抖阴社区

                                    

Sobrang kinilig ako. ‘Yung mga words niya, parang may hint ng something na special na mangyayari. Tumingin ako sa message at nagtaka kung anong ibig niyang sabihin. Ano kaya ‘yon?

Di ko alam, pero ang saya ko na. I couldn’t wait. And little did I know, he was already planning something that would blow my mind away. Kung anuman ‘yun, sigurado akong unforgettable ang first monthsary namin.

---------

Pagod. ‘Yun ang pinaka-accurate na word para i-describe ang araw ko today. As in literal, parang ang bigat ng katawan ko sa dami ng kailangang tapusin for clearance. Paikot-ikot sa iba’t ibang offices, pila dito, pipirmahan doon. Tapos may mga teachers pang sobrang strict, parang ayaw pa talaga kaming pa-clear.

Kaya nang marinig ko ‘yung ding ng phone ko habang naglalakad palabas ng gate, hindi ko inexpect na manggagaling kay Rhyler.

[Rhyler, 4:48 PM]
“Meet me. Send ko location.”

Napakunot noo ako. Meet me? Akala ko ba susunduin lang niya ako dito sa may main gate ng school? Bakit parang may pa-surprise?

A second later, another message came in.
[Rhyler, 4:49 PM]
“Nandiyan na ako. Sakay ka na. No questions muna. Just trust me, love.”

At ayun na nga. Paglingon ko, nasa harap na ng gate ‘yung sasakyan niya — freshly washed, tinted windows, and when the door opened, doon ko siya nakita sa driver’s seat, naka-all black with his sleeves rolled just enough para makita ‘yung veins sa forearm niya. Putek. Ba’t parang mas pogi siya ngayon?

Umupo ako sa front seat, still catching my breath. “Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko agad, kahit sinabi na niyang no questions.

“Trust me, love,” he simply said, with a small smirk habang tinatapik ang kamay ko na ngayon ay nakapatong na sa console. “Relax ka lang.”

Napatingin ako sa window habang umaandar kami. The sky was starting to turn deep orange, yung tipong golden hour na sobrang aesthetic. Pero napansin ko rin agad — hindi ito ‘yung usual route pauwi. Hindi rin ito papuntang mall, fast food, or kahit school-friendly na hangout spot. So saan nga ba talaga kami pupunta?

“Don’t overthink,” Rhyler murmured habang nagmamaneho. “I got you tonight.”

Kinilabutan ako sa sinabi niya — in a good way. Kasi iba ‘yung tone niya. Calm, sure, boyfriend na boyfriend.

Mga thirty minutes kaming nasa biyahe. Tahimik mostly, pero hindi awkward. Puno ng anticipation. Tapos napansin ko na lang na paliko na kami sa isang upscale na area, parang subdivision pero may mga café, restos, and exclusive-looking places. Then, he parked.

Pagbaba namin, hindi agad ako nakapagsalita.

Nasa harap namin ang isang rooftop-style outdoor restaurant. May warm fairy lights, soft jazz music in the background, and just enough tables to feel intimate, not crowded. The kind of place na hindi mo makikita sa Google kung hindi mo hinanap talaga.

“This place is beautiful,” bulong ko habang naglalakad kami papunta sa reserved area.

“Not more than you,” sagot niya casually. Parang wala lang. Pero grabe, hindi ko na kinaya.

Pagdating namin sa pinaka-dulo, doon ko nakita — a private table for two, may white linens, gold-rimmed plates, at bouquet ng favorite flowers ko. May lemon basil juice na ready sa glass ko. Truffle pasta and pesto pizza. May maliit pang candle sa gitna.

Putek. Pinlano niya talaga ‘to lahat.

“Rhyler…” I whispered, turning to him with wide eyes. “You did all this?”

Strings of FateWhere stories live. Discover now