January 12 – Sunday
Birthday ni Kathrina. At sa totoo lang, dati pa lang excited na ‘ko sa celebration na ‘to. Isa ‘to sa mga araw na inaabangan naming magkakaibigan — may pa-handaan si Atasha, may videoke, may games, may kwentuhan, at siyempre, may konting alak. Konti lang, para masaya lang. ‘Yun ang usapan.Pero ngayong nandito na ko sa mismong event? Parang wala ako sa lugar. Parang ako lang ‘yung may dalang ulap sa loob ng kwarto. Ako lang ‘yung may bitbit na sakit na hindi kayang lunurin kahit gano karaming Red Horse, Emperador, o San Mig Light pa ‘yan.
9:00 AM pa lang, nag-aayos na kami sa bahay nila Atasha sa Tanza. Birthday celebration ni Kathrina ngayon, pero gaya ng dati, si Atasha pa rin ang taga-host since malaki at kumpleto ang bahay nila para sa ganitong ganap.
“Eliii, hawakan mo nga ‘tong lobo,” sigaw ni Atasha habang nakaluhod sa sahig, inaayos ang backdrop ni Kath. May tarp na “HAPPY 18th, KATHRINA MAY!” sa may terrace, may LED fairy lights na sinabit namin sa gilid, at may pink and gold na balloons scattered all over the floor.
Nag-abot ako ng balloons habang patuloy siyang nagseset-up ng photo wall. Napatingin ako saglit sa sarili kong repleksyon sa glass door ng terrace. Nakasuot ako ng beige na cropped knit top at loose denim pants. Light makeup, konting cheek tint, gloss lang.
Mukha akong okay. Pero hindi.
Napapatingin lang ako sa phone ko paminsan-minsan, kahit alam kong wala namang darating na text. Wala na talagang darating.
---
By 10:30 AM, halos kumpleto na kaming magkakaibigan.
Si Kathrina, syempre, birthday girl. All glammed up in a silky baby pink dress.
Si Mariel, with her short hair and oversized hoodie, as usual.
Si Louise, naka-white corset top na bagay sa maputi niyang balat.
Si Graciel, kalmado lang, naka-polo at jeans.
Si Janice, may hawak nang disposable camera, documenting everything.
Si Athena, naka-cargo pants at halatang ready uminom.
At si Atasha, fresh pa rin kahit nag-ayos buong umaga.Kami na ang pitong haligi ng gulo — the core. My girls.
“Girls! Tanghaling tapat inuman?!” sabay-sabay pa kaming napatingin kay Mariel nang bumulaga si Louise na may hawak nang bote ng gin.
“Alam n’yo naman ‘yan si Kathrina,” sabi ni Janice habang nagsasalin ng ice sa plastic cups. “Gusto niyan lasing tayo bago pa mag-3 PM.”
Nagtawanan sila.
Ako?
Tumawa rin. Pero may bitbit pa rin akong bigat sa dibdib.
---
11:00 AM — nag-umpisa na talaga ang unofficial official inuman. Kahit tirik ang araw, wala sa amin ang nag-alinlangan. May music sa background, chill playlist lang ni Athena. May chips at barbecue sa lamesa.
First round – tagay-tagay lang. Sprite with gin. Konti lang. Para pampagana.
Second round – medyo malakas na. Konting tulak ng chicharon, tawa-tawa sa TikTok video na pinapakita ni Kath.
Third round – ako na ang nagsalin sa baso ko. Tapos inubos. Diretso.
“Uy,” tawag ni Louise, “Eli, chill. Di ka naman usually ganito uminom ah?”
“First time ko nga kayong makitang uminom ng diretso,” dagdag ni Graciel.
Ngumiti lang ako. Mahinang tawa. "Birthday naman ni Kath eh," sabay tagay ulit.
Pero ang totoo? Gusto ko lang… mawala. Kahit sandali.
‘Yung sakit sa dibdib ko, ‘yung bigat, ‘yung puyat kakaiyak… kahit saglit lang, gusto kong malunod ‘yan sa alak.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...