抖阴社区

Chapter 71

2 0 0
                                        

Tuesday – January 14

Alas-siete pa lang ng umaga pero feeling ko parang dalawang exam na agad ang pinagdaanan ko.

Nakaharap ako sa salamin, hawak ang eyebrow pencil pero hindi ko maituloy. Wala naman akong planong mag-ayos ng bongga—pero kailangan ko ng distraction. Isang full-face armor para matakpan 'yung eyebags ko, saka 'yung something heavier sa bigat ng loob ko.

“Normal lang,” bulong ko sa sarili habang dinodrawingan ang kilay. “Act normal lang. Hindi ka broken, hindi ka umiyak buong Sunday. Hindi ka nag-send ng voice message habang umiiyak. Wala kang ginawang kahihiyan. Normal ka lang.”

Kahit alam kong hindi. Kahit sa loob-loob ko, ramdam ko pa rin 'yung sakit.

At higit sa lahat—kahit wala siyang ginagawa, ramdam na ramdam ko ang paglayo niya.

---

Pagpasok ko sa classroom ng STEM 4, nagkagulo ang mga tao. Maingay, as usual. May nag-aagawan ng upuan sa likod, may nag-aayos ng project para sa physics, may nag-uusap about plans sa birthday ng isa naming kaklase.

Naglakad ako papasok, dala ang bag, ang Gatorade, at ang isang baong planong: "ignore mo lang, Eli."

Pero kahit normal ang paligid, kahit parang walang nagbago—ramdam kong iba na.

Wala siya.

Hindi ko naman siya classmate. Hindi naman kami dapat laging magkasama. Pero nasanay na ko na kapag nagkakasalubong kami sa hallway, may konting sulyap. May slight nod. Minsan pa nga may half-smile siya.

Ngayon? Wala. Zero.

At ang mas masakit, hindi lang ‘yung walang sulyap. Yung tipong tinatanggalan ka ng presence—yun ang mas mahirap. Yung dati, ramdam mo kahit nasa kabilang dulo siya ng room, pero ngayon, kahit andiyan siya sa hallway, parang wala siya.

---

“Dumaan siya kanina,” bulong ni Tricia habang naghihintay kami ng prof. “Hindi niya ata napansin si Eli.”

“Napansin niya,” sabat ni Migs. “Hindi lang siya tumingin.”

Tumingin silang dalawa sa akin sabay-sabay. Nagkunwaring wala lang ako. Tinapik ko lang 'yung ID ko, kunwari checking kung buo pa ‘yung strap.

Normal ka lang, Eli.

Pero sa loob-loob ko, nagsisigawan na lahat ng thoughts ko.

"Bakit parang hindi mo na ko kilala? Paano mo nagagawang iwasan ako ng ganito? Di ba kahit friends tayo, bawal kang maging ganito lamig?"

Wala akong sinagot sa kanila. Tahimik lang ako buong math class. Ni hindi ko na pinansin 'yung mga hirit ni Bryce na usually sinasakyan ko.

Wala ako sa mood. Ang ironic, kasi ang lakas maka-hangover ng taong hindi ko naman talaga nakainom nang sabay. Hangover sa feelings. Hangover sa expectations.

---

“Eli!” tawag ni Gia. “Kain tayo sa labas!”

Tumango lang ako. Kumunot noo niya, halatang napansin ang pagka-off ko, pero di na siya nagtanong.

Paglabas namin ng campus, ang ingay nila. Kwentuhan tungkol sa latest sa “Marites Files” ng school. May bagong rumored couple daw sa STEM 5. Si ganito raw, may “textmate” na sa kabilang section. Si sir ganito, nakita raw sa fast food habang may kasamang ibang teacher.

Pero ako? Tahimik lang. Wala akong ambag.

Nagpe-pretend akong may tinitignan sa phone kahit wala naman akong signal. Kinakalkal ko lang 'yung gallery ko, tinititigan ‘yung mga photos from December.

Isa du’n ‘yung picture namin ni Atasha, si Rhyler sa likod. Nakunan lang, candid. Pero alam kong 'yun yung time na tinawanan niya 'yung joke ko kahit lowbat. 'Yung mata niya nakatingin lang sa akin, di siya aware na may nagpi-picture.

Ngayon, hindi ko na maalala kung kailan 'yung last na tumawa siya sa kahit ano'ng sinabi ko.

---

Siksikan. Maingay. Pero walang tunog sa loob ko.

Siya, nakaupo sa kabilang side ng cafeteria. STEM 6 section nila, kabarkada niya sina Caleb at Ronan. Nakita ko siyang nakangiti kay Caleb habang nagkukuwento. Parang walang problema. Parang hindi kami nagkasama sa buhay ng isa’t isa, kahit sandali lang.

Nang magtama ang mata namin, mabilis siyang umiwas.

As in mabilis. Parang bawal. Parang may kasalanan siyang ayaw niyang makita sa mukha ko.

Sabay 'yun sa pagpitik ng puso ko.

Gusto kong isipin na iniwasan niya kasi naiilang lang siya. O baka busy lang. Pero hindi eh.

Naramdaman ko na—ginusto niyang umiwas.

---

Habang pinapaliwanag ni Sir Clemente ang tungkol sa circuit diagram, halos wala akong maintindihan. I was just… present. Physically. Pero utak ko, somewhere sa pagitan ng “anong nagkamali?” at “anong kulang sa akin?”

Pinaikot ko ‘yung pen sa fingers ko habang nakatitig sa papel.

Hindi ko na kailangan ng notes. Ang kailangan ko ay closure.

---

Nakita ko siya ulit.

Sa may guard post, naka-all black. May hawak na tote bag. Nag-aabang ng sundo, mukhang may dadaluhang something. Busy siya sa phone, pero hindi 'yung usual Rhyler-na-nakababad. Yung tipong may kausap, may inaayos.

Gusto kong lumapit.

Pero hindi ko kaya.

So I watched him walk away.

And maybe... maybe this is what it means when someone leaves quietly.

Hindi sila kailangang sumigaw. Hindi nila kailangang magpaalam.

Ramdam mo lang.

At wala kang magagawa kundi lunukin 'yung lungkot at ulitin sa sarili mo:

“Act normal lang.”

Strings of FateWhere stories live. Discover now