抖阴社区

Chapter 81

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong mas malakas sa’kin ngayon—‘yung kaba sa dibdib ko o ‘yung bigat sa lalamunan ko habang pinipilit kong huwag tumitig sa kanya.

Rhyler.

Hindi ko inaasahan ‘to. Hindi dapat siya andito. Hindi dapat siya kasali sa kahit anong parte ng gabing ‘to. Lalo na’t alam kong hindi na kami okay. Lalo na’t... alam kong may iba na siya.

Ang hirap. Ang hirap pala nung moment na ini-imagine mo dati kung gaano siya magiging proud sa’yo sa debut mo, kung paano ka niya tititigan sa damit na pinili mong isuot, kung paano siya tatawa sa speeches ng friends mo habang hawak mo ‘yung bouquet. Pero ngayon—ngayon na nandito na siya… hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Galit? Oo. Masakit? Sobra. Pero higit sa lahat, nalilito ako. Kasi kahit anong pilit kong iwasan ‘yung titig niya, kahit anong pigil sa sarili ko, alam kong bahagi pa rin ng puso ko ‘yung kumakapit sa alaala namin.

Pero bakit siya nandito?

At bakit parang… wala siyang kasalanan?

He looks exactly how I remember—composed, elegant, mahal tignan kahit simpleng ayos lang. That kind of presence that always made people pause. But now, instead of comfort, it’s chaos. Dahil hindi ko alam kung anong intensyon niya.

Lahat ng tao masaya. Lahat nagchi-cheer. May mga nagbubulungan, nagtatawanan. May nagbibiruan pa:

> “Uy si Rhyler oh, bigla na lang bumalik!”

> “Hindi ba ‘yan ‘yung ex ni Eli? Anong ganap?!”

Pero ako? Gusto kong matunaw. Gusto kong mawala.

Pero hindi ko magawa. Kasi kahit pa anong iwas, kahit ilang beses ko nang pinilit kalimutan siya, eto na naman kami. At ngayong naririnig ko ‘yung pagbukas ng mic, at kita ko kung paano siya nakatingin sa’kin...

May parte sa’kin na natatakot. Natatakot marinig kung anong sasabihin niya. Natatakot sa sakit. Sa totoo. Sa alaala. At sa kung anong puwedeng mabuhay ulit.

Napansin ko agad ang pagbaba ng ilaw, ang biglaang katahimikan sa paligid. Para bang lahat ng usapan, tawanan, at kaluskos ay sabay-sabay na tumigil.

Then, lumabas siya mula sa likod ng stage.

Rhyler.

Wearing all black—pressed, tailored, signature-looking. Polished shoes, his usual silver watch glinting under the fairy lights. His hair neatly styled, pero may mga wisps pa ring bumabagsak sa noo niya. May hawak siyang mic, and with that posture and gaze… para siyang galing sa ibang mundo.

My world stopped. And so did my breathing.

His eyes—those same eyes na dating lumalambot tuwing tinitingnan ako—nakatingin lang sa’kin. Hindi na may galit. Hindi na may lungkot. Just... quiet admiration.

Then he spoke. Low. Calm. Clear. The kind of voice na hindi kailangang sumigaw para marinig ng lahat. ‘Yung tipo ng boses na dinidinig ng puso kahit mahina lang.

“Good day. I know this day is special… but it becomes even more extraordinary because of one person.”

“The woman we’re celebrating today—Eli—is not just turning eighteen. She’s becoming the kind of person people only dream about becoming someday.”

Napalunok ako. Napako ako sa kinatatayuan ko, like my whole body was rooted to the floor.

“Eli is... a masterpiece in motion. She walks like she knows who she is, even if some days she’s still figuring it out. She speaks like every word has meaning, like every sentence she writes could win awards—and sometimes, they really do.”

You've reached the end of published parts.

? Last updated: 4 hours ago ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strings of FateWhere stories live. Discover now