-----
Sa kabila ng ingay, rinig ko ang mga fragmented phrases na tinatahi sa pangalan namin ni Rhyler.
“Grabe, ang bilis ng cycle. October naging sila. November sweet. December medyo tahimik. Tapos January… boom.”
“Pati pala Christmas gift, mahal. Kwintas na may R. Tapos ngayon, parang hindi na sila magkakilala.”
“Ang sakit kaya. ‘Di ba kasama pa sila nung year-end party? Halos hindi mapaghiwalay. Tapos ngayon, as in hindi na nagpapansinan.”
“Tangina. Sa ganitong school lang talaga mabilis magka-love life, mabilis din mawala.”
Napatingin ako kay Rhyler. Tahimik siya. Earphones. Nakapikit. Pero hindi ko maramdaman ‘yung dating presence niya. Yung dating kami. Parang iba na. May space na hindi kayang punan ng kahit anong dahilan.
------
“Nakarating na sa amin,” bungad ni Atasha habang iniikot ‘yung straw ng kanyang iced tea.
“Ano?”
“Yung break-up.”
Hindi ko alam kung natatawa ako o nasasaktan. Parang pareho.
“‘Break-up?’ Ganda. Para bang official na headline. Parang hindi lang kami—kundi buong mundo ang involved.”
“Kasi naging kayo, Eli. October kayo naging official. Remember? Sinorpresa ka pa niya ng bouquet after school. Tapos ‘yung first monthsary niyo? Ang daming kinilig.”
Tahimik ako.
“At dahil naging kayo… mas ramdam ng lahat ‘yung ending. Kasi alam nila, totoo. Hindi lang crush. Hindi lang MU. Jowa mo siya.”
Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yon.
“At ngayon, ang tsismis, pinagpalit ka raw sa classmate. May third party. Si Raine. Andaming beses daw silang nakikitang magkasama. Umuuwi, weekend hangouts. Confirmed daw. And alam mo, masakit man, pero hindi nila ma-blame si Rhyler.”
“Bakit?”
“Kasi si Raine… ideal. Sa mata ng iba. ‘Yung tipong kahit ikaw, hindi mo kayang i-disagree. Kahit nasasaktan ka.”
-------
May nakasalubong kaming grupo ng juniors. Nagtatawanan. Isang girl ang napatingin sa’kin. Binulungan ‘yung kasama niya. Lumingon ulit sa likod ko.
Paglingon ko—nandoon si Rhyler. Paakyat. May ka-text. Nakangiti.
At sa gilid niya… si Raine.
Tahimik silang naglalakad. Hindi magkadikit, pero sakto ang pacing. Hindi nag-uusap, pero parang hindi kailangan.
Parang ako na lang ang hindi belong.
------
“Break na raw talaga,” rinig ko kay Cheska. “Confirmed sa STEM 6. Kahit advisor nila, napansin na raw.”
“Grabe. Parang teleserye. First monthsary, romantic date. Christmas, matching gifts. Year-end party, couple vibes. Tapos ngayon, literal na strangers.”
“January pa lang, unang casualties ng love month.”
“Pero si Rhyler, mukhang naka-move on agad. Si Eli, parang… tahimik. Pero lutang.”
“Baka may STEM 3 guy si Eli. Para patas.”
Hindi ako nakatawa. Hindi rin ako nakareact. Kasi totoo—lutang nga ako.
-----
Naglalakad ako mag-isa. Mabagal. Papuntang gate. Lahat ng ingay sa paligid, parang nasa loob ng utak ko. Umiikot. Sumisigaw. Nag-uumpugang facts at chismis.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
Chapter 72
Start from the beginning