“Hindi ko kaya ‘yung ganito. Hindi ako okay sa parang meron, pero wala. Hindi ako built para sa mga bagay na malabo.”
Finally, tumingin siya sa’kin. Doon ko lang ulit nakita ‘yung familiar look sa mata niya—yung parang nasasaktan pero pinipigilan, yung parang gustong sabihin something pero may pumipigil.
“I thought klaro na sa’yo,” he finally said. “I thought nararamdaman mo naman.”
“Ramdam ko, oo. Pero hindi sapat ‘yung ‘ramdam lang’, Rhy. Hindi ako pwedeng umasa sa nararamdaman lang kung walang salita, kung walang label, kung walang totoo.”
Tumahimik ulit siya. Umiling.
“I’m sorry,” bulong niya. “Hindi pa ako ready.”
At doon na ako napaatras ng isang hakbang.
Hindi dahil galit ako.
Pero dahil nasaktan ako.
Napakagat ako sa labi ko, pinigilan ko ‘yung luha sa mata ko.
Tumango na lang ako. “Okay.”
Tapos ako na ang tumalikod. Ako na ‘yung naglakad palayo. Ako na ‘yung hindi na lumingon.
Kasi kung hindi siya ready, dapat ako na ang maging ready—na huwag umasa.
Pagpasok ko sa classroom, wala akong imik. Tinanggap ko lang ‘yung upuan ko, tinanggap ‘yung silence, at tinanggap ‘yung katotohanang kahit gaano pa niya ako alagaan at pahalagahan, kung hindi naman niya kayang panindigan…
Then maybe it was never meant to go past that sweet “almost.”
And maybe, just maybe… I deserve more than almost.
Pagkatapos ng isang linggong puro gala, tawanan, at halos araw-araw na landian ni Rhyler, napansin kong nag-iiba na ang mga tingin sa’min ng ibang tao. Lalo na sa hallway. May mga kaklase kaming biglang napapahinto kapag magkasabay kaming dumaan. Minsan, nagkakatinginan. Minsan, obvious ‘yung bulungan.
Hindi ko alam kung ako lang, pero parang may binubuo silang kwento na hindi ko pa alam ang ending.
Papasok kami sa building nang bigla akong hinila ni Rhyler palayo sa pila. Pinatong niya ‘yung kamay niya sa ulunan ko, pinrotektahan ako sa ilalim ng init.
“Wag ka na tumayo d’yan. Mainit. Halika dito,” sabi niya, sabay hawak sa bag ko—na as usual, siya na ‘yung nagbibitbit.
Napansin ko agad na may nakatingin sa amin. Mga girls from other section. ‘Yung isa pa nga, parang kinilig? Another one whispered something to her friend.
“Rhy, baka masyado na tayong obvious,” bulong ko sa kanya habang nakatayo kami sa lilim.
Ngumisi siya. “Obvious saan?”
“Alam mo na…”
“Na sobrang bait ko sa’yo?”
“Rhyler…”
Tumingin siya sa akin. ‘Yung tingin na parang alam niya kung saan patungo ‘yung utak ko, pero pinipili niyang hindi seryosohin.
“Hayaan mo silang isipin kung anong gusto nila. Basta ako, I’m just being me around you.”
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no’n. Pero habang nakatayo kami sa gilid ng building, habang ‘yung hangin ay naglalaro sa buhok ko at ‘yung mga mata niya ay parang hindi kayang mag-focus kahit saan maliban sa’kin—napaisip ako.
If this isn’t something, then what is?
May kakaibang tahimik sa pagitan namin habang naglalakad kami palabas ng gate. Late dismissal na naman, kaya hindi na ganon kadami ang estudyante. Wala na ring masyadong mata na nakatingin. Pero kahit wala nang audience, hindi pa rin nawawala ‘yung subtle gestures niya—‘yung hawak niya sa bag ko, ‘yung automatic na paglalagay ng kamay niya sa likod ko kapag tumatawid kami, at ‘yung pag-check kung malamig o mainit pa ba ang bote ng tubig ko.
“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong niya bigla.
Nagulat ako. “Ngayon?”
Tumango siya habang tinatap ng daliri ‘yung phone niya. “Nag-order na ko. Malapit lang naman, pick up nalang natin.”
Umiling ako pero napangiti. “Ang bilis mo talaga mag-move. Kanina lang sinabi kong gusto ko ng something cold.”
“Hindi mo kailangan magsabi minsan. Alam ko na.” Tiningnan niya ako sandali. “Mas masaya ako kapag okay ka.”
Mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ba hindi mahulog sa ganon.
Pagdating namin sa tapat ng gate, bumusina ‘yung kotse niya. Siya na ulit ang maghahatid. Walang bago. Pero sa bawat biyahe, parang may nababago.
Tahimik lang ako sa passenger seat. Inabot niya ‘yung milk tea. May maliit na sticky note sa gilid ng cup.
“Solene’s go-to milk tea. Always.” – RJD
Napangiti ako kahit pilit kong iwasan. Hindi ko mapigilan. Umiling ako habang hinihigop ‘yung unang sip. Tama ‘yung order niya. Like, spot on. Tama ang sugar level, tama ang pearls. As in, alam niya.
“Masarap?” tanong niya habang naka-focus sa daan.
“Perfect,” sabi ko.
Tumango siya. “Good.”
Napahawak ako sa bote ng tubig ko. Hindi ko alam kung saan ako mas naiinitan—sa hangin sa labas, o sa presensya niya.
Tahimik kaming dalawa hanggang makarating sa kanto ng street namin. Pero bago pa ako makababa, tinawag niya ako.
“Solene."
Lumingon ako.
“May tatanungin sana ako…” he hesitated for a second, then shook his head. “Never mind. Baka hindi pa tamang timing.”
“Sabihin mo na,” I said, trying to sound casual.
Pero ngumiti lang siya. ‘Yung ngiting hindi ko alam kung nakakainis ba or nakakakilig.
“Soon,” he said softly. “Kapag sigurado na ko.”
And just like that, he reached over to fix a loose strand of my hair, gently tucking it behind my ear. Soft. Controlled. Gentle. Pero ‘yung kilig, wala nang control.
Nasa loob na ako ng bahay pero ‘yung puso ko naiwan pa rin sa passenger seat ng kotse niya.
Kaya ko pa bang maging “just friends” sa ganitong setup?
Kasi kung ganito kami palagi… baka kasi mas mahulog na ako lalo.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
Chapter 35
Start from the beginning