Ellaine
NAPAKUNOT ang noo ko at sinunod ko nga ang sinabi niya at nag-check ako ng phone.
One message kay Kuya.
Ellaine, susunduin ka ni Zander. I have a lot of things to do, siya lang ang may free time kaya siya ang inutusan ko. Mahirap siyang papayagin kaya behave ka lang.
"Finished." Napatingin ako sa kaniya. "Go to that freaking ducati and I'll give you a ride," sabi nito sabay turo sa ducati niya. "As if it will start while you are staring."
Tumingin ako kay Zander at tinitigan siya. Pagkatapos noon, tumakbo ako papunta sa kaniya sabay niyakap.
"I-I'm scared," I said. "Takot akong umuwing mag-isa, and I am thankful that you're here. Please, don't leave me."
"Don't cry," he said while tapping my back. "You look awful."
"Alam ko," sabi ko sabay kinurot siya sa likod. Hindi naman siya uminda, pero alam kong masakit iyon. "Sumosobra na ang katabilan ng bibig mo!" bulyaw ko. "Okay! Fine! Sasakay na nga ako . . ." Lumapit ako sa ducati niya at sinamaan siya ng tingin. ". . . makapagsabi naman 'to ng dummy. Hoy Mister Cortez, don't mess up with me. Babatukan talaga kita kapag 'di ako makapagtimpi!" sabi ko. Bago ako sumakay, nagpunas muna ako ng luha, sabay sumakay na ako sa ducati niya.
Binigyan niya pa ako ng helmet at sinuot ko naman kaagad, sabay sumakay na rin siya at ini-start ang motor niya.
Hahawak pa lamang ako sa likod ng motor niya nang bigla itong magsalita.
"Hold on." Ipinaandar niya ang motor ng napakabilis kaya naman bigla akong napayakap sa bewang niya.Halos habulin ko ang aking hininga dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng motor.
"Ang bilis mo namang magpatakbo Zander! Ang akala mo nama'y walang tao sa likuran mo!" pagrereklamo ko sa kaniya. Kaya naman napatigil siya sa pagpapatakbo ng motor niya.
"I know."
"Alam mo naman pala eh! Saka minsan magtagalog ka ah?" pag-request ko. "Kasi alam mo naman, nasa Pilipinas tayo kaya dapat . . ."
"Why don't you apply it to yourself first?" suhestiyon nito sa akin. Sa inis ko'y kinurot ko muli siya at sa tagiliran ko siya dinali.
Hindi siya nag-react sa halip ay nagpaandar na muli siya ng motor at sa pagkakataong ito, mabagal-bagal na.
Bigla ko tuloy na-miss 'yung endearment niyang honey or love. Hindi sa gusto ko 'yon, pero parang gusto kong itawag niya sa akin iyon at hindi na 'yung dummy or minsan ay dummy girl.
Alam kong boba ako, pero coming from his mouth, it sounds sarcastic. Tinagurian lamang siyang matalino, ganiyan na siya magsalita.
Sa totoo lang mabait naman siya kapag tulog at talagang nakakatakot ang boses niyang ubod ng malamig. Isa pa, lagi niya akong binubully, sa pamamagitan ng pambabara sa akin. Minsan ko nga lamang siyang makitang tumawa or ngumiti man lang siguro sa tuwing inaasar ako, hayun lang siguro, pero kadalasan palagi siyang seryoso at parang malamin ang iniisip.
"Now, we are already here so you can now . . ." Sabay turo sa kamay kong nakayakap pa rin sa kaniya.
Bigla akong napabitaw at namula ang pisngi. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?
Bumaba na ako sa ducati nya sabay nagtanong sa kaniya. "Gusto mong pumasok?"
Napatingin ako sa relo ko and it's already 6:00 pm at makulimlim pa ang langit. Mukhang wala siyang balak magpayong o sumilong man lang.
Kahit papaano naisip ko pa rin ang kapakanan niya kasi siyempre kargo de konsenya ko 'yon. Siya na nga ang naghatid sa akin, siya pa ang magkakasakit.
"Uulan na! Hindi ka pa rin naimik," sabi ko.
"You worry?" he suddenly asked.
Kaya naging seryoso ang titig ko sa kaniya. "Siyempre uulan na kaya! Baka mamaya, magkasakit ka! E 'di kung ayaw mong pumasok, pwes wala akong magagawa do'n. Kailangan mo ba ng payong? Heto mayroon ako." Ilalabas ko sana ang payong ko, pero pinigilan niya ako.
"I can handle myself, honey."
Bigla akong namula noong binanggit niya ang endearment niyang iyon. Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya sa 'kin.
"W-Wait . . ." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin, sabay niyakap ko siya ng mahigpit. "Maraming salamat. Mag-iingat ka palagi," sabi ko sabay kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya at siya nama'y nagpatuloy sa paglalakad.
Inintay ko na lang siyang umalis saka nagdoorbell.
I couldn't help but to smile for no reason or maybe because of him. Nabawasan na rin ang pagkainis ko sa kaniya dahil sinundo niya ako. Alam kong favor iyon ni Kuya, pero iba kasi 'yung pakiramdam na pumayag siya para sunduin ako.
I know to myself that I hate him because of what happened before. But acting like a Knight in Shining Armor today makes my heart fluttered at isa sa naging rason para hindi ko siya i-hate ngayon.
Bigla na lang sumagi sa isipan ko 'yung lalaking naka-black hood kanina sa may music room. Ang ibig sabihin no'n, nasa campus lang siya at kaya pala alam niya ang lahat ng ginagawa ko.
It sounds creepy, but I don't know. My intuition says that I should trust him, even though he is hiding in the dark.
Sino kaya siya?
Sana makita ko siya para personal na mapasalamatan siya.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...