抖阴社区

                                    

Nung nakita niya ako, ano?

“Anong ‘pero’ ulit, Rhyler?” I said, voice cracking. “Natakot ka kasi mahal mo pa rin ako, o natakot ka kasi hindi mo na ako mahal?”

He looked away.

Tapos ang sakit ay sumagad.

“Piliin mo na lang siya,” I whispered. “Kasi kahit anong gawin ko, ako lang ‘yung laging naghihintay.”

I turned around. Hindi na ako tumingin pa.

Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko siyang bumulong—

“Hindi kita hinihinging intindihin.”

At doon ako tuluyang nabasag.

--------

Dito ako tumakbo.

Kahit walang planong takbuhan, dito ako dinala ng mga paa ko. Sa pinakatagong spot ng campus na kahit tricycle driver maliligaw bago makahanap.

Huminga ako. Malalim. Pilit.

Pero kahit ilang hinga, hindi mabunot ‘yung sakit sa dibdib ko. Parang may nakabara. Parang may iniwang tinik si Rhyler na hindi ko alam kung kailan pa pwedeng hugutin.

“Hindi ko alam kung ikaw pa rin.”
“Hindi ko kayang ibigay ‘yung kailangan mo.”
“Hindi kita hinihinging intindihin.”

Para siyang nag-iwan ng lason sa bawat salita niya. At ako? Ako ‘yung uminom nun nang buong-buo.

Napapikit ako. Pinilit kong pigilan. Pero kahit anong pilit...

Tumulo pa rin.

Isa. Dalawa. Sunod-sunod na.

Tahimik lang ako umiiyak. Sa sulok na ‘to. Sa sulok kung saan hindi niya ako makikita. Hindi niya ako kailangang marinig.

Kasi pagod na ‘kong intindihin siya.

Ngunit sa totoo lang, kahit ilang beses niya akong itulak… gusto ko pa ring bumalik.

“Eli,” tawag ni Atasha, mahina, halos pabulong.

Hindi ako sumagot.

Lumapit siya. Umupo sa tabi ko.

“Saan mo siya huling nakita?” tanong niya, kahit alam kong alam na niya ang sagot.

“Sa hallway. Sa dati naming tagpuan. Pero hindi na siya ‘yung dati kong kasama.”

Tahimik siya.

Hinayaan niya lang akong magsalita habang pinupunasan ko ang luha ko gamit ang manggas ng uniform ko.

“Mahal ko pa rin siya,” bulong ko.

Hinawakan ni Atasha ang kamay ko.

“Pero hindi ako ‘yung mahal niya. O kung mahal man niya ako, hindi sapat para piliin ako. Hindi sapat para panindigan ako. Hindi sapat para masaktan din siya gaya ng sakit na binigay niya.”

Sumandal ako sa balikat niya.

“Ayoko na, Atasha. Ayoko na siyang mahalin.”

Pero sabay nun, umiiyak na naman ako.

Atasha didn’t say anything. Hindi siya nagbigay ng payo. Hindi siya nag-suggest ng rebound, ng self-love arc, ng "you deserve better."

She just stayed.

Kasi alam niya, walang tamang salita sa moment na ‘to. Minsan, kailangan mo lang ng kasama habang binibitawan mo ‘yung taong hindi ka kayang hawakan.


-------

Tuesday, January 14 – 7:13 AM – STEM 4 Classroom

"Good morning, Eli!" bati ni Andrea.

Ngumiti ako. Mahina. Pero sapat para matawag na okay.

"Uy, ang fresh mo ngayon ah," sabat ni Jayvee. "Dati lasing ka, ngayon lasing pa rin ba—sa feelings?"

Tawa sila.

Ako, ngumiti lang ulit.

Dapat masaya. Dapat normal. Dapat hindi halata.

But under the surface, nag-uunahan ang tibok ng puso ko at ang sikip sa dibdib.

Napansin ni Zee na tahimik ako habang kumakain ng pandesal. "Hey, okay ka lang?"

"Oo naman," sabay kagat. "Inaantok lang."

Lagi naman akong may excuse, diba? Antok. Gutom. Pagod.

Pero totoo, ang bigat lang talaga sa loob. Hanggang ngayon.

---

8:32 AM – STEM Hallway (Panandaliang impyerno)

Naglalakad kami ni Atasha. Papunta sana sa canteen. Tahimik lang ako, pero si Atasha? Alert. Parang may hinahanap.

"Hoy," bulong niya. "Nandiyan si Rhyler."

Hindi ko tiningnan.

"Hindi siya tumitingin sa'yo," dagdag pa niya.

Sakit.

Kasi bakit ako, kahit isang linggo na 'tong kalbaryo, siya pa rin ‘yung una kong hinahanap sa hallway?

Pagka-turn namin sa kantong papunta sa canteen, doon ko sila narinig. Yung mga boys na taga-STEM 6.

“Teka, si Raine ba ‘yung sumama sa kanya kahapon?”

“Hindi ko sure eh, pero nakita ko sila sa Starbucks kahapon—may dala pa silang drinks, ‘yung parehas na order. I mean... baka friendly lang?”

“Hah! Si Rhyler ba, friendly? Choice lang niya kausap eh!”

BOOM.

Yung utak ko, nag-shutdown ng one second.

Kahapon? Starbucks? Si Raine?

Siya ba ‘yung pinuntahan niya pagkatapos akong iwan sa hallway?

Napatingin ako kay Atasha. Halatang narinig niya rin. Pero hindi siya nagsalita.

Ako na ‘yung tumigil sa lakad.

"Okay ka lang?" tanong niya agad.

"Oo," sabi ko.

Sinungaling.

---

10:47 AM – Sa Rooftop, After Recess

"Nakakatawa, no?" sabi ko habang nakatingin sa view.

“Anong nakakatawa?” tanong ni Atasha.

"Yung habang ako, umiiyak sa ilalim ng bleachers, siya pala... nasa Starbucks. With her."

Tahimik si Atasha.

"Hindi ko sinisisi si Raine," dugtong ko agad. "Hindi niya kasalanan kung siya ang pinili. Pero... sana man lang, hindi siya agad."

Sana man lang... hindi ako pinalitan habang umiiyak pa ko.

---

Pauwi na dapat kami ni Atasha nung nakita ko siya. Si Rhyler.

May hawak siyang cold brew. Wala si Raine, pero may kakaiba sa lakad niya—mas mabilis, mas tahimik.

Nagkasalubong kami ng tingin.

Panandalian lang.

Pero sapat na para muling manlamig ang sikmura ko.

Walang ngiti. Walang galaw. Wala siyang kahit anong emosyon sa mukha.

Pero ako?

Ako ‘yung iniwan sa hallway.

Ako ‘yung iniwan sa tanong.

Ako ‘yung hindi niya piniling hawakan sa gitna ng lahat.

Strings of FateWhere stories live. Discover now