抖阴社区

HATE ? TWENTY-THREE

300 79 3
                                    


Ellaine

"THE deal is not yet over, so all I want is for you to still follow."

"Argh!"

Naiinis ako kasi kahit kakaunti oras pa lamang ay nagawa niya pa rin isingit 'yung huling utos niya. Kaya tuloy, pati sa Monday kailangan kong manood ng practice nila. And after noon, akin na akin na si Nightmare.

"Ano? Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Kuya sa akin, samantalang si Kian naman ay tawang tawa.

"Ang OA mo Kuya!" natatawang sabi ni Kian.

"Ano bang nangyari?" iritang tanong ni Kuya.

Inis kong pinukulan si Kuya. "Naiinis ako!"

"At may pag-irit ka pa talagang nalalaman? Ikaw talaga, sarap mong kutusan! Sa susunod, kung iirit ka 'yung walang boses ha! Nakakainis ka eh, 'kala ko naman may nangyaring masama!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, bigla niyang isinara ng malakas ang pinto.
Kahit na ganiyon, binalewala ko na lang siya, kaysa patulan ko siya napagdesisyonan ko na lamang na maligo. Naalala kong magpapasalon kami ngayon.

Pagkatapos kong mag-gayak, bumaba na ako para umalis. "Saan ang punta mo ngayon?" Saktong pagbaba ko'y nagtanong si Kuya.

"Magpapasalon kami nina Alexia. Sasama ka Kuya? Gusto mo rin 'no?"

"Oy, hindi kaya!"

"Baka sabihin mo napipikon ka lang!" pang-aasar ko rito sabay lakad papuntang pinto palabas. "BLEH!" sigaw ko saka lumabas.

Pagkalabas ko nakahanda na ang sasakyan ko at nasabi ko na rin kay Kuya Jonas na ihatid ako papuntang mall. Doon kasi ang napagkasunduan naming antayan.

As usual nauna na naman ako at nandito ako ngayon sa may milktea shop malapit sa Starbooks habang iniintay silang dumating.

"Ellaine!" tawag sa akin ng isang pamilyar na tao.

Lumingon naman ako at nakita ko si Andy. "Hi Andy, what's up?" tanong ko sa kaniya saka ako uminom ng milktea na inorder ko.

"Doing well, ikaw?"

Bigla kong naalala ang naging asal niya noong birthday ni Kian. Hindi ko aakalain na ganoon na siya ngayon, nanibago talaga ako sa kaniya.

Siguro malalim talaga ang dahilan kung bakit siya lumipat. Kaya hindi niya magawang i-open sa akin.

"Ellaine, are you still with me?"

"A-Ah oo!" sabi ko sabay kamot pa sa batok ko.

Bigla itong npatingin sa ibaba kaya naman napatingin din ako roon.
"Sorry pala," sabi niya kaya napatingin ako rito. "Sa naging asal ko noong birthday ni Kian."

"Wala akong natatandaan na ganoong nangyari," sabi ko na lamang dito para hindi na maungkat iyon. "Oo nga pala, bakit ka nga ba nandito?"

"A-Ahh may naka-meet up lang ako. Oh siya uuna na ako ah! Okay lang ba?"

"Oo naman 'no! Ingat!" Tumapik na lang siya sa aking balikat at saka umalis na.

Saktong pagkaalis ni Andy, dumating naman ang tatlo. Pagkatapos ng kaunting chikahan, nagsialisan na kami sa milktea shop na tinambayan ko at nagtungo sa isang sosyaling salon named The Bellas Salon & Spa.

"Ako na ang bahala sa gagastusin natin dito, kaya tara na sa loob?"

Bago pa man kami makaupo, bigla ko tuloy naalala si Zander sa pinsan niyang ito. Kapag kasi kasama ko si Zander nagpapalibre ako sa kaniya at binibili niya kaagad.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon