Mainit. Maingay. Mabigat ‘yung hangin sa loob ng covered court kahit na bukas ang lahat ng pinto at may nag-iikot na industrial fans sa gilid. Second day ng intrams, at kahit pa ubos na ang boses ko sa kakasigaw kaninang umaga sa volleyball match namin, pinilit ko pa ring sumabay ngayon sa ingay ng mga estudyante’t taga-suporta na halos mapuno na ang bleachers.
“Let’s go, Team Gray!” sigaw ni Leira, isa sa mga middle blocker namin, habang karga pa niya ‘yung bag naming puno ng jersey at extra warmers.
Kakagaling lang namin sa panalo ng women's volleyball—semis. Pawisan pa ‘yung likod ng tuhod ko kahit naka-joggers na ako. ‘Di ko pa nararamdaman ‘yung pagod kasi halos lahat kami, nagmamadali bumaba sa court para makakuha ng magandang pwesto.
“Dun tayo sa dulo,” hila sa’kin ni Kaye habang bitbit ‘yung tubig na binili pa namin kanina sa canteen. “May shade dun, tapos kita lahat.”
Umupo kami sa second row ng bleachers, sakto sa gilid kung saan dapat papasok mamaya ang basketball team. Medyo puno na, mostly mga taga-STEM sections din ‘to, pati ilang lower grade students na mukhang pinayagan manood ng live game.
Mabilis ko pang inadjust ‘yung upo ko, pinatong ‘yung siko sa tuhod habang pinupunasan ng towel ang leeg ko. May ilang taong lumapit para makipag-fist bump, mostly other varsity players or friends ng mga teammates ko. Typical intrams energy—lahat hype, lahat pawis, lahat competitive.
Tumingin ako sa oras. 3:45 PM.
“Wala pa sila?” tanong ko habang sinisilip ‘yung gilid ng court kung saan madalas lumalabas ang mga players before the game starts.
“Wala pa,” sagot ni Kaye. “Pero ‘yung host kanina sabi five minutes na lang, lineup na.”
Sumilip ako ulit sa gilid. Doon pa lang nagsisimulang maglakad ang ilang organizers para i-set up ‘yung court—referees, table committee, at ‘yung school hosts na suot pa ‘yung intrams ID lace. May isa pa ngang dalang mic na bumibirit ng “We will, we will rock you” sa background habang nagpa-play ‘yung audio sa speakers.
Isa-isang nagsulputan ‘yung basketball team ng Team Gray sa kabilang gilid ng court, suot ang puting jersey na may gray details sa gilid. “GRY” nakasulat sa harap, with bold numbers sa likod. Kilala ko karamihan sa kanila—mga kaklase o schoolmates sa STEM 4. Lumapit sila sa gilid ng court at nag-start mag-shooting drills habang nagsasagutan ‘yung mga supporters nila mula sa bleachers.
“Eli, hindi ka ba magchi-cheer sa kanila?” tanong ni Leira sabay kindat.
Umiling lang ako, sabay pigil ng ngiti. “Solid support naman ako sa Team Gray... pero hindi sa game na ‘to.”
“Grabe ka, traitor ka talaga,” sabay tawa nila.
‘Di ko na lang sila sinagot. Tumibok lang nang mas mabilis ‘yung puso ko nang marinig kong may sumisigaw mula sa kabilang entrance.
Team Maroon.
Sa gilid ng court, nakita ko isa-isa silang lumalabas. Kulay maroon ‘yung jersey nila, may gold lettering. Matatangkad. Matitipuno. Confident.
At nang lumitaw ‘yung huling lalaki sa likod nila—hawak ang jersey sa balikat, pawis na ang buhok kahit hindi pa nagsisimula ‘yung laro—doon na ako natigilan.
Rhyler.
Hindi ko alam kung sadya ba niya akong hinanap sa crowd pero nang mag-lock ‘yung paningin namin, parang automatic na gumaan ‘yung balikat ko.
Nagtaas siya ng kilay.
Tapos ngumiti.
Hindi ‘yung tipid na ngiti, kundi ‘yung may bahid ng pagod pero may halong excitement—‘yung klase ng ngiti na parang sinasabi, “Nandito ka. Buti na lang.”

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...