抖阴社区

Chapter 84

0 0 0
                                    

Gabi na. Ang mga ilaw ng field, naka-dim na lang. Yung stage sa gilid, bakas pa ang mga kalat mula sa surprise. May mga natirang confetti sa damuhan, may ilang balloons na half-deflated. Ang lamig ng hangin, pero hindi siya nakakakalmang lamig—parang lamig na may kasamang tensyon. Parang hangin na may tanong: Patawarin mo ba siya?

Nasa ilalim kami ng malaking puno sa gilid ng campus. Tahimik. Ako, nakatayo. Si Rhyler… nakaupo sa bench, saglit lang, pero maya-maya…

Lumuhod siya.

As in, literal na lumuhod sa damuhan.

"Rhyler?" awtomatikong tawag ko, ‘di ko alam kung gulat o takot ‘yung tono ng boses ko.

Pero ‘di siya sumagot agad. Pinikit niya yung mga mata niya, huminga ng malalim. Yung parang lalaban siya kahit ubohin siya ng luha.

"Please, Eli," mahina niyang bulong. "Kung may natitira pa. Kahit konti. Kahit butil lang... please. Mahalin mo ulit ako."

Doon ako natigilan.

Tinignan ko siya. Yung dating palaging composed, palaging tahimik, palaging 'expensive' na Rhyler… ngayon, nakaluhod sa lupa. Nakatingala sa akin. Yung mga mata niya, basang-basa, hindi dahil sa ulan. Wala namang ulan. Luha niya ‘yon. Totoo.

"Hindi mo pwedeng ayusin lahat lang in one night, Rhyler," mahina kong sabi.

"Alam ko," sagot niya agad. "Alam kong hindi sapat ‘to. Hindi sapat ‘yung effort, yung paliwanag, yung surprise—hindi ‘to magic fix. Pero wala na akong ibang gustong gawin kundi patunayan sa’yo, araw-araw kung kailangan, na sa’yo lang ako. Ikaw lang, Eli."

Ramdam ko yung tibok ng puso ko. Hindi dahil kinikilig. Hindi dahil galit. Halo-halo.

"Pinaglaruan mo ‘ko."

"Sinaktan kita."

"Pinagdudahan kita."

"At ako ang may kasalanan."

Humigpit ang hawak niya sa damo. Hindi pa rin siya tumatayo. Hindi niya ako tinitingnan na parang naghihintay ng sagot—tinitingnan niya ako na parang handa siyang tanggapin kahit hindi ko siya piliin ulit.

"Kung kailangan ko ulit dumaan sa lahat ng stages ng panliligaw, gagawin ko. Kung kailangan ko ulit patunayan sarili ko sa ‘yo, sa mga kaibigan mo, sa buong mundo—wala akong pake. Basta ikaw ‘yung dulo ko."

Hinawakan niya ang isa kong kamay. Hindi pilit. Hindi sapilitan.

"Please… kung pwede pa akong magmahal sa’yo, kahit ulit, kahit paunti-unti... pahintulutan mo lang ‘ko. Magsisimula ulit ako, Eli. Hindi bilang ‘yung Rhyler na nagkulang, kundi ‘yung Rhyler na handang lumaban kahit ilang ulit mo pa akong itulak palayo."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung dahil nanlalambot ako sa sinasabi niya, o dahil tinatamaan ako sa lalim ng paghingi niya ng tawad.

Tahimik lang kami saglit. Hanggang sa...

"Babalik pa ba ako sa puso mo?"

Ang tanong na ‘yon, parang suntok sa dibdib. Hindi siya makulit. Hindi siya demanding. Pero puno ng pag-asang halos durog.

Tumingin ako sa kanya. Sa lalaking sobrang mahal ko. Sa lalaking muntik ko nang iwanan nang tuluyan. Sa lalaking, kahit anong sakit ang dinulot, siya pa rin ang kinakapitan ng puso ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto lang ‘yung lumipas, pero para sa akin, parang tumigil yung oras.

Nandito pa rin kami sa school grounds, sa ilalim ng punong kanina lang ay naging saksi ng bawat paliwanag ni Rhyler. Ilang ilaw na lang ang bukas sa paligid. Tahimik. Malamig. Pero ang lakas ng ingay sa dibdib ko.

Strings of FateWhere stories live. Discover now