"Si Eli?" "Nasa taas pa yata. Wala pa si Ma’am."
Bumaba na ‘yung boses ni Marga pero rinig ko pa rin ‘yung huling part nang pumasok ako. Parang may delay ang paligid. Pagpasok ko, parang biglang naging mabigat ang hangin.
"Oh, ayun na pala siya."
Pilit kong inangat ang balikat. Pumasok akong parang normal lang. Hinila ko upuan ko, nilabas ang notebook at ballpen, pero ramdam ko pa rin ‘yung siksik na tensyon sa loob. Hindi lang ‘to simpleng pagtingin. May tingin na may laman. Parang ‘yung mga mata nila, naka-highlight ng underline. May tsismis na gustong sumabog pero pinipigil pa.
Naramdaman ko ‘yung sulyap ni Cheska. May sinasabi siya kay Rina habang hawak ang phone. Tapos sabay silang tumingin sa’kin. Nagkunwaring tumawa, pero halata ‘yung pilit. I looked down and started highlighting random lines sa notes ko, kahit kabisado ko na. Kailangan ko lang ng diversion—kahit fake.
Pero kahit wala silang sinasabi sa harap ko, alam kong alam na nila.
------
Pababa kami ng hagdanan, papunta sa kabilang building for Gen Chem. Dikit-dikit ang tropa. Ako, nasa pinakalikod. Tahimik lang. Pero sa bawat hakbang, parang naririnig ko lahat ng hindi dapat.
“Ayaw ko ng ganyang mabilis,” sumbong ni Letty. “Naging sila October, super sweet November. May monthsary pa na may pa-dinner. Tapos December super cozy pa nung year-end party. May pa-necklace with R initial daw. Tapos ngayon, wala na? January pa lang, break na?”
“Grabe nga ‘yun. ‘Di ba may pa-silver necklace si Eli na may star? ‘Yung kwintas na suot niya lagi before? Wala na ngayon.”
“Baka naitapon na niya,” sabat ng isa. “Or baka… tinago. Sayang din, may sentimental value pa naman.”
“Ang sakit ‘no? First official jowa ni Eli, tapos ganyan ending.”
Tumigil ako saglit. Kunyari nag-aayos ng sapatos, pero totoo niyon—naipit ang puso ko.
“Eh, si Rhyler kasi… ngayon nga, laging may kasabay umuwi. Parang may bago na agad.”
“Sino daw?”
“Si Raine. ‘Yung class president nila. STEM 6. Ang ganda nun, ‘no? Sobrang proper pa. Maputi, tahimik, pero friendly. May vibe na hindi mo pwedeng lait-laitin. Matalino rin.”
“Eh ‘di ba mayayaman ‘yung family nila? Parang perfect match kay Rhyler. Pareho silang well-off.”
“Hindi mo rin masisisi si Rhyler kung magka-crush siya dun. I mean… look at her.”
--------
Sa pinakadulo ako umupo. Deadma. Nakatingin sa notes pero wala namang pumapasok sa utak ko. Ang daming bulungan.
“Sure kayo na naging sila?” tanong ni Jeremy habang nagsusulat si Paolo sa board.
“Of course. May monthsary post pa nga eh. Nag-dinner sila sa Tagaytay nung December before Christmas. May candlelight pa. Nakita ko sa IG stories, may flower bouquet and all.”
“Sayang. Tapos ngayon parang strangers. ‘Di na nagkakausap. Wala nang tinginan.”
“Break na talaga sila. Tsismis pa nga, may third party raw. Kay Raine.”
“Grabe. Kaya pala December pa lang, parang nagkakalabuan na.”
“Baka may overlapping. Baka December pa lang, si Raine na kasama niya mag-weekend.”
Mabilis akong napayuko. Parang may sariling life ‘yung kwento namin, pero wala akong part sa pag-edit. Parang script ng ibang tao ang sinusunod nila.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...