抖阴社区

                                    

At kitang-kita ang likod ko habang nag-vo-voice message.

Sira na ang buhay ko.

---

8:52 AM – Sa hallway habang break

Tumunog ang phone ko. Message from the GC.

Graciel:

> “PUTA KA. BAKIT TRENDING KA SA FYP KO?” “‘Kala mo marupok ako? Syempre replyan kita, ikaw na yan eh’ — ilabas si ate Eli!!!”

Athena:

> “Yung delivery ng line mo, sis. Emmy-worthy. Naiyak ako pero natawa din ako. LASENGGENG LEGEND.”

Louise:

> “Update: nasa ‘Sad Girl Hours’ playlist na yung voice mo, may nag-remix na ng lo-fi version. Sino ba ‘tong Rhyler na ‘to? PAKILINAW.”


------------

9:17 AM – Sa STEM 6 Hallway

Nagkatinginan kami ni Rhyler habang papalapit siya. Nakasuot siya ng all-black, usual tahimik niyang aura na parang “hindi mo ko maabot” vibes.

Nginitian ko siya. Mahina.

Nag-nod lang siya. Yun lang.

Walang “Hi.” Walang “Okay ka lang?” Walang “Lasengga ka kagabi.”

Wala.

Sumikip lalamunan ko.

Anlakas ko kagabi, pero ngayon, takot na takot ako tumingin sa kanya.


-----------

Nasa dulo ako ng hallway, nakasandal sa wall. Inaantay yung lalaking main character sa problema ko ngayon.

And speaking of…

Narinig ko ang yapak bago ko siya nakita. Steady, tahimik, hindi nagmamadali. Lumingon ako.

Rhyler.

All black pa rin. Jacket, shirt, pants. Parang final boss ng mga past feelings ko.

“Teka lang,” sabi ko habang nilalapitan niya ako. “Wag kang tatayo sa harap ko tapos ganyan ka lang katahimik. Hindi ko kaya.”

Tumigil siya. Tiningnan lang ako. Hands in pockets. Mahinang tango. Walang hi, walang pangungumusta.

“Rhyler,” sabi ko, nilunok ang pride ko, “ano ba talaga ‘yung nangyari satin?”

Tahimik.

“Like… gusto ko lang ng clarity,” I continued. “Kasi kung sa’yo, wala lang ‘yun—fine. Gets ko. Pero ako? Ako ‘yung nagpaiwan sa eksenang hindi ko alam kung kelan matatapos.”

Huminga siya. Deep. ‘Yung tipong pinipili niya muna 'yung words niya.

“Hindi ko naman balak iwan ka nang ganon,” he finally said. “Hindi lang ako marunong umalis ng maayos.”

“Tangina,” bulong ko. “Pang-quote yan sa sad playlist ko.”

He smirked. Konti lang. Pero walang saya. Parang guilty smile na may kasamang regret.

“Bakit ka umalis?” tanong ko. Diretso. “May ginawa ba ako?”

“Wala.”

“Then why?”

Tumahimik ulit siya. Tumingin sa bintana. Parang binibilang muna kung ilang heartbreaks ang kaya ng floor tiles bago niya ako sagutin.

“Eli…” he said slowly. “May nangyari lang. Things got messy.”

Strings of FateWhere stories live. Discover now