If you asked me one week ago kung sino ako sa mata ng mga tao, I’d probably say:
“Walang may pake.”
Pero ngayon?
Now I walk down the hallway like a headline.
Sa bawat hakbang ko papuntang classroom, ramdam ko ‘yung mga mata na sumusunod sa akin. May mga pabulong. May mga tahimik lang pero halata sa tingin. And some — hindi na talaga nagtatago. They look. They whisper. They stare.
Kasi ako na ngayon si ‘ex na sinayang ni Rhyler.’
Yes. That Rhyler.
Yes. That breakup.
Yes. That glow up.
Kakabreak lang namin last week. Wala pang seven full days.
And now? Ang balita? May bago na raw siya. Si Raine — the Class President of STEM 6. Laging nasa unahan. Laging may dalang planner. Laging nakangiti.
Maganda siya. Sure.
Matino, matalino, prim and proper.
Very “pang-public image” si girl.
Pero may tinatagong kulo sa loob.
Kaya nung kumalat na sila ni Rhyler ang madalas magkatabi sa hallways, walang nagulat. Pero ako? Ako ‘yung iniwan.
Ako ‘yung iniwasan. Ako ‘yung ginhost.
And now? Ako ‘yung tinitingnan ng lahat.
Because I showed up this morning not looking broken. Not looking lost.
I showed up glowing.
Buhok? Bagong gupit, bagong kulay. Shoulder length and color of ash brown and silky. Walang sabit. Walang kulot.
Skin? Glass skin level. Salamat sa Watsons haul — toner, serum, moisturizer, sunblock — lahat gumana.
Makeup? Light pero crisp. Rosy cheeks, curled lashes, polished brows, at plump gradient lips na parang soft kiss ng strawberry.
Damit? Body-hugging royal blue spaghetti strap dress — sakto lang sa taas, half above the knee. May white cardigan at white rubber shoes para hindi scandalous but still killer.
Perfume? Powder-fresh with soft floral and a hint of vanilla.
Jewelry? Simpleng necklace galing kay ate, simple pair of pearl earrings, and silver watch.
Pero higit sa lahat, ‘yung aura ko? Confidence.
Para akong may sariling ring light. Para akong dumaan sa soft filter. Para akong character sa mga coming-of-age films na sinimulan sa heartbreak at ngayon, main character na.
Napapalingon sila.
Lalo na ‘yung mga kaklase ni Rhyler.
Lalo na ‘yung mga nag-uupdate sa group chats.
Pagkapasok ko ng building, may ilang boys na literal na nabaling ang leeg. May mga STEM girls na napatigil sa hallway. May nagpicture. May nag-video. Hindi ko na rin alam sino. Basta maya’t maya, may nagvi-vibrate sa phone ko.
Pagdating ko sa classroom, sakto, sinalubong agad ako ni Kaira. Halatang nanginginig sa chika.
“Girl. HINDI KO KINAYA,” bungad niya, hawak-hawak ang phone niya. “Trending ka. As in literal. Sa group chat ng STEM 6, ng STEM 2, pati sa HUMSS may may mga nagsesend ng pic mo kanina!”
Napakurap ako. “Anong pic?”
Pinakita niya — isang candid shot. Kuha ‘to habang naglalakad ako sa hallway kanina. Tamang lakad lang pero mukha akong fashion show model. Ang caption?
> "Ex na sinayang. Level: goddess."
May sunod-sunod na comments:
> “Breakup glow-up is real.”
“Rhyler, why?”
“Raine who?”
May nag-reply pa sa thread:
> “Rhyler's ex? Sayang siya, bro.”
“Mas fierce pa sa campaign ni Raine.”
“Kung ako si Rhyler, magpapaiwan nalang ako sa labas ng gate. ‘Di ko na kayang pumasok knowing what I lost.”
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
