抖阴社区

HATE ? SIXTY-FOUR

246 76 0
                                    

Kaizer

KASAMA ni Shawn ang lalaking nasa video. Alam kong si Shawn na naman ang gumawa ng paraan para sa ebidensiya with a help of our leader, Zander.

"At narito rin po ang inutusan nila para ipasunog ang lab," sabi ni Shawn.

"Shawn? Huwag mong sabihing kabilang ka na rin sa kanila?" tanong ni Joseph.

"Matagal na," sincere na sabi ni Shawn.

"Aminin mo Ijo . . ." Sabay tingin namin kay Dean. ". . ikaw ba ang inutusan nila . . ." Sabay turo ni Dean kina Kieth. ". . . na ipasunog ang laboratory? Magsabi ka ng totoo kundi ay ipapatawag ko ang magulang mo ora mismo."

Hindi makaimik 'yung lalaki kasi alam kong takot siyang magsalita. Kaya naman tumingin ako rito sabay ngumiti, para maging komportable siya. "Huwag kang matakot magsabi ng totoo," sabi ko. "Kapag may ginawa silang hindi maganda sa 'yo, kami ang bahala sa 'yo."

Napatungo na lang siya at nagsimulang umiyak. "O-Opo, inutusan nila po ako," sagot niya. "Nagawa ko lang po 'yon kasi kailangan pong operahan sa puso ang kapatid ko at wala na po kaming magulang. Tanging kaming dalawa na lang ng kapatid ko ang magkasama. Wala po akong pera para maipagamot ang kapatid ko at ni hindi nila ako tinatanggap sa trabaho dahil wala pa po akong experience. Kaya po, wala akong nagawa kundi kumapit na lang sa patalim," sabi nito sabay humagulhol ng iyak.

Bigla ko tuloy naalala si Ellaine. Naalala ko tuloy 'yung sinasabi nito na huwag magsayang ng pagkain dahil marami ang nagugutom, huwag magwaldas ng pera dahil ang ibang tao'y hindi nakakayanan na kumita ng malaking halaga. Naalala ko pa ang sinasabi nito na madaming mahihirap na kumakapit na lamang sa patalim para sila'y mabuhay, kaya naman dapat tulungan ang mga taong hindi nakakayanan ang buhay para maiwasan ang ganitong gawa.

At ngayon, nakasalamuha ko ang taong tinutukoy ni Ellaine, kaya dapat lamang namin itong tulungan. Maari pa siyang magbago. Hindi mali, ginagawa niya ito kasi mahirap lamang siya. Malaking opportunity kasi na mag-aral dito dahil kapag naka-graduate ang estudyante rito ay matatanggap kaagad sa anumang trabaho, kaya siya rito nag-aaral.

"'Di ba isa siyang scholar?" sabat ni Karen. "Saka nasaan ang patunay na kami nga ang nag-utos sa kanya? Nasaan?"

"Are you stupid, or are you just natural-born stupid? We have proof, and you are still denying it, over and over again," iritang sabi ni Riella.

"Please, huwag na muna kayo magsagutang dalawa!" sabi ni Dean at halata sa boses nito na naiinis na sa dalawa. "Oo, si Erwin Macalintal ay isang scholar dito sa Zage pero dahil sa ginawa mo, maaring matanggal ang scholarship mo at maari ka pang masuspend, at ang mas malala'y pag-expell mo rito sa Zage."

"P-Pero Dean! Kinakailangan ko pong mag-aral."

"Ijo, kung hindi mo sana tinanggap ang pera o ang alok nila, hindi ka na sana mawawalan ng scholarship. Sayang ka dahil matalino kang estudyante pero lumabag ka kaya pasensya na," sabi ni Dean.

Minsan naiinis talaga ako kay Dean kasi ba naman parang wala siyang awa kung umasta. Kung siguro si Dean ang nasa sitwasyon ni Erwin, maaring ganoon ang gawin niya para sa kapatid niya. Kawawa naman kasi 'yung tao, kahit ako nga rin, kung ako ang nasa sitwasyon ni Erwin, gagawin ko talaga 'yon para sa mga kapatid ko.

"Dean naman parang awa mo na po," sabi nito sabay lumuhod. "Ang gusto n'yo po ay aminin ko ang kasalanan kong ginawa, pero noong inamin ko po hindi n'yo po ako kinaawaan! Dean, hindi ko po nagastos ang pera dahil nakonsensya po ako sa ginawa ko kaya nga po, ako na ang mismong lumapit dito para aminin ang lahat. Pakiusap po, huwag n'yo po akong tanggalan ng scholarship. Kahit ma-suspend po ako ay ayos lang po sa akin. Kaya pakiusap po, nagmamakaawa ako."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon