsak, parang cinematic, lalo pa’t may konting wind effect mula sa hangin.

Sa sobrang ganda ng bagsak ng buhok ko, parang may sarili akong ring light kahit tanghali. ‘Yung balat ko? Mas luminaw pa sa dati. Lalo kong napansin habang naglalakad ako na pati ibang estudyante, literal na napapatingin. May mga nakatalikod pa na bumabalik ng tingin. Parang hindi makapaniwala na ako pa rin ‘yon.

“She looks so… expensive,” narinig kong bulong ng isang babae.
“Si Eli ‘yan?”
“Ang puti niya. Bagay sa kanya ‘yung hair, parang angel!”
“Tingnan mo ‘yung aura. Parang untouchable.”

Di ko na kailangan magreact. Mas maganda ‘pag sila ang nagsasabi. I just kept walking like I owned the pathway. Smooth, effortless, composed — parang runway sa gitna ng school grounds.

Pagpasok ko sa hallway, tahimik pero ramdam ‘yung shift ng energy. Dati, ako lang ‘yung tahimik na laging nagbabasa sa isang sulok. Ngayon, parang ako na ‘yung eksenang binubuksan nila ng mata. Hindi dahil sumisigaw ako ng pansin — pero kasi hindi na nila puwedeng i-ignore.

Sa classroom, bumati si Ma’am.
“Uy, Eli, blooming ah.”
Nginitian ko lang siya ng mahinahon. “Baka po natulog lang nang maayos.”

Halatang hindi makatingin ng diretso ‘yung iba kong classmates. Parang naguguluhan kung kailan pa ako naging ganito. Napansin ko ‘yung isa sa mga boys, napatulala.

“Hindi siya ‘yan dati.”
“Grabe, ‘yung aura niya parang ‘yung mga IG models.”

Ilang girls, lumapit.
“Eli, anong shade ng lip tint mo?”
“Ang ganda mo today, as in!”

“Thank you,” sagot ko habang nagsusuklay ng mahinang mahina gamit ‘yung daliri ko. Chill lang, no big deal. Pero sa loob-loob ko, naramdaman kong unti-unti kong nababawi ‘yung sarili kong power.

Sa CR, habang nagre-retouch kami nina Denise at Isha, nakita ko ulit ‘yung sarili ko sa salamin. Skin glowing, lashes curled, ash brown hair na ang gandang tingnan sa liwanag. Hindi ko nga kailangan ng filter. May natural brightness na ‘yung mukha ko. Parang may sariling ilaw. Parang angel. Pero hindi ‘yung tipong soft lang — angel with backbone. With fire.

“Iba ka na talaga, Eli,” sabi ni Denise habang naglalagay ng lip gloss.
“Deserve mo ‘yan,” dagdag ni Isha.
“Hindi na ako ‘yung old version ng sarili ko,” sabi ko, diretso sa salamin. “And I’m not going back.”

Paglabas namin ng CR, diretso kami sa canteen. Usual routine. Pero habang papalapit kami sa hagdanan, ramdam kong may kakaiba. Naramdaman ko pa lang, alam ko na.

Si Raine. At si Rhyler.

Nakaharang sa mismong gitna ng dinadaanan namin. Parang eksenang sinadya — nakaakbay si Rhyler sa kanya, habang si Raine naman, nakangiti ng malandi, tawa ng tawa.

“Babe, dito ka nga,” sabi ni Raine, medyo malakas.
“Babe, may gusto ka ba?”
“Babe, ikaw bahala. Kahit saan.”

Babe dito. Babe doon. Talagang dinig ng lahat. ‘Yung tipong kung pang-asar ang labanan, panalo sila sa effort. Pero ako? Hindi ko na kailangan makipaglaro.

I stopped. Hindi ko sila tiningnan. Hindi ko pinansin ‘yung set-up. Tumikhim lang ako. Sapat para maramdaman nilang may dadaan. Hindi galit. Hindi pikon. Presence lang.

“Excuse me,” sabi ko, calm, walang effort.

Pero siyempre, si Raine, hindi papatalo.
“Uy, sorry ha,” sabi niya, may ngiti pero may asim. “Hindi namin alam na dadaan pala si bitter.”
May mga ibang estudyante na napatigil. Waiting. Watching.

Strings of FateWhere stories live. Discover now