抖阴社区

                                    

“Messy?” Tinaas ko kilay ko. “Tayo o ikaw?”

He looked me in the eyes this time. “Ako.”

Natahimik ako. And then I asked it. The name na ayaw ko na sanang marinig pero kailangan ko na ring tapusin.

“Si Raine ba?”

Tahimik siya.

“Putangina,” bulong ko. “Alam ko na.”

Naglakad ako palapit sa kanya, pero hindi galit. Pagod. Disappointed.

“May overlap ba?” tanong ko. “Or ako lang talaga 'yung naging ‘in-between’ phase mo?”

He looked down. That was the answer.

“Sakit mo, Rhyler,” mahina kong sabi. “Kahit tahimik ka, grabe ka sumapak.”

He didn’t move. Hindi rin siya dumipensa. And I hated that he looked like he hated himself more than I hated him.

“Tingin mo ba okay lang na isang ‘sorry’ lang tatayo sa pagitan ng lahat ng ‘what ifs’ natin?” tanong ko.

“I tried to stay away kasi akala ko makakabuti,” he said. “Pero mali ‘yun.”

“Oh my God,” I laughed. “Classic ka talaga. Ang mahal ng image mo, pero ang closure mo—putik.”

---

“Nandito ka,” sabi ko, “pero hindi mo pa rin ako pinipili.”

Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa akin. Parang sinusukat ako. Parang may inner war sa loob niya na ayaw niyang ipakita.

“Eli,” he finally said. “I don’t think I can give you what you want.”

Pak. Parang sinampal ako nang hindi ako nahawakan.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Gusto ko lang naman ng honesty.”

“Exactly,” he said. “Gusto mo ng honesty, so here it is—hindi ko alam kung ikaw pa rin.”

Boom. Sakit. Sobrang sakit.

Parang na-drain lahat ng dugo ko sa katawan.

“Hindi mo alam?” bulong ko. “Kahit pagkatapos ng lahat?”

“I’m sorry,” he said, pero malamig. “I cared about you. I still do. Pero…”

“Pero hindi sapat?” tinulungan ko siya tapusin. “Hindi ako sapat?”

“Eli—”

“Ang dami mong pero, Rhyler,” napangiti ako ng pilit. “Pero bakit sa kanya wala?”

Tahimik siya.

“Bakit kay Raine hindi mo kailangan ng clarity? Bakit sa akin lang?”

“Hindi si Raine ‘to,” he snapped. “Ikaw ‘to. Tayo ‘to. At kung akala mong may something pa kami—”

“Hindi ko kailangan akalain,” I cut him off. “Nakita ko na. Naramdaman ko na. Na kahit hawak mo kamay ko, hawak ka pa rin ng alaala niya.”

Napalunok siya.

“I’m not ready to be what you need,” he whispered.

“Then bakit ka bumalik?” I asked. “Para ano? Para i-confirm mong tama akong mag-move on?”

Tiningnan niya ako. Mahabang titig na parang gusto niya akong lapitan—but he didn’t. He just stood there, arms crossed, eyes tired.

“Akala ko kaya ko pa,” he said. “Akala ko kaya kong bumalik. Pero nung nakita kita...”

Strings of FateWhere stories live. Discover now