“Eli,” marahan ang boses ni Rhyler habang binibitawan ang isa sa pinaka-shocking na revelations ng gabing ‘to. “Yung buong STEM 2 at STEM 4… kasabwat ko sila.”“Ha?!” napabangon ako ng konti mula sa pagkakaupo. “Anong ibig mong sabihin?!”
Tumango siya. “Lahat sila—kasama sa plano. Halos lahat ng kaklase mo, and kay Atasha. Since December pa, involved na sila.”
“P-paano mo sila napapayag?”
“Mahaba-habang proseso,” tawa niya, pero kita sa mukha niya ‘yung pagod at relief habang kinukuwento niya. “Nag-start ‘to nung December 29. Christmas break. That was our first unofficial meeting. Wala pa masyadong details nun, pero sinabi ko na na I want to give you the most unforgettable birthday ever.”
“E paano naman sina—” Naputol ang tanong ko.
Napangiti si Rhyler. “I know what you’re thinking. Sina Kathrina, Mariel, Athena, Janice, Louise, tsaka Graciel, right?”
Tumango ako. “Oo! E nasa ibang school sila, Rhyler.”
“Sila nga ang mas grabe.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Hindi ko in-expect na tutulong sila, but noong January 12, after ng nangyari sa birthday ni Kathrina—’yung time na sobrang lasing ka na—tinawagan ko silang lahat. Isa-isa kong in-explain ang plano.”
Napakapit ako sa dibdib ko. That day was such a blur, but now, it’s making more sense.
“At alam mo kung anong sagot nila?” tanong niya, nakatitig sa’kin.
“Anong sabi nila?”
“’Kung para kay Eli ‘yan, game kami.’ Walang tanong-tanong. Wala silang hinihinging kapalit.”
Napatakip ako sa bibig ko.
Rhyler smiled, then continued explaining everything, patiently, sincerely:
Si Lianne at iba pang officers sa klase mo, sila ang in-charge sa schedule ng on-site setup, attendance ng mga kaklase mo during dry run ng event, and ‘yung pagpili ng mga kaklaseng pwede i-distract ka habang may gumagalaw behind the scenes.
May mga assigned sa ilaw, backdrop, camera angles—lahat sinet up habang iniisip kung paano hindi ka mahahalata.
May tatlong volunteers na naglibot para mag-imbita ng ibang friends mo sa ibang sections, even sa Junior High.
Atasha, obviously, was the chief handler sa buong section. Siya ‘yung taga-paliwanag ng plano, and siya rin ang constant na ka-text ko kung meron akong kailangan.
‘Yung boys sa STEM 2—like Nathan, Franco, and Jio—nagpanggap pa na may club project para makalusot sa pagbi-build ng stage setup tuwing Friday.
Ilang girls sa class nila ang gumawa ng mini photo wall props at ‘yung mga hand-painted signage na may quotes about fate—lahat yun, custom-made para lang sa birthday mo.
Kahit na may kanya-kanyang schedules, lahat sila nagpa-block ng weekends para tumulong virtually.
Si Mariel at Louise ang gumawa ng digital design ng invites, backdrop, and animated birthday visuals na ipinakita sa screen.
Si Graciel ang sumulat ng script para sa video tribute. Siya rin ang nagsulat ng narration ni Rhyler sa last part ng video.
Si Athena at Janice ang naghahanap ng caterers na within budget pero Instagrammable ang food presentation. Nagpa-reserve sila remotely.
Si Kathrina, kahit bagong galing sa sariling birthday niya, volunteered to track expenses and contact all the vendors. Siya ‘yung pinaka-organized sa lahat.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...